Chapter 11

6 0 0
                                    


Ice Flake Frost

This is it Ice, you need to get your Guardian Dragon.

Nang makapasok ako sa loob ng temple ay bumungad sa akin ang mala tunnel na daanan.

Yung mga ice sa paligid ay parang nag-g-glow. Nagmimistula tula tuloy itong crystal.

GROWL!

Biglang yumanig ang paligid dahil sa malakas na ungol ng isang malaking nilalang na hula ko ay nasa pinakadulo ng tunnel.

Agad akong tumakbo at naglagay ng barier sa paligid ko incase na may mahulog sa taas.

GROWL!

BOOGSH!

"oh shit! arghh"

Malutong akong napamura nang mabagsakan ako ng malaking bloke ng yelo mula sa taas.

Grabe pano nasira yung ginawa kong barier?

'Ice..'

Napalinga ako sa paligid nang makarinig ako ng isang napakalaking boses ng malaking nilalang.

'Ice...'

"sino ka? Magpakita ka sakin!"

Biglang yumanig ng malakas at umabot ito sa puntong hindi na ako makatayo dahil sa lakas nito.

Sinubukan kong maglakad ng nakaupo para makaabot sa dulo at nagtagumpay naman ako.

Nang makaabot ako sa dulo ay biglang lumitaw ang tatlong malalaking Ice monsters na may snow na katawan at ice spikes sa braso, balikat kamay tuhod at paa.

Nilabas ko ang Ice sword ko at sinimulang pagpipirasuhin sila ngunit laking gulat ko nang magreassemble ang mga ito at this time ay naging isa.

Sinubukan kong pagpipirasuhin ang napakalaking monster na ito ngunit ganun lang din ang nangyayari. Magrereassemble lang ang mga ito at babalik sa pagiging malaking monster.

'remember Ice, trust your instincs'

Nang marinig ko iyon ay sakto namang nakita ko ang kumikinang na diyamante sa noo ng Ice monster.

Agad akong tumakbo at bumwelo saka sinalubong ang atake ng malaking nilalang na ito.

Nung makalapit ako sa ulo nito ay agad kong inihanda ang espada ko at walang pagdadalawang isip na itinurok sa malahiganteng diyamante sa noo ng napakalaking halimaw.

Agad naman itong lumiwanag at dahandahang naging snow flakes...

Just like my name...

Ang kaibahan lang ay ang unang word psh.

'magaling Ice, napabilib mo ako'

"lumabas ka!"

'masusunod mahal na prinsesa'

Mula sa itaas ay lumabas ang isang nakakasilaw na ilaw kaya napatakip ako sa mukha at napapikit ng mariin.

'Nagagalak akong makilala ka Prinsesa Ice'

Napamulat ako nang marinig ko nanaman ang tinig na iyon. At nang maimulat ko ang mata ko ay nakita ko agad ang napakalaking Dragon na kulay light blue.

Biglang umilaw ang susi na hawak ko at kusa itong lumapit sa dragon kaya nabitawan ko ito.

Pinanood ko ang pag ilaw ng dalawa. Yung susi ay lumapat sa noo ng dragon na may guhit na susi at umilaw ito.

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon