NAPIPIKIT na si Carrie nang marating niya ang silid nila ni Rhianna. Patamad na binuksan niya ang pinto at hindi na inabala pang buksan ang malaking ilaw dahil bukas naman ang mga lampshades na nakadikit sa pader. Kaunting hakbang lamang ay naramdaman na niya kung nasaan ang kama. Pabagsak na humiga siya roon.
Papaidlip na siya nang maalalang hindi pa nga pala siya nakakapaglinis ng sarili. Hindi siya natutulog ng hindi nakakapagshower. Saglit pa siyang nanatiling nakahiga bago mabigat ang katawang bumangon.
Mabagal siyang naghubad ng damit at nagsuot ng roba. Naghihikab pa rin siyang lumapit sa banyo. Napakunot noo siya nang mapansing tila bukas ang ilaw niyon at bahagyang nakaawang ang pinto. Mukhang ginamit na nga ni Yana ang silid na ito at nakalimutang patayin ang ilaw sa banyo.
Napailing na lamang siya at tuluyang binuksan ang pinto. Napaatras siya at napaigtad sa pagkabigla nang makitang may tao sa loob ng banyo. Nagising ang diwa niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakatalikod na bulto ng isang hubad na lalaking nakatayo sa ilalim ng patay ng shower! Tila siya ipinako sa kinatatayuan niya at awtomatikong humagod ang tingin niya sa katawan nito. Nang mapadako ang tingin niya sa puwitan nito ay agad na nag-init ang mukha niya.
Malakas siyang napatili at mabilis na itinutok ang mga mata sa mukha nitong natatakpan pa ng tuwalya. Mukhang kasalukuyan itong nagpupunas nang dumating siya roon. "Sino ka?! Ano ang ginagawa mo sa banyo namin?!" gulat na tanong niya sa lalaki na mukhang nagulat din dahil nakita niya itong napaigtad.
Inaasahan niya na mahihiya na ito at magsasalita. Ngunit sa pagkamangha niya ay himbis na sumagot ay ipinagpatuloy pa nito ang pagpupunas ng buhok nito at tila walang pakielam kung naroon siya. Ni hindi ito nagtangkang takpan ang sarili. Sa labis na kaba at pagkataranta ay pumorma siya at ubod puwersang iniangat niya ang binti niya upang sipain ito. "Pervert!" sigaw niya.
Napasinghap siya ng bago pa niya matamaan ang lalaki ay dumulas ang paa niya sa tiled floor ng banyo. Napatili siya ng maramdamang babagsak siya sa sahig. Napapikit siya at hinintay na maramdaman ang sakit ng pagbagsak sa sahig.
MARIIN pa rin ang pagkakapikit ni Carrie nang bumagsak siya sa sahig. Ngunit nang maramdamang hindi naman siya masyadong nasaktan dahil sa may tila sumoporta sa ulo at katawan niya ay saka siya napadilat.
Noon niya narealize ang katawan ng lalaking bigla siyang niyakap nang madulas siya. At ngayon nga ay ramdam na ramdam niya ang hubad na katawan nito na nakadikit sa katawan niyang roba lamang ang takip. Bahagya ring tumatama sa mukha niya ang basang buhok nito at ang hininga nito sa leeg niya. Biglang nagrigodon ang puso niya. Alam niyang intensyon lang nitong protektahan siya upang hindi siya mapuruhan sa pagkakabagsak niya ngunit iba pa rin ang epekto ng posisyon nilang dalawa sa sahig ng banyo sa puso niyang halos nais ng kumawala sa ribcage niya.
Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata niya nang may maramdamang kung anong matigas na bagay sa bandang tiyan niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya ng sumalakay ang nerbiyos sa kanya. Hindi siya ganoon ka-naïve. Alam niya kung ano ang "bagay" na iyon.
"Urgh! Lumayo ka sa akin! Get off me!" sigaw niya at nagpapasag upang ialis ito sa pagkakakubabaw sa kanya.
He growled. "Don't move," saway nito sa kanya at bahagyang iniangat ang katawan mula sa kanya. Natigilan siya sa bahagyang paos na boses nito. It was so... sexy. Shocks saan galing ang adjective na iyon? Kastigo niya sa sarili. Nasa bingit na nga siya ng alanganin sa kamay ng isang estranghero ay napapansin pa niya ang boses nito? Oo nga at iniligtas siya nito sa pagkakabagok ng ulo at pagpilay pero hindi ibig sabihin niyon ay dapat na siyang magtiwala rito. You are crazy Carrie! Ipinagpatuloy niya ang pagpasag upang makawala rito.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLF
RomanceThe moment Carrie saw Martin, she knew she was in love. Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon...