Chapter 28 - It's not Final War

27 0 0
                                    

Robert's PoV

Hinihintay lang namin na dumating si Roda.

Nanonood lang kami dito ng Pacific Rim. "Tagal naman ni Roda?" Angal ni Ron kanina pa 'to nagugutom eh.

Sakto tumawag si Roda! Kinuha ko na yung phone ko at sinagot.

- on Call -

"Hello Pre?"

"Hi Robert." Ba't parang iba yung boses?

"Sino 'to?"

"Hulaan mo kung sino." Nathaniel ata 'to eh. Imposible. Ano yun? Kinidnap si Ro--

"Nathaniel? Nasan si Roda?"

"Nandito siya ngayon sa mansion at pumunta kayo dito. Pag wala pa kayo dito ng 2 oras. Tutuluyan ko 'tong King niyo." Sabi niya. Susugod talaga kami dyan.

"The Time is running."

- end Call -

"Pre kumuha kayo ng baril dali! Susugod tayo dun!" Agad naman silang nagsitayuan at pumunta na kami sa Weapon Room.

"Kinidnap si Roda. Pag wala pa tayo dun ng 2 oras. Tutuluyan na nila si Roda." Sabi ko sa kanila at kumuha na ng baril at silencer.

"Rey kuhain mo yung ginawa niyong timer bomb." Tumakbo agad si Reynald papuntang kwarto niya.

Kumuha ako ng granada at M4A1. "Ikabit niyo na ang silencer niyo." Sabi ko sa kanila at kinabit na ang silencer.

"Ano tara na?" Aya ko. "Game!" Tsaka lumabas na kami ng kwarto at bumaba na.

Pagkalabas namin ay binuksan na ni Ron ang gate. Sumakay na kami ng kotse. Ang ginamit namin ngayon ay yung tatlong A86 para mabilis ang biyahe.

Lumabas na kami ng bahay at sinimulan ng magbiyahe. Tinime-ran ko na rin yung 2 oras.

Roda's PoV

Kanina pa ako binubugbog ni Alex dahil kay Alyssa. "Mamatay man ako! Wag niyo ng idamay ang kaibigan ko!" Sigaw ko kay Nathaniel.

"But your late. Papunta na sila dito." Bakit pa kayo pumunta dito?

Nakaupo lang ako dito at nakatali ang kamay ko at paa ko. "Ano? Di ka pa ba nadadala sa bugbog ko?" Pagyayabang na tanong ni Alex.

Pasalamat ka nakatali ako dito, dahil kung hindi ikaw ang mauunang mamatay kaysa sa'kin.

"1 hour na lang." Sabi ni Nathaniel at sinapak ako ulit ni Alex.

"Papatayin kita Alex. Makawala man ako dito." Gigil na sabi ko. Napakayabang amputa.

Lumapit sa'kin ulit si Alex. "Ikaw ang papatayin ko. Mamatay ngayon si Robert. Ikaw ang susunod." Napakayabang mo talaga.

Tine-testing kong makawala dito. Ang higpit ng pagkatali nila Shit!

Lumapit sa'kin si Nathaniel. "This is the final war." Sabi niya tsaka bumalik sa pinto. "It's not final war." Bulong ko.

Unti unti ng nanghihina yung katawan ko.

Robert's PoV

Wag kang mag-alala Rods. Malapit na kami dyan. Pinag-usapan na rin namin yung plano tungkol dun.

"Siguraduhin niyong hindi papalpak yung plano ah?" Paulit-ulit ko yang tinatanong sa kanila.

"Pre paulit-ulit na ah? Hinding hindi kami papalpak." Asar na si Luigi. "Nandito na tayo Pre." Dito kami nag-park sa gilid ng mansion.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon