Chapter 2

19 0 0
                                    


Almira Laine Heart

Naglalakad lakad ako ngayon sa paligid ng Enchant Kingdom, grabe hindi talaga ako makapaniwala na may ganito pala talagang mundo dito sa universe.

Nadadaanan ko ang mga bahay at mga taong may iba't ibang kapangyarihan,grabe ang cool dito mukha kalang nanonood ng movie na 3D.

Dahil sa hindi ako nakatingin sa daan ay may nabangga akong babae na nagbabasa kaya nahulog yung phone ko at yung libro niya.

Sabay naming pinulot ito, inabot niya sakin ang cellphone ko at inabot ko din yung libro niya saka ngumiti. Naglakad ako pabalik sa palasyo at sinilip ang phone ko kung nagcrack ba pero in my big surprise eh na fully charge na siya.

Nagtaka ako kasi hindi naman ako nakapag charge e—wait does mean na nagcharge lang ang Phone ko nung nabanga ko yung girl... wait hinawakan niya to kanina eh—omg that means she had tha lightning power, shebs sana maging friend ko siya para naman sakanya nalang ako magchacharge haha.

"Almira!" tawag sakin ng kung sino kaya lumingon lingon ako.

Nakita ko si Ash na kumakaway sakin saka tumakbo patungo sa kinaroroonan ko.

"bakit?" tanong ko nang makalapit na siya

"tara, ihahatid kita sa magiging condo mo" sabi nya ska hinatak ako patungo sa isang malaking gate.

Pagkapasok namin ay may mga studyante na nasa loob nito, yung iba ay naglalaro gamit yung mga kapangyarihan nila yung iba naman pagalagala lang, marami ring building dito and i think isa itong School.

"Welcome to Dawn University" wika ni Ash habang iminuwerstra ang paligid.

Hinila naman niya ako patungo sa likod ng mga building at nakita ko ang sampung malalaking building na may teraces. Ang ganda dita ah bukod sa pinalilibutan ito ng maraming halaman ay may mga lumilitaw din na maliliit na kumikislap.

Habang naglalakad kami ay kinukuhanan ko ito ng mga pictures, ang ganda kasing tingnan eh.

Pumasok kami sa pinakahuling building at umakyat sa pinakataas na floor saka nakita ko ang mga kakaibang kwarto, ang mga pintuan nila ay walang door nub like duhh pano yan mabubuksan?

"Nandito na tayo" sabi nya saka huminto sa puting pinto na walang door nub.

"pano yan bubuksan eh walang door knob" tanong ko naman.

"dito sa Enchant kingdom walang door knob door knob hindi yan uso dito" sagot naman niya na ikinakunot ng noo ko.

"pano ko bubuksan yan?"

"ganito, ibuka mo ang palad mo at itapat mo sa bilog na yan saka mo pihitin pakanan saka mo ididiin"

Sinunod ko naman yung sinabi nya kaya nung idiin ko ay bigla nalang may lumabas na ilaw na circle na may konting design saka ito nagbukas, sliding pala siya.

"kung papasok ka dito hindi mo na kailangan na itapat yang kamay mo kasi bubukas yan pag papasok o lalabas ka" paliwanag naman nito.

Taray ah parang encantadia ang peg haha, pumasok kami saka ko nakita ang kabubuan ng room ko, grabe ang laki laki sa loob, kung sa labas ay akala mo maliit eh sa loob naman ay malaki ang espasyo.

May apat na mahahabang sofa na punapalibutan ang isang mini table, may mini kitchen na kompleto ang gamit at nandoon na din ang lamesa kung kakain ka, may malaking tv taray may tv naman pala dito sa mundong to eh, tapos may tatlong pintuan, sa una ay cr saka yung pangalawa naman ay kwarto ko na may terrace saka glasswall lang ang nakaharang dito na may puting kourtina saka may side table din at study table, sa pangatlong pintuan naman ay library na punong puno ng libro.

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon