Chapter 8

6.1K 323 15
                                    


NAPABUNGISNGIS si Carrie na parang teenager nang malakas na tumawa si Rhianna. "Hindi ako makapaniwala! Kuya did that?" mangha pa ring sabi nito.

Humagikhik siya. "Yes. I could not believe it too at first you know. I mean, akala ko namamalikmata ako. Pero hindi, he's real. Yana, anong gagawin ko? I'm so happy!" aniya rito.

Nasa loob sila ng apartment niya dahil tinawagan niya ito. Hindi niya matiis na sarilinin ang sayang nararamdaman niya sa biglang pagsulpot ni Martin at pagpapakita nito sa kaniya na espesyal siya rito. Mabuti na lamang at libre si Rhianna kaya napuntahan siya nito kaagad sa apartment niya.

Ngumisi ang kaibigan niya. "Masaya rin ako para sa iyo. The fact that kuya initiated to see you means he really loves you. I knew it! Kasi sa loob ng maraming taon never siya nagkagirlfriend!" sabi pa nito.

Bahagyang nawala ang ngiti niya nang may maisip siya. "Yana, paano pala kung hindi naman ako ang dahilan? Baka kaya di pa siya nagkaka-girlfriend kasi mahal pa rin niya si Camille. Tapos narealize lang niya na tumatanda na siya at kailangan niya na makakasama sa buhay at ako na lang ang napili niya dahil hinahabol habol ko siya dati?" tanong niya.

"Duh! Of course not. Grabe ka naman Carrie alam nating pareho na hindi ganiyang tao si kuya. Dahil kung ganiyan siya sana noon pa mang hindi pa siya nakakamove on kay ate Camille pumayag na siyang maging kayo. Pero hindi niya pinatulan ang mga hints mo dati diba? Kasi alam ko deep inside him ayaw niyang maging unfair sa iyo," paliwanag nito.

Napabuntong hininga siya. May punto naman ito. But still hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng pagdadalawang isip ngayong inaalisa niya ang lahat. "Paano naman tayo makakasiguro na talagang nakamove on na siya sa kaniya?" wala sa loob na tanong niya.

Tumitig ito sa kaniya at ngumiti na parang may alam itong ayaw nitong sabihin sa kaniya. "Teka, sinabi mo ba kay kuya na inimbita kita sa dinner sa bahay sa birthday ko?" tanong nito.

"Hindi," aniya. Nawala sa isip niya iyon nang kasama niya si Martin.

Lalong lumawak ang ngiti nito. "Mabuti naman. Huwag mo ng sabihin para surprise. Bibigyan kita ng pruwebang hinahanap mo," pamisteryosong sabi nito.

At kahit anong pilit niya rito ay hindi niya ito nagawang pagpaliwanagin sa sinabi nito. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang hayaan na lang ito.

NAPAHINGA ng malalim si Carrie sa magkahalong antipasyon at kaba nang bumamba siya ng kotse niya. Naiparada na niya s garahe ng bahay nila Rhianna ang sasakyan niya. Araw iyon ng kaarawan nito at tulad ng ipinangako niya ay nagpunta siya roon para sa birthday dinner nito.

Hindi pa siya nakakarating sa pinto ng mga ito ay nakita na niyang lumabas mula roon si Rhianna. Napangiti siya nang makita ito. "Yana! Happy Birthday!" bati niya rito kasabay ng pagyakap at beso rito.

"Thank you. I'm excited," humahagikhik na sabi nito. "Tara pasok na tayo nasa loob na si Cedric," sabi pa nito at hinatak siya papasok sa loob ng bahay. Sa loob ay nakipagbatian siya sa boyfriend nito na base sa ngisi at tingin ay mukhang may alam ng lahat tungkol sa kanila ni Martin. Malamang nasabi na iyon ni Rhianna.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa Carrie. Hindi lang nagsasalita iyon si Martin pero ikaw ang laging iniisip iyon. At least, iyon ang laging sinasabi ni Yuuji at George," sabi pa ni Cedric sa kaniya. Ngiti na lamang ang isinagot niya rito.

Noon na man bumaba ng hagdan ang mga magulang ni Rhianna na parehong halatang nagulat at natuwa nang makita sila ni Cedric.

"Carrie hija, ikaw ha hindi ka na dumalaw sa amin dito. Dati ay isang beses ka lang nagpalipas ng gabi rito. Ang sabi ni Yana ay masyado ka na raw busy sa trabaho. Bakit ganiyan kayong magkaibigan ha? Mas inuuna niyo ang trabaho," pabirong sabi ng mama nito na humalik sa pisngi niya.

TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon