DUMATING ang araw ng kasal ni George at Risha Abejar. Ginanap ang reception sa isang five star hotel at dinaluhan ng star studded na mga bisita. Dahil parehong celebrity sa kani-kanilang mundo ay namutakti sa mga kilalang personalidad sa mundo ng business at showbiz ang kasal. May ilang mga press people pa na nagcover ng pagtitipon. Kahit si Carrie na tinangkang hindi makakuha ng attention sa reception ay naharang ng kilalang showbiz reporter na si Coffee na isa rin pala sa mga bisita. Nalaman niya na ito pala at si Yuuji ang dahilan kung paano nagkabalikan ang mga bagong kasal. Tinatanong siya nito tungkol sa napabalitang relasyon niya sa isang lalaking nagmula sa isang kilalang pamilya.
Hindi na niya kinailangan pang sumagot nang mula sa kung saan ay lumapit sa kaniya si Martin, guwapong guwapo sa suot na itim na amerikana at walang pag-aalinlangang ginagap ang kaniyang kamay at hinalikan siya sa mga labi. Dahil sa dami kasi ng mga kamag-anak at kakilala nito na dumalo sa kasal ay noon lamang ito nagkaroon ng pagkakataong lumapit sa kaniya. Pagkatapos ay hinatak siya nito at hindi binibitawang ipinakilala sa mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito.
She was overwhelmed by his actions. Ni hindi niya naisip na ipapakilala siya nito ng ganoon. Lalo niya itong minahal ng dahil doon. Nang magsimula na itong kausapin ng mga matatanda tungkol sa negosyo ay binulungan siya nitong sumama muna kina Rhianna at sa mga finacee ng mga kaibigan nito dahil mabobore lang daw siya sa usapan ng mga ito.
Nang bumitaw siya rito ay agad niyang iginala ang paningin upang hanapin sila Rhianna. Agad naman niyang nakita ang mga ito sa isang panig. Mabilis na lumapit siya sa mga ito. "Daig mo pa si Risha kung ipangalandakan ka ni kuya sa mga kamag-anak namin ha?" pabirong sabi ni Rhianna nang makalapit siya.
Matamis na ngiti lang ang isinagot niya kasabay ng pag-upo sa silyang katabi ng kay Ria, anak ng kilalang socialite at politician at fiancée ni Greg. "Ito naman ngayon na nga lang kami naging ganito sosoplahin mo pa," pabiro ring sagot niya.
"Pero alam mo bagay kayo as in," humahagikhik namang komento ni Angelique na siyang kasintahan naman ni Aio.
Nginitian niya ito. "I know right? Teka asan na pala ang mga boyfriends ninyo?" tanong niya.
Magkapanabay pang itinuro ng mga ito ang hinahanap niya. Nakita naman niya ang magbabarkadang nasa isang panig at mukhang inuulan ng tukso si George. Nangingibabaw pa ang tawa ni Yuuji sa mga ito. Pagkuwa'y nakita niyang tinawag ng mga ito si Martin na sumulyap muna sa kaniya at sumenyas bago ito lumapit sa mga lalaki.
"How sweet," puna na naman ng mga ito.
"Kayo rin naman sweet din kayo," aniya sa mga ito.
Napalingon siya sa may isang panig na malayo sa mga tao. Napakunot noo siya nang makita niya si Jet na may kausap na babaeng sa pagkakaalam niya ay kasama nitong dumating sa kasal. "Sino ang kasamang babae ni Jet?" curious na tanong niya.
Umiling si Angelique at Ria patunay na hindi rin kilala ng mga ito ang babae. "I know her," biglang sabi ni Rhianna na ikinatingin nilang tatlo dito.
"Talaga? Sino siya at paano mo nakilala?" tanong niya.
Tumikhim ito. "Diyahe sabihin. Basta ang pagkakatanda ko Sissy ang pangalan niya," simpleng sabi nito.
Wala ng nakapagkomento sa kanila dahil biglang pumailanlang ang musika sa paligid. Oras na para sa ritual na pagsayaw ng bride at groom. Natuon na ang atensiyon nilang lahat sa mga bagong kasal. Matapos niyon ay nagpatuloy ang pagtugtog ng musika. Nagsisunuran na ang ibang bisita upang sumayaw.
Si Martin naman at ang mga barkada nito ay lumapit na sa lamesa nila at nagsi-upuan na. Mukhang walang balak makisali ang mga ito sa sayawan maliban kay Cedric na agad na inaya si Rhianna. Saglit pa ay nasa gitna na rin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLF
RomanceThe moment Carrie saw Martin, she knew she was in love. Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon...