Chapter 37 - Overnight

51 0 0
                                    

Stephanie's PoV

"Haaaaaayyyyyyy." Hikab ko. Ba't ang dilim ng paligid? Tinignan ko si Robert na tulog pa rin.

Inalog ko si Robert para magising. "Yam gabi na. Iniwan na nila tayo." Dinilat na ni Robert yung mata niya.

Ba't parang wala lang sa kanya? Tinignan ko yung paligid. Nandito pa pala sila Roda eh.

Nagse-selfie lang. "Yam uuwi na ba tayo?" Tanong ko. "Hindi." Sagot niya. Huh?! Anong nangyari sa Yam ko?!

"Dito tayo matutulog?" Tumango lang si Robert. "Nag rent ako ng hotel dito. 8 lahat ng ni-rent ko dito." Ahh ok. Lumapit ako sa lagayan ng ba--

Nasan bag ko. "Steph nasa hotel na yung gamit natin..." Sabi ni Glenn. "Kayo na lang hinihintay namin." Dugtong ni Glenn.

Tumayo na kami ni Robert at lumabas na ng kubo. "Musta tulog bert?" Pangangamusta ni Lance. "Okay naman." Tipid na sagot ni Robert.

Inakbayan ako ni Robert at niyakap ko siya. "I love you Yam." Sabi ko. Tuwing nakakasama ko kasi si Robert, tingin ko safe ako sa kanya.

"I love you too." Sabi niya tsaka hinalikan ako sa ulo. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Robert.

Lumapit sa'min sila Roda. "Oh picture picture!" Nagpost kami ni Robert tsaka nagflash na ang camera.

"Isa pa!" Habol ni Janus. Nagpost kami ulit at hinintay mag capture ang camera. "Pre isali kaya natin yung mga babae sa 12AB?" Tanong ni Roda. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko.

Baka mamatay pa ako ng maaga. "Basta wag lang natin ipaalam sa mga White Demon." Dugtong ni Glenn at Mark. Tumango naman si Roda.

"Ang pangalan nila ay The Life of Angels." Sabi ni Ron. Ok din ah. Nagkatinginan si Roda at Robert. "Ok!" Sabay nilang sinabi.

Kahit naman sumali ako dito protektado pa rin ako kay Robert. "Kahit sumali kami dyan Yam po-protektahan mo pa rin ako?" Paninigurado ko baka pabayaan na ako neto ni Robert eh.

"Oo naman. Kahit ano man ang mangyari." Sagot niya. Niyakap ko ulit si Robert. Naglalakad kami ngayon papuntang hotel.

Lumapit sa'min si Roda. "Bert ba't parang kilala ka dito?" Tanong ni Roda. Ngumiti si Robert bago sumagot. "Lolo ko ang may ari neto." Di ako makapaniwala sa sinabi ni Robert.

"Ahh. Lolo ko may ari ng hotel sa boracay eh." Ang yayaman naman ng mga pamilya neto. Sa'min kasi Resort eh.

Nang makapasok kami sa hotel ay ang daming nagge-greet kay Robert.

Pagkarating namin sa kwarto ay tinignan ko yung buong paligid. Ang laki ah. May walong kwarto at kusina.

"Anong kakainin natin?" Tanong ni Roda na nasa kusina. "Kahit ano na lang." Sagt ni Luigi. Umupo kami ni Robert sa sofa at sinandal ko yung ulo ko sa kanya.

Katabi ko lang din si Bam-Bam. Tinitignan ko lang yung buong kwarto na pinasukan namin.

"Yam okay ka lang ba?" Tanong ni Robert. Nakaakbay sa'kin. "Oo. Tinitignan ko lang yung buong kwarto." Sagot ko. Hinawakan ni Robert ang kamay ko at hinigpitan ko yung pagkahawak.

Tinignan ko si Roda at Jomar na nagluluto lang. "Kaldereta niluto namin?" Tanong ni Jomar baka ayaw kaso nila Ron. "Ge lang." Sabi ni Luigi na nagsa-soundtrip lang.

Tinignan ko si Julia at Rey na natutulog si Julia. Pagod yun panigurado.

Eric's PoV

Nandito lang kami ni Rex, Risha, Michael at 5Msa hotel para mag stay. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Boss.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon