Chapter 4

5.5K 322 22
                                    


SUMULYAP si Carrie sa bahagyang nakaawang na pinto nang silid ni Rhianna sa pagbabakasakaling makakita ng maaring dumaan doon. Pinaglilinaw din niya ang pandinig niya sa posibleng yabag ng paa o kung ano pa man.

"Hindi lalabas si kuya dahil may tinatapos siyang trabaho. Hindi iyon aalis sa tapat ng computer niya," pukaw sa kaniya ni Rhianna.

Inalis niya ang tingin sa pinto at bumaling dito. "Nagbabakasakali lang naman," nakangiting sabi niya rito.

Napailing ito at muling itinutok ang tingin sa notes nito. Exam na kasi nila next week kaya napagdesisyunan nilang mag overnight review sa bahay ng mga ito. Siyempre siya ang nagsuggest niyon upang makita niya ang itsura ni Martin kapag nasa bahay. Ang kaso nakapaghapunan na sila't lahat ay hindi pa niya nakikita ni anino nito. "Bahala ka na nga," kulang sa emosyong sabi nito.

Napatitig siya sa mukha nito. Bigla siyang nakaramdam ng guilt na iniisip niyang sumilay kahit alam niyang broken hearted ito. Kailan lang ay nasaksihan niya kung paano na-inlove at nagkaboyfriend si Rhianna. Ang kaso ay naging mala-isang linggong pag-ibig ang love life nito dahil wala pang isang linggo ay nalaman na nilang niloloko lang ito ng boyfriend nito na naturingan pa namang kaibigan ng kuya nito. Kaya ngayon ay walang bumabanggit ng pangalan ng lalaking iyon o kahit pag-usapan iyon. "Sorry," hinging paumanhin niya rito.

Nag-angat ito ng tingin. Saglit na nagsalubong ang mga mata nila bago ito ngumiti. "Sorry ka diyan. Mag review na nga lang tayo. Hindi ka makakapag-aral kung hintay ka ng hintay kay kuya. Hindi nga lalabas iyon."

Alam niya na pilit lamang ang ngiti nito pero ayaw na niyang kuwestuyin ang kagustuhan nitong umakto na parang walang nangyari. Tumawa rin siya at nangalumbaba. "Makita ko lang siya ng isang beses ngayong gabi masaya na ko. Magre-review na ko talaga."

Napailing ito pero nakangiti naman. Pagkuwa'y natigilan ito at napatingin sa wristwatch nito. "Ah, pwede mo siyang makita. Dalhan mo ng kape. Ganitong oras pinapadalhan ni mama ng kape si kuya kay manang Adora eh. Kung lalabas ka makakasalubong mo pa si manang na paakyat ng hagdan."

Awtomatikong napatayo siya. "I like that! Teka nga," excited na sabi niya. Nasa bukana na siya ng pinto nang may maalala siya. Nanlalaki ang mga matang nilingon niya si Rhianna. "Teka, tama ba ang pagkakaintindi ko? Sinosoportahan mo na ang pagpapacute ko sa kuya mo?" manghang tanong niya.

Natawa ito. "Nakakaawa ka naman kasi kung hindi kita susuportahan. Isa pa napansin ko na mula ng sabihin mo kay kuya na gusto mo siya ay naging maayos na kahit papaano ang pakikitungo niya sa iyo. So baka may small chance ka pa rin sa kaniya."

Napangiti siya. Napansin din niya iyon. Mula ng araw na iyon ay hindi na siya kinukunutan ng noo at inaasikan ni Martin tuwing nagkikita sila. Oo nga at hindi pa rin ito ngumingiti pero masaya na siya kapag tipid itong sumasagot sa mga tanong niya.

"Besides you might be the one," sabi pa nito.

Humagikhik siya. "The one for him. I know right."

Ngumiti ito. "Oo nga. You might be the one who could make him fall in love again and be happy."

"Again?"

Tumikhim ito. "Huy bilisan mo na at baka paakyat na si manang," sa halip ay sabi nito. Ngumisi siya at tuluyan ng lumabas ng kuwarto nito. Nakasalubong nga niya ang may edad na babae na may bitbit na tray ng tasa ng kape. Napa-yes! siya nang mapilit niya itong siya na ang magdadala ng kape ni Martin sa kuwarto nito.

Excited ngunit maingat na lumakad siya patungo sa silid ni Martin. Kaninang dumating sila ay iyon ang una niyang itinanong kay Rhianna. Nang makarating siya sa tapat niyon ay huminga muna siya ng malalim upang kalmahin ang puso niyang mabilis na tumitibok bago kumatok.

TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon