Chapter 19 - How's my Robert?

31 1 2
                                    

Stephanie's PoV

( 4:40pm )

Nagising na din kanina si Robert pero natulog siya ulit.

Hinihintay ko lang magising si Robert. May inihanda na rin akong pagkain dito para pakainin siya pag nagising.

Tulog muna nga ako saglit.

Maya-maya ay may humawak sa ulo ko at tinignan ko ito. "Yam gising ka na ulit." Bati ko kay Robert. "Kamusta na kalagayan mo?" Dugtong ko.

"Ok na rin kaso nanghihina pa rin yung katawan ko." Sagot ni Robert kinuha ko yung inihanda kong pagkain para sa kanya.

Susubuan ko na lang si Robert.

"Yam oh. Kain ka lang ng gulay para lumakas ang katawan mo at maging masigla." Sabi ko kay Robert saka sinubo niya ito.

Tumingin naman sa'kin si Robert na namuya. "Thanks Yam. Ba't di ka pumasok ngayon?" Tanong niya.

Tumingin naman ako sa kanya at nginitian. "Wag mo nang isipin yun. Ayoko kasing nag-iisa ka at gusto ko binabantayan kita... at higit sa lahat... aalagaan kita kahit ano man ang mangyari." Sabi ko nang may pagka-sweet.

Tsaka hinalikan si Robert sa pisngi. "Ahh ok. Kailan ka pa papasok?" Tanong niya. "Kung kailan ka papasok." Sagot ko naman.

Ngumiti siya ng parang kinikilig. "Kaw talaga. Wag ka nang mag-alala sa'kin." Sabi niya. "Hindi. Hihintayin kitang lumabas dito." Sabi ko naman sa kanya.

"Oh eto pa." Sabay subo kay Robert. Dumating na sila Roda.

Lumapit agad si Roda kay Robert. "Ayos ka na Pre?" Tanong ni Roda. "Oo pre." Sabay apir kay Robert.

"Pre di mo ba alam? Kumalat yung chismis sa School." Sabi ni Janus. "Anong Chismis?" Takang tanong ni Robert.

Tumayo naman si Luigi at lumapit kay Robert. "Na may Girlfriend ka na daw. Si Roda nagsabi nyan." Pagpapaalam ni Luigi kay Robert.

Ngumiti naman si Robert. "Mabuti nga yun eh. Para kay Jeremy na bumuhos lahat ng babae." Sabi ni Robert. Tinignan ko naman si Jeremy na nagulat sa sinabi ni Robert.

Lumapit naman si Jomar kay Robert. "Hep! Hep! Hep! Nakahanap na nga si Jeremy ng babae eh!" Singit ni Jomar. "Anong babae! Gago friends lang kami!" Sigaw ni Jeremy sa likod.

Tumingin naman si Janus kay Robert at binulungan kami. "Puro ganyan lang yan. Pero mababalitaan na lang natin sila na." Bulong sa'min ni Janus.

Napangiti naman kaming lahat. "Tignan na lang natin." Sabi ni Roda.

Lumapit naman si Jeremy at Lance sa'min. "Kailan ka ba makakalabas Bert?" Tanong ni Reynald. "Bukas Pre." Tipid na sagot ni Robert.

Nagtaka naman si Lance. "Ang bilis naman?" Takang tanong ni Lance. Siniko naman siya ni Jeremy at binulungan.

"Ahh ok!" Sabi ni Lance saka tumingin sa'kin. "Alagaan mo yung kaibigan namin ah?" Request niya sa'kin. "Aba oo naman!" Sagot ko.

Tumingin ako sa likod nila kung bakit parang wala si Reynald. "Nasan si Reynald?" Tanong ko kay Lance.

"Sinundo niya si Julia." Sagot ni Lance. Tumango na lang ako at sinubuan ulit si Robert.

Reynald's PoV

Nandito ako ngayon sa McDo at naghihintay kay Julia. Tumingin ako sa relo ko at 5:10pm na pala.

Habang naghihintay ako ay tinitignan ko lang yung School nila Julia.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon