Chapter 15

5 0 0
                                    

Almira Llaine

Nang marating namin ang Enclantria Mountain ay agad akong pumasok sa kweba na nakatago sa likod ng malalaking bato.

Medyo madilim sa loob ng kweba pero hindi nagtagal ay nagkaroon din ng liwanag dahil sa mga crystal na kumikinang sa paligid ng kweba.

Pagkarating ko sa punakadulo ng kweba ay nadatnan oo ang napakaluwag at napakalaking espasyo na pabilog.

Naglakad ako papunta sa gitna at saka ko lang namalayan na may nakaukit palang magic circle sa sahig  kaya lumuhod ako at inubserbahan ito.

Hindi ko ma intindihan ang mga nakaukit sa magic circle kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ito ng magical power.

Ilang sandali lang ay lumiwanag ang mga simbulo at biglang yumanig ang paligid.

Biglang lumitaw ang napakalaking image ng isang dark blue na dragon at mariin na nakatingin sa akin

'Sino ka? Hindi ikaw ang inaasahan ko?'

Biglang nagsalita ang dragon habang tinatapunan ako ng matatalim na tingin. How rude.

Huminga ako ng malalim at nagsalita "ako si Almira Llaine Heart, ang ikapitong Elemento." Nang marinig niya ang mga salitang yun at agad na nagiba ang pakikitungo aniya sakin.

'Naintindihan ko, gusto mong kunin ang Celestial Guardian mo'

"Kung pwede sana pati ikaw, ibibigay din naman kita sa tunay na nagmamayari sayo eh" sabi ko.

'Sige, sasama ako sayo kaya lang ang celestial Guardian ay matagal nang nakatago sa loob ng katawan mo"

Naguluhan ako nang sinabi aniya gun "anong ibig mong sabihin" tanong ko.

'Matagal nang panahon ang nakalipas Simula nung huli kaming nagtipon tipon na mga Guardian. Nang ipinanganak kayong pitong elements ay agad kaming naghiwahiwalay, habang si Celestia ay nagpaiwan sa divine gate kung saan kami nakatira. Hindi nagtagal ay sinundo siya ng iyong Ina, ikinulong siya ng iyong ina sa loob ng katawan mo, hindi din aio sigurado kung saan nilagay ng Reyna ang selyo sa katawan mo'

Wait does that mean na hindi ko na kailangan pang hanapin ang Celestial Guardian?

"Eh papaano ko siya mapapalabas?" Tanong ko.

'Ang alam ko ay naglaho na ang katawan ni Celestia kaya hindi siya pwedeng lumabas sa katawan mo'

Huh? Paano yun? Walang katawan? Ang hirap naman nun.

'Sa madaling salita, si Celeatia ay ikaw'

Wait- what?

'Sa siyang bahagi ng 'yong katauhan'

*********

Nakabalik na kami sa academy at natapos nadin kaming magreport. Maayos ko namang naibigay kay  ang  Lightning Guardian.

Hindi a din ako makapaniwalang ako si Celestia.

Napahiga nalang ako sa kama ko habang iniintindi ang mga sinabi ng Lightning Guardian saakin.

Celestia, the Celestial Guardian and the seventh elemental holder.

To be honest, hindi ko pa talaga naiintindihan kung ano ba talaga ang  tunay kong kapangyarihan at kung paano ito makokontrol.

Hindi din naman sinabi sakin ng mga Dios at Diosa ang lahat. Marami pa talaga akong kailangang malaman tungkol sa katauhan ko.

Ah, kung nakucurious kayo kung ano ang Seventh elemental holder, yun yung light at darkness na element.

Sinabi yun sakin ni Eros nung hindi pa kami nakakarating sa mnt. enclantria.

Hay... Ang dami namang kaioangan gawin masyado nang puno ang utak ko dahil sa dami ng problemang dumadating.

Please help me....

TO BE CONTINUE...



__________________________
Sorry for the delay here's the long awaited chapter.
It's kinda short so sorry, i kinda have a problem on memorizing my password and I also accidentally uninstall my wattpad.

Please enjoy reading

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon