Chapter 8

8 0 0
                                    


Almira Laine Heart

Ngayon na ang Leveling Battle 2 at masasabi mong exiting ang mangyayari dahil in the other dimension gaganapin ito. Bale puro illusion lang ang makikita pero totoo ang umaatakeng kalabang trolls, imps, centaurs, orks, etc.

"to all students, good luck" sabi nung emcee. Nakatayo ang bawat studyante sa bawat magic circle kaya isa isa kaming naglaho.

Naimulat ko ang mataka ko at tumambad sa paningin ko ang di pamilyar na paligid. Isang kagubatan ako at nasisigurado kong maraming mababangis na hayop ang masasagupa ko dito.

Naglakadlakad ako hanggang sa mapadpad ako sa isangmaliit na ilog. Mabato ito at medyo hindi malinaw ang tubig kaya nagdududa akong meron ngang mga nagtatagong hayop sa tabi tabi. Nag aabang lang ng tamang oras para umatake.

Naging alisto ako nang makarinig ako ng isang mahinang kaluskos sa paligid ng ilog. May mga gumagalaw din sa ilalim ng tubig. Malaki. Malaking malaki.

Inilabas ko ang lightning bow ko at marahas na nagpalingalinga. Marami sila at hindi ko matansya kung ilan talga basta nasisiguro kong marami ito.

Bigla nalang huminto ang mga kaluskos at naging tahimik ang paligid kaya mas naging alisto ako. Palihim akong naglagay invisible electric barier para maprotektahan ko ang sarili ko kung sakaling hindi ko mamalayang umatake na ang mga ito.

Mula sa tubig ng ilog ay biglang lumabas ang malaking ahas. Take note ah. Malaki! Kasing laki ng pinto ang ulo niya! Kulay berde ang buntot niya na napakataas. at may may mala medusang katawan hanggang bewang.

Nakita ko ang isang koneho sa tabi ko na nakatingin sa mata ng mala medusang ahas sa harap ko at kitang kita ko na unti unting naging bato ang koneho mula sa mata hanggang sa tuluyan nang naging bato at unti unting naging abo.

Bakas sa mukha ng ahas ang pagtataka dahil hindi ako natatablan ng salamangka niya. Kahit ako ay nagtataka din pero naalala kong nasa barier pala ako kaya siguro hindi ako tinablan ng mga titig niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na inangat ko ang aking pana at nagpakawala ng maraming tira kaya may iilang hindi niya naiwasan.

Nagtaka ako dahil parang walang nangyari sakanya nung tumama sakanya ang mga ellectric arrow ko. Tila hinigop ng mga mata niya ang mga enerhiyang nanggaling sa mga arrow. Damn!

Wala akong magawa kundi ang gamitin ang pana na biniogay sa akin ni Artemis. Hindi ko pa alam kung ano ang tinataglay nitong kapangyarihan pero dapat kong sumukan dahil mahirap kalaban ang medusang 'to.

Kaagad akong tumalon ng mataas nang hampasin niya ako ng buntot niya. Mabilis kong itinutok sakanya ang pana at nagpakawala ng maraming palaso.

Kitang kita dito sa itaas ang pagtarak ng isang palaso sa noo ng taong ahas at unti unting naging bato pero bago pa man maging abo ang buong katawan ng taong ahas na mala Bedusa ang peg ay umilaw ang isang bato sa dibdib nito kaya pagkalanding ko ay kinuha ko ito nung mahulog.

Hindi ito nasali sa pagiging abo. Kulay green ito. Diyamanteng kulay Berde. Bigla itong umilaw kaya napapikit ako at bigla itong kumawala sa kamay ko.

Nung mawala ang ilaw ay tiningnan ko ito at nakita kong naging isa itong susi. Wait... the Water Guardian Key!

Kaagad kong inilahad ang kamay ko kaya dahan dahan itong lumapat sa palad ko. Itinago ko ito dahil ito ang magiging susi para makita ni Aliyah ang Guardians niya.

Naglalakad muli ako. Halos ilang oras akong naglakad. Survival kasi ang game. Kapag namatay ka ay mababalik ka sa academy. Virtual reality ang tawag dun.

The Enchanted World [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon