Chapter 9

7 0 0
                                    


Almira Laine Heart

Kasalukuyan akong umaakyat sa isang mataas na bundok. Hindi ko alam kung bakit parang minamagnet ako nito. Para bang hinihila ako papunta sa pinakatuktok ng bundok.

Sobra na sa kalahati ang naakyat ko sa bundok at nakikita ko na yung mga nasa ibaba. Mga studyanteng naglalaban at kung ano ano pa.

Nasa taas ako ng mga kahoy dumadaan. Yung monkey style. Yun kasi ang pinaka madaling paraan para makaakyat. Matatagalan ako pag naglakad ako.

Mas mapapagod lang ako dahil paakyat ang lalakaran. Mas madali lang kung ganito dahil mas ligtas din. Pano kung may nilalang pala yung naapakan mo tapos pagod ka na.

Nang makatapak ako sa isang sanga ng punong nilipatan ko ng puwesto ay parang gumalaw ito kaya dalidali akong tumalon at lumipat ulit ng puno.

Nilingon ko ang punong gumalaw kanina at dahan dahan itong nagpalit ng anyo. Naging isang babaeng berde.

Yung buhok nya ay parang matataas na dahon may mga bulaklak din ito. Yung katawan niya ay parang may saplot kaya lang balat ito ng kahoy.

Dryad [is a tree nymph or tree spirit in Greek mythology. Drys signifies "oak" in Greek, and dryads are specifically the nymphs of oak trees, but the term has come to be used for tree nymphs in general, or human-tree hybrids in fantasy]

(AGAIN THIS IS NOT RELATED TO THE GREEK MYTHOLOGY)

Nang makita ako nito ay agad itong nawala. Para bang natatakot sa akin. Tsk sa ganda kong to? Nakakatakot?

Hindi ko nalang ito pinansin at muling nagpatuloy sa pag lipat lipat ng kahoy. Malapit na ako sa pinakatuktok. Nakakaramdam din ako ng kakaibang enerhiya na gustong kumawala sa katawan ko.

Eh? Diba napalabas ko na ang mga kapangyarihan ko? Eh ano itong gustong kumawala sakin? Nevermind.

Nagpatuloy ako ng paglipat lipat ng puno hanggang sa makarating ako sa pinakatuktok ng bundok. Patag ito at sa gitna ay may napakalaking kweba kaya dahandahan akong naglakad palapit dito.

Nabigla ako nang biglang lumindol at lumabas sa kweba ang tatlong malalaking stone golems.

"oh shit" mura ko nang bigla itong nagbato ng malaking boulders.

Kaagad akong lumundag paitaas at nilabas ang pana ni Artemis. Binitawan ko ang bala at laking gulat ko nang hindi ito tinablan. Shit para sa mythical creatures lang pala ang panang binigay sakin ni Artemis.

Inilabas ko ang fire sword ko at pinainit ito ng todo. Nagliwanag ito at naging isang lazer sword.

Agad akong umatake sa mga stone golems at pinagsasaksak ko ng nagaalab kong espada. Halos matunaw yung mga natatamaan ng sword ko dahil sa grabeng init mula sa blade nito.

Nang matapos ay naglakad ako papasok ng kweba. Iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makaramdam ako ng sakit sa ulo ko. Tila binibiyak ito.

Kahit na nanghihina ay pinilit kong maglakad papunta sa loob ng kweba. Halos pa gewang gewang akong naglakad dahil sa sakit ng ulo ko at pagkahilo. Parang may kung anong puwersa ang umiipit sa utak ko. Napakasakit.

Napadapa ako sa damuhan nang tuluyan kong marating ang pinakaloob ng kweba. Maganda sa loob. May mga puno at halamang makukulay.

Sa pinakapusod ng kweba ay may makikitang pabilog na malaking bato. Pinapatungan ito ng apat na batong paliit ng paliit. Sa itaas naman ng bato ay nakalutang ang isang korona.

Hirap na hirap man ay pinilit kong tumayo at pagewang gewang na naglakad papalapit doon sa kinaroroonan ng korona.

Malapit na ako sa korona nang matisod ako at mauntog ang ulo sa batong pinapatungan ng korona.

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon