Chapter 9

6.3K 306 12
                                    


"LOOKS like I'm no longer needed huh?" pabulong na komento ni Bien kay Carrie habang nasa taping silang pareho para sa variety show kung saan isa siya sa mga host. Isa si Bien sa mga guest nila para sa araw na iyon. Break time kaya nasa gilid sila ng stage. Matagal-tagal na rin ng huli silang magkita nito.

Nilingon niya ito at ngumisi. "At kailan kita kinailangan ha?" pabirong tanong niya rito.

Gumanti ito ng ngisi. "Aba, nagtiyaga akong malink sa iyo ng mahabang panahon para lang hindi ka lapitan ng mga lalaking malalagkit ang tingin sa iyo dahil all along pala ay inilalaan mo pa rin ang puso mo sa first love mo pagkatapos ay sasabihin mo sa akin iyan ha? Nag ala knight in shining armor na nga ako sa iyo. Matuto ka namang magpasalamat Carmela," sabi pa nito.

Itinirik niya ang mga mata. "At sa tingin mo ba masaya akong ma-link sa lalaking naeskandalo na for trying to pick up a socialite at nalilink din sa kung sino-sino pero hindi naman makaporma sa babaeng gusto niya talaga?" buska niya rito.

Nawala ang ngiti nito. Bull's eye. "Ayan ka na naman Carmela ha?" nagbabantang sabi pa nito. Mukhang kaunting salita pa ay mapipikon na ito. Lately ay nagiging sensitive na ito sa bagay na iyon.

Bago pa siya nakasagot ay may tumikhim na mula sa likuran nila. Sabay pa silang napalingon. Tumalon ang puso niya nang makitang nakalapit na pala sa kanila si Martin. Kanina noong nagsisimula pa lang ang show nila ay bigla na naman itong sumulpot kasama ang big boss na kasama rin nito noong una itong pumasyal sa taping niya para sa isang show niya. Nalaman niya na magkaibigan ang mga ito at sinosoportahan ang ginagawa nitong pagdalaw sa kaniya. Kinilig naman siya lalo pa't pinagkaguluhan ng co-hosts niya si Martin kanina. Palibhasa noon lamang nakita ng mga ito na kinilig at nagblush siya dahil lang dinalaw siya ng isang lalaki sa set. Hindi naman siya nahiya. Katunayan ay proud na proud siya. Malawak niya itong nginitian.

"Masyado kayong malapit sa isa't isa kanina pa," malamig pang sabi nito na kay Bien nakatingin.

Itinaas ni Bien ang dalawang kamay. "Sorry naman. Nakasanayan ko lang. O pasalamat ka sa boyfriend mo kung hindi gagantihan kita," sabi pa nito na umalis na. Natawa na lang siya.

"Masyado kayong close ng lalaking iyon," may bahid ng disgustong komento pa nito.

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Magkaibigan lang kami ano ka ba? Siya ang male version ni Rhianna sa buhay ko. Besides, he's in love with someone else hindi pa nga lang niya matanggap," nakangiting saway niya rito. Hindi nawala ang kunot ng noo nito. Napahagikhik siya. Tumingkayad siya at ninakawan ito ng halik sa gilid ng mga labi. Natigilan ito. Matamis niya itong nginitian. "You don't have to feel agitated about him. Hindi ko siya gusto sa mas malalim na paraan."

Napatitig ito sa kaniya at ngumiti na. "That's a relief then. Mauna na pala ako. May meeting ako with the board in thirty minutes. Tawagan mo ako kapag tapos na ang mga trabaho mo para makapag dinner tayo. Hindi mo dala ang kotse mo right?"

Tumango siya. "Okay."

Ngumiti ito at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. "Then see you." Pinagmasdan niya itong makaalis. Nangingiti pa rin siya kahit wala na ito sa paningin niya. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula ng una silang magkita matapos ang mahabang panahon. At bawat araw niya ay para siyang malulunod sa saya. Martin has been very attentive and caring towards her. Kahit na alam niyang sobrang busy rin ito sa trabaho ay palagi siyang ginugulat nito sa mga pagsulpot-sulpot nito sa mga shooting niya. Palagi rin silang kumakain sa labas ng magkasama. Lahat ng mga bagay na akala niya ay hindi na niya magagawa na kasama ito ay ginagawa nila. She never felt that happy before.

TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon