Chapter 7

6.5K 335 22
                                    


NANG kumurap si Carrie at makita pa rin si Martin na nakatayo roon kasama ang isang lalaking naka amerikana na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga big bosses ng istasyon ay tila may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya na akala niya ay wala na roon. At nang ngumiti ito sa kaniya ay biglang nagwala ang puso niya. "M-martin," naibulalas niya. Napatingin sa kaniya ang mga staff pero wala na sa mga ito ang atensyon niya.

Nahigit niya ang hininga nang magsimula itong lumakad palapit sa kaniya. At nang nasa harapan na niya ito ay lalong lumawak ang ngiti nito. "Long time no see Carrie. I watched your whole taping and you're really good. I'm a fan," magaang na sabi pa nito kasabay ng pamumulsa.

Napamaang lang tuloy siya rito. "Ikaw ba talaga si Martin?" nasabi niya bago pa niya mapigilan ang sarili niya.

Sa pagkamangha niya ay tumawa ito at amused na pinagmasdan siya. "Who else might I be? Matagal man tayong hindi nagkita pero ako pa rin ito. Katulad ng ang nakikita ko ngayon ay ang makulit na babaeng nakilala ko almost ten years ago," amused pa ring sabi nito.

Naitakip niya ang kamay sa bibig niya. "And you laugh," hindi pa rin makapaniwalang sabi niya. Kasi naman ang tagal tagal na niya itong hindi nakikita at kahit anong tindi ng pagnanais niyang masilip man lang ito ay napigilan niya ang sarili niya. At ngayon nasa harap na niya ito ay parang ibang Martin naman ang nakikita niyang nakatingin sa kaniya. Hindi ito nakakunot noo. Hindi gloomy ang aura nito. Mas guwapo na ito, mas matured ang itsura. At ang nakikita niyang amusement at ngiti sa mukha nito ay hindi naman niya dati nakikita rito. Higit sa lahat ay ito ang unang lumapit sa kaniya. Bagay na hindi nangyari kahit kailan noon.

"Carrie," pukaw nito sa kaniya.

Napakurap siya. And he's calling me by my name for a number of times now. "S-sorry. Nagulat lang ako na makita ka rito. Anong ginagawa mo pala rito?" sa wakas ay naitanong niya.

Nagkibit balikat ito at namulsa. Pagkuwa'y tumingin ito sa lalaking kasama nito na ngayon ay binalingan na ng mga staff. Patunay na boss nga ng mga ito ang lalaki. "I came for business. Kliyente ng kumpanya ang t.v station na ito kaya nagpunta ako rito para sa meeting. I heard na dito kinukunan ang show mo kaya dumaan na rin ako."

"Why?" maang na tanong niya rito.

Bahagyang kumunot ang noo nito na para bang napaka walang sense naman ng tanong niya. "Why? Because after years of just following you on television I wanted to see you in person," deretsang sabi nito.

Tuluyan ng napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Tumalon na yata ang puso niya mula sa rib cage niya. Hindi siya makapaniwalang sinusubaybayan siya nito. Higit sa lahat ay hindi siya makapaniwalang nais siya nitong makita ng personal. Napalunok siya. "Bakit mo ako gustong makita?"

Ngumiti ito. "Gusto mo ba talagang pag-usapan natin iyan dito?" amused pa ring tanong nito. Sa sinabi nito ay awtomatiko niyang iginala ang paningin sa paligid. Nakatingin nga sa kanila ang mga staff at maging ang director at producer nila. Ang lalaking kasama naman ni Martin kanina ay nakangiti lamang habang nakatingin sa kanila.

Bigla siyang nahiya. Siguradong nagtatanong ang mga tao roon sa isip ng mga ito kung sino si Martin sa buhay niya. Bukod kasi kay Bien na ugaling sumilip sa taping kapag nasa station ito ay si Martin pa lang ang lalaking dumalaw sa kaniya. At alam niya na base sa reaksiyon niya at pagkakatitig kay Martin ay mahuhulaan na ng mga ito na hindi basta lalaki lang si Martin sa buhay niya. Worst, baka pati si Martin ay napansin na may damdamin pa rin siya rito. Kapag nagkataon ay masasayang lamang ang mga taong nagkukunwari siyang naka-move on na siya.

Tumingin ito sa wristwatch nito. "It's almost lunch time. Tapos naman na ang taping niyo hindi ba?"

"Yes," tanging naisagot niya.

TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon