Chapter 7

5 0 0
                                    

Almira Laine Heart

Tapos na naming ipasa ang among mga reaserch kahapon lang at naghahanda nalang kami sa dadating na leveling battle 2 dahil hindi daw ito madali.

Ang mananalo daw ay may maiuuwing cash price at tatanghaling Princess/Prince of Mind and Magic. At pag sinabing prinsesa ay palagi kang susoot ng crown at ikaw din ang magsisilbing SSG President ng Dawn Academy. Ikaw ang tatayong role model sa mga studyante dito.

Grabe hindi ako makapaniwalang totoo pala na may ganitong lugar dito sa mundo. At nakakatwang dito pala talaga ako nabibilang. Dito ako nararapat dahil isa akong Elemental User.

"ano nanaman yang iniisip mo Almira? Si Drake ba?" napaigtad ako nang biglang sumulpot si Aliyah sa tabi ko kaya nahulog ako sa kinauupoan ko. Nasa library kasi kami at nag aaral.

"pffffft---" nagpipigil ng tawa ang tatlo habang si Drake ay syempre walang pakialam sa mundo at ayun nagbabasa lang ng libro.

"anak ng punyetang kabayo—ikaw kasi Aliyah eh nangugulat ka" bulong ko. Syempre ayaw kong palayasin ulit sa library no! nabigyan na kami ng warning kaya magpapakagood girl na ako.

"sus nainlove ka lang kay Drake magugulatin ka na" nang aasar na turan niya.

"a-anong n-nainlove ka d-dyan" uutal utal kong dipensa. Ewan ko pero may kung anong kuryente sa katawan ko ang umepekto sa bibig ko para mautal. Parang kinakabahan ako.

"deny pa more" mapanukso nila ako tiningnan kaya mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko at napansin ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya agad ako nag walkout.

Haist! Kasalanan to ni Eros eh! Siya ang may pakana nito! Alam kong ako ang tiniya niya ng arrow of love kaya nakakaramdam ako ng kung anong feelings sa twing nakikita ko si Drake! Nakaka badtrip! Tinutukso tuloy ako nila Aliya dahil dun!

Napadpad ako sa Enchanted Forest kung saan matatagpuan ang Enchanted river na kung saan nakatira ang mga Siren's or should I say mga sirena.

Umupo ako sa ilalim ng puno na katapat ng ilog. Nakakagaan ng pakiramdam na makita ang mga sirenang masayang lumalangoy sa paligid ng River. May mga nagliliwanag na fairies din na lumilipad kahit saan.

Ang sarap na makinig sa mga boses nila. Nakakapayapa ng pakiramdam ang bawat nota ng mga kanta nila. Bumubuo tuloy ng liriko ang utak ko na kusang lumabas sa bibig ko.

'Nais kong liparin ang himpapawid,

At maabot ang ulap at langit,

Nais kong marating ang asul na dagat,

At languyin ang kanyang rikit'

'Nais kong mahiga sa kandungan ni ina,

At lasapin ang kaniyang mga haplos,

Nais kong marating ang paraiso,

Upang doon ay magpahinga itong pagod kong puso'

Nakakagaan sa pakiramdam ang pagkanta lalo na at mapayapa ang ito. Napakarelaxing pakinggan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere.

Umuwi ako sa Dorm ng maghapon na dahil paniguradong hinahanap na nila ako dun. Pagdating ko nadatnan ko silang nasa sala at mukhang hinihintay ako.

"hoy babae san ka nagsususuot at hindi ka namin mahanap maghapon?" salubong sakin ni Aliyah.

"sa Enchanted Forest"

"jusko naman Almira alam mo bang pinag-alala mo kami? Sana naman nagsabi ka saamin bago ka pumunta doon"

"hindi naman kayo nagtanong eh"

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon