Chapter 6

6.1K 366 27
                                    


LALO lang sumakit ang ulo ni Martin sa pinapanood ng mga empleyado nila. Sa mga lumipas na taon ay sa telebisyon na lang niya nakikita si Carrie. At fifty percent yata ng beses na nakita niya ito sa telebisyon ay kasama nito ang actor na si Bien Cruz. Kahit ayaw tanggapin ng sistema niya ay madalas niyang naiisip na baka may relasyon na nga ang mga ito. Hindi naman din malabo iyon.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagbibigat ng dibdib tuwing naiisip niya iyon. Bigla ay gusto na naman niyang murahin ang sarili niya sa nangyari nang gabing iyon sa kuwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi niya mapatawad ang sarili niya na hindi niya nalinaw rito ang lahat. Nagalit siya sa sarili niya na hindi siya agad nakapagpaliwanag dito dahilan kaya ito na ang nag-assume ng sagot sa mga tanong nitong hindi niya agad nasagot.

Alam din niya na mali ang naging reaksiyon niya nang hawakan nito ang picture frame ng larawan ni Camille. Base sa mga sinabi nito at naging reaksiyon nito ay inakala nito na nagalit siya rito dahil mahalaga pa rin sa kaniya ang larawang iyon. And honestly, he thought so too.

Pero nang makita niya ang pagkabigla at sakit sa mukha ni Carrie at marinig ang mga sinabi nito pagkatapos ay mabilis na lumabas ng kuwarto niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Para ring may sumipa sa sikmura niya. Bigla ay tumimo sa utak niya ang mga dapat sinabi niya rito. Kung kailan naisara na nito ang pinto at mawala na ito sa paningin niya ay saka naging malinaw ang lahat sa kaniya.

Ayaw niyang makita nito ang larawan ni Camille hindi dahil ganoon pa rin iyon kaimportante sa kaniya kung hindi dahil ayaw niyang malaman nito ang tungkol kay Camille sa ganoong paraan. Gusto niyang maipaliwanag niya ng maayos rito ang lahat, na masabi niya rito ang lahat ng tungkol sa kaniya ng seryoso. Na ang totoo ay hindi na siya nasasaktan tuwing napapatingin siya sa larawan nila ni Camille. That unconsciously his mind was already filled with thoughts of Carrie. Because it was then that he had confirmed, he was already in love with her.

"No we're just friends! I mean who would want to date this guy?" natatawang sabi ni Carrie habang nakafocus sa mukha nito ang camera. Pero kung makaakbay naman ang lalaking katabi nito ay parang hindi naman ganoon ang kaso.

Muli ay nakaramdam ng pait si Martin habang nakatitig pa rin sa screen. Ni hindi na nga niya pinansin ang ilang empleyadong napapatingin sa kaniya. Sanay naman na ang mga ito na nakikinood siya. Wala na siyang pakielam kung ano ang isipin ng mga ito.

Napatitig siya kay Carrie. Nang maging malinaw sa kaniya ang lahat ng gabing iyon ay pinuntahan niya ito sa kuwarto ng kapatid niya. Pero nang makarating siya roon ay tulog na ito.

Nang pumasok siya sa kuwarto ni Rhianna ay bukas pa rin ang ilaw doon. Nakahiga na sa kama ang kapatid niya at mukhang himbing na sa pagtulog. Natuon ang pansin niya kay Carrie na nakaupo pa rin sa harap ng study table sa gitna ng silid. Nakayukyok ito sa lamesa at mukhang doon na nakatulog. Marahil ay pinauna na nito ang kapatid niya at mag-isa pang nag-aral bago dinalaw ng antok.

Lumapit siya rito at tinitigan ang mukha nito. His chest tightened when he saw something moist on her cheeks, he was sure it was tears. Mukhang tama ang hinala niya na sa kabila ng ngiti nito sa harap niya kanina ay nasaktan niya ito. Namura niya ang sarili sa hindi na niya mabilang na beses. Umangat ang kamay niya at magaang na pinaraan iyon sa pisngi nito. Gusto niyang humingi ng tawad sa mga nasabi niya rito kanina. Gusto niyang magpaliwanag. Pero ayaw naman niya itong gisingin basta at gulatin ito sa mga nais niyang sabihin dito.

Bumuntong hininga siya at inalis ang kamay sa pisngi nito. Nagtungo siya sa cabinet at kumuha ng extra blanket at ipinatong dito upang hindi ito masyadong lamigin. Bahagya itong gumalaw ngunit hindi naman nagising. Tumitig siya sa nahihimbing na mukha nito hanggang sa matuon iyon sa kumikibot pang mga labi nito na palagi siyang ginagawaran ng ngiti. Nakaramdam siya ng mainit na haplos sa dibdib niya habang nakatitig doon. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay yumukod siya at ginawaran ito ng magaang na halik sa mga labi.

TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon