Chapter 6 - Under Attack

65 1 0
                                    

Robert's PoV

Habang nagda-drive ako ay may sumusunod sa'min. Mga nakamotor na black may mga kotse din.

Nung tumabi ang isang motor sa tabi ko ay naglabas ng baril at tinutok sa'kin. "Luigi barilin mo!" Utos ko kay Luigi.

Binaril ito ni Luigi at Na-disgrasya ang lalakeng naka-motor at natamaan sa dibdib.

Laging sinasakto ni Luigi sa dibdib pag bumabaril siya.

May tumatawag sa Cellphone ko. Si Roda. Kinuha ko ito at sinagot.

"Bert! Pinagbabangga kami dito! Yung mustang mo sira na!" Sigaw ni Roda. "Wala kaming baril dito at may tama si Janus at Jeremy sa braso!" Dugtong ni Roda. Shet!

"Nandyan sa may likod! May box dyan at may Dalawang baril!" Sabi ko kay Roda.

Nilalagay ko yun sa likod para pag may problema may baril. Always prepare.

Roda's PoV

"Nandyan sa may likod! May box dyan at may Dalawang baril!" Sigaw ni Robert na nag-aalala sa'min.

"Ron kuhain mo yung box dyan sa likod mo at kuhain mo yung dalawang baril!" Utos ko kay Ron. Kinuha niya ito at binigay yung isa sa'kin.

Nasa tapat lang namin sila Robert at may nate-takedown silang Motor.

Binaril ni Ron sa likod at saktong natamaan niya yung nagda-drive ng kotse na bumabangga sa'min.

"Enemy Down!" Pagyayabang ni Ron.

"Ok lang kayo Jem?" Tanong ko kay Jem.

"Oo pre. Ahh! Ang sakit!" Sigaw ni Jeremy. Si Janus naman nawalan na ng malay.

"Tangina niyo ah!" Sigaw ni Jem.

*Bang*

Takte! May dala palang baril si Jem. "Kaya mo pa Jem?" Tanong ko kay Jem. "Oo pre." Sabi ni Jeremy habang bumabaril.

Sila Robert ay pinabagal ang takbo at pumunta sa likod namin. Tinawagan ko si Robert.

"Pre anong ginagawa mo?!" Tanong ko kay Robert.

"Tutulungan ko kayo." Sagot ni Robert.

Robert's PoV

"Tutulungan ko kayo." Sagot ko kay Roda. May tama na ako dito sa kaliwang braso ko.

"Pre si Reynald?!" Alalang tanong ko kay Roda. "Na-aksidente siya at natamaan ng bala." Shet! Baka tuluyan yun si Reynald. Kinuha ko ang granada sa lalagyanan at "Luigi! Barilin mo nga yun at lagyan mo ng butas!" Utos ko kay Luigi.

Binaril ni Luigi ang isang kotse at may butas na. Hinila ko ang bilog sa granada at binato dun sa kotse.

"3...2...1." Pagkasabi ko nun ay sumabog ang kotse at "Enemy Down!" Pagyayabang ko.

Hininto ko ang kotse at bumalik dun sa kinaroroonan ng kotseng sumabog.

Sumunod sa'min sila Roda.

Patay na lahat nakitang ko may naglalakad. Sa daan at humiga. Pinuntahan ko ito at bumaba sa kotse na may dalang baril.

Bumaba din si Luigi, Ron at Roda sa kotse. Nilapitan namin yung nakahiga.

"Y-you're a-all g-g-gonna d-die!" Sigaw ng lalake.

"Your gonna die too." Sabi ko at pinutok ang baril banda sa kinaroroonan ng puso nya.

"Puntahan natin si Reynald." Aya ni Roda.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon