Chapter 30 - Why did you kill him?

31 0 0
                                    

Roda's PoV

( 8:30am )

Nandito ako ngayon sa baba at bagbibihis. "Bilisan niyo!" Sigaw ko. Kanina pa ako naghihintay.

Umupo muna ako sa dining table at kinuha ang phone ko. May 1 message.

Alyssa : 9:00am magkita tayo sa gate ng school.

*reply*

Me : Ok.

Binuksan ko yung wi-fi ko. Mag-e-fb muna ako habang wala pa sila.

Tinignan ko yung status at may nakapost sa WD. Ang picture ni Alex at Cedric ang nakapost at may nakalagay na "Alex and Cedric is dead."

Tinignan ko rin yung mga comment. "Gaganti kami sa inyo 12AB." Comment ni Rex. "Lalo ka na Roda at Robert. Kayo ang una naming papatayin." Comment ni Michael.

Subukan niyo lang magpakita sa'kin. Bala agad makakasalubing ng katawan niyo.

Tumingin ako sa harap ko at "Whuyyy shit ka!" Di ka ba magugulat sa nakita mong nasa harap mo tapos seryoso pa ang tingin.

"Anong nangyari sa'yo Rods?" Takang tanong ni Reynald. "Gulat lang ako." Sagot ko na humihinga pa ng malalim.

Bumalik na lang ako sa pag-upo. "Tapos na ba sila maligo?" Tanong ko sa kanya habang nagpo-phone.

"Oo. Pababa na nga sila eh." Pagkasabi ni Reynald nun ay nagsibabaan na sila. Galing ah.

Nagsitinginan silang lahat sa'kin. Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Bakit?" Takang tanong ko.

Nagsitinginan naman sila sa isa't isa. "Ayaw mo pang umalis?" Tanong ni Jomar at Glenn. "Nga pala." Tsaka tumayo na ako ng upuan.

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa garahe. Nandun na kaya si Robert kayla Steph? Sinundo niya kasi si Steph at susunod na lang daw siya sa school.

Kanina pa kasi siya umalis eh. 7:30am umalis na siya.

Binigay ko kay Reynald yung susi ng SUV. "Ron pabukas ng gate." Utos ko. Kumamot naman si Ron ng ulo. "Ako na lang lagi." Angal niya.

"Eh ikaw yung professional magbukas ng gate eh." Sabat ni Jeremy. Sinimangutan na lang ni Ron si Jeremy.

Robert's PoV

Hinihintay ko dito si Steph. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Lumabas na si Steph at Bam.

Pagkasakay nila ay agad bumati sa'kin ang Yam ko. "Hi Yam. Kumain ka na?" Tanong ni Steph. "Yup. Ikaw?" Tanong ko habang nililiko ang manibela.

"Hmmm kunti lang." Sabi niya. "Pag may nadaanan tayong McDo or Jollibee, drive thru tayo." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman si Bam-Bam.

Hinawakan ko ang kamay ni Steph. "Na-miss kita Yam." Sabi niya. "Na-miss din naman kita eh." Balik kong sabi. "Ang sweet naman." Singit ni Bam-Bam.

Tumingin naman ako sa likod at ningitian si Bam-Bam. "Ayy Bert? Di mo ba alam, k-popstan na rin kamo si Steph." Pagpapaalam sa'kin ni Bam-Bam.

Tumingin naman ako kay Steph at nginitian ko na lang. Wala namang problema na maging k-popstan si Steph. Basta wag niya lang ako ipagpalit.

"Basta wag niya lang ako ipagpapalit." Sabi ko na walang lingon. "Syempre naman. Ikaw lang ang Yam ko noh." Pagmamalaki ni Steph.

Ngumiti na lang ako. Naghahanap lang ako ng Jollibee or McDo o kaya KFC para magdrive thru.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon