Chapter 5

7 0 0
                                    


Almira Laine Heart

"Get ready to lose b*tch" sabi nung kalaban ko. hindi na ako nagsalita dahil inatake niya na ako ng mga naglalakihang bato.

Panay ilag ako at syempre umaatake rin pag kinakailangan. Aaminin ko na mahirap siyang kalaban. Puro mabibigat ang atake niya at kung malingat ka lang saglit ay for sure talo ka na.

Nagpakawala ako ng maraming electric blades na sinabayan ng isang malaking electric ball pero sa kasamaang palad ay nasangga niya itong lahat.

Agad siyang bumuhay ng limang stone golems kaya sinummon ko ang electric bow ko na kapag binend ang string ay automatic na may lalabas na arrow.

Agad akong lumayo dahil papalapit na ang mga ito sakin. Matagal tagal akong tumakbo ng tumakbo sa paligid ng battle field dahil inoobserbahan ko kung saan ang pwedeng maging kahinaan ng mga ito.

Bigla akong nalingat at hindi ko inaasakan ang malaking bato na paparating sakin kaya tinamaan ako nito.

Masakit yung katawan ko dahil naiipit ako dito sa malaking bato sa harap ko at nitong pader sa likod ko. Pero kahit na ganon ay pinilit kong bumuo ng electric ball saka pinasabog ang batong nakaipit sa akin.

"aw... kawawa ka naman. Hindi pa nga ako nagsisimula mukhang susuko ka na" bakas ang sarkasmo sa tono ng pananalita niya.

"sinong may sabing sumusuko na ako" bigla kong tinutok sakanya ang bow saka sunod sunod na nagpakawala ng mga arrow. Hindi niya ito inaasahan kaya hindi agad siya nakailag.

Sinunod kong patamaan ang noo ng mga stone golems na may itim na diyamante kaya isa isa itong sumabog.

"Argh! You—i'm gonna kill you!" sigaw niya at nagpakawala ng maraming tira kaya sunod sunod din ang pagpapakawala ko ng mga arrows.

Habang busy siya kakatira ay nag ipon ako ng energy sa mga binti ko at bigla akong napunta sa bandang likuran niya saka nagpakawala ng electric blades. Super speed ang ginamit ko kaya bigla akong napunta sa likod niya.

Bumagsak siya at nawalan ng malay dahil sa tira ko. Whew kala ko katapusan ko na.

"Almira! Yiiee congrats!" bati ni Aliya na may patalon talon pang nalalaman.

"Yeah, Congrats" Ash.

"naks! Haha Congrats Almira!" Edward.

"Congrats" at syempre si unggoy na Drake.

"Tara sa clinic at ipapagamot natin iyang sugat mo" Ice.

Naglalakad na kami papuntang clinic nang makaramdam ako ng panghihina saka kumirot yung ulo ko.

"are you okay?" tanong ni Drake.

"y-yeah" tanging sagot ko.

"you sure?"

Hindi ko na nasagot iyon dahil hindi ko na talaga kaya yung sakit sa ulo ko dahil inaapektuhan nito ang buong katawan ko. Ramdam ko na ang panghihina at untiunting pagbagsak ko pero bago pa man ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman kong may kamay na pumalibot sa bewang ko... then black out.

Drake Flame Ramirez

Biglang nahimatay si Almira kaya agad kong hinapit ang bewang niya para hindi sa tuluyang bumagsak. Agad namin siyang dinala sa clinic. Sabi ng nurse ay kailangan niya lang n g pahinga dahil na over use niya ang powers niya.

"alam mo ba kung sino yung naglagay ng Crystal barier sayo Drake?" biglang tanong ni Edward. tsk kahit kailan ay hindi talaga siya makatiis na hindi magsalita kahit ilang minuto lang.

"nope"

napapaisip ako kung sino ang may gawa nun. wala namang may ganyang kapangyarihan dito sa loob ng Academy. nakakapagtaka lang na makakalusot yung kapangyarihan niya sa barier na nakapalibot sa battle field. hindi ko rin naramdaman ang enerhiya niya.

Almira Laine Heart

nagising ako sa isang lugar na maraming paroparong hugis-- Puso? seryoso? tsk andami talagang kakaiba dito sa mundong to. una yung puntuang walang door knub sunod yung bulaklak na nagsasalita tapos ngayon paroparong hugis puso? ano kaya ang susunod? haha.

"maligayang pagdating sa isla ng mga puso mahal na Prinsesa" biglang sumulpot si Eros sa lukod ko kaya halos mapaigtad ako sa kinatatayuan ko.

"jusko naman Eros may lahi ka bang kabuti at sulpot ka ng sulpot kahit saan?"

"haha iba talaga pag INLOVE magugulatin"

"connection please" sarckastiko kong tanong.

"indenial stage ka pa pero pag dumating sa part na mahulog ka ng tuluyan... your love will be on Fire" tong batang to daming alam tsk.

"tsk cut the crap. ano bang gagawin ko dito at dinala mo ko sa korni mong isla"

"well, sabi ni Mom ay kailangan niya daw ibigay sayo ito pero nakalimutan niya kaya inutusan niya ako" sabi niya sabay bigay ng isang bracelet.

"para lang dito? dinala mo ako dito sa korni mong isla?"

"actually may itatanong talaga ako sayo" medyo nahihiya niyang sagot.

"ano yun?"

"kilala mo ba itong babaeng ito?" tanong niya at may biglang lumitaw na hologram ng babae. maganda siya pero hindi ko kilala.

"hindi eh. bakit?"

"w-wala lang" medyo nagblush siya ng onti kaya alam ko na ang dahilan niya wahahaha. ang dios ng pag-ibig... umiibig na din!

"come on, you can't fool me... tell me you like this girl right?" mapanukso kong tanong.

"o-of course not!"

"bat ka sumisigaw? yiiee in love siya... in denial nga lang"

"tsk. ikaw ata yun eh. hindi mo inaamin na may gusto ka kay Drake"

"a-abat-- at bakit naman nasali sa usapan si D-drake?"

"see? nauutal ka pag binabanggit mo yung pangalan niya"

"h-hindi no-- teka bat napunta sakin ang usapan aber?"

"i don't know... ask yourself" kibit balikat niyang sagot.

"You--! arghh!"

"mabuti pa't bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo dahil nakakarindi yang boses mo"

"tsk. in denial!"

"ka!"


TO BE CONTINUE...

(THIS IS A SHORT UPDATE)

-Jieun


The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon