Chapter 5 - Love Quotes

337 7 8
                                    

Ethan's POV

Argh! Ano ba nangyayari sakin? Diba crush ko lang naman si Isabel? Diba? Crush lang? Bakit kaya ako nagkaganito? Wala naman ah? Naglunch lang naman ako with the barkada kasama sina Isabel at Tricia. Nag-usap lang naman kaming lahat tungkol sa pagdagdag ng tatlong miyembro sa barkada like Clarence, Tricia at. . . . . at Isabel. Ah! Alam ko na! Mugs! Ba't ngayon ko lang napansin?

*FLASHBACK*

"Hoy kulangot! Bakit ka nakikisiksik sa linya?!" Ayan na naman sina P at Seth. Lagi nalang nag-aaway. First day of class pa naman kaya ngayon. "Alis diyan! Alis sabi eh!"

"At bakit naman ako aalis ah? Di mo ba ko kilala? Ako yata ang campus crush!" Sabat ni Seth.

"Wala akong pakialam! At FYI! Mas cute sayo si Ethan! Mas cool si Clarence! Mas hot si Lloyd! Mas gwapo si Red! At may boyfriend material si Oliver! Ikaw? Eh ano kung campus crush ka? Sa ugali mo,walang babae ang maiinlove sayo! Infatuation siguro pwede kasi sikat ka! Yun lang kaya ang maipagmamalaki mo! Uuuucchhh! Malas nalang ng mga magiging girlfriend mo at mga naging girlfriend mo! Alam mo bang nakakinis ka na?" Ouch. Ang sakit naman ng mga sinabi ni P. Si Seth naman kasi eh laging inaaway si P simula nung nawalan siya ng gf.

Mukhang nasaktan ng todo si Seth dun ah. "Ganun ba P? Inis ka na sakin? Sorry ha. Aalis nalang ako para di ka mairita. At sana naman P, wag mo ko ikumpara sa ibang tao. Alam niyo namang yun yung pinaka-ayaw ko diba? At P, siguro oo. Tama ka. Na ang malas ng mga naging girlfriends ko at naging boyfriend nila ako. Isang lalakeng laging nakikipag-away. Gusto mong layuan kita? Sige. Gusto mo walang pansinan? Sige ibibigay ko. Ano pa? Wag kang mag-alala kasi di na kita aawayin. Masaya ka na ha?" Tiningnan niya ng masakit si P. "Enjoy your lunch, Princess."

Hay. First day of school away agad. Pero kasi nakakagulat. Since last year pa sila nag-aaway. As in every minute of every day of every week lagi silang nag-aaway. Umalis agad si Seth sa pila. "Alis na ko." Sabi niya. Nakatingin lang si P habang paalis si Seth.

"Ethan," Sabi ni P sakin. "Ganun ba ko kasama? Ganun ba kasakit yung mga nasabi k-ko?"

"Seriously, P." Tiningnan ko siya. "Masakit yun. Ang mga sinabi mo, yung pagkukumpara mo, nakakagasgas yun ng ego."

"B-bakit ganun, E-ethan? Ano b-bang mali sa a-akin?" Grabe rin tong si P eh. Minsan lang kasi magcrack yung boses nitong si P kasi actress ng grupo kaya minsan lang magstammer at mostly kapag very bothered siya.

"P, dapat magsorry ka." Napatingin nalang ako sa pila. "Mamaya na yan. Kain muna. Haha." I tried to change topic. Argh. First day of school pa naman. Bumili na kami ni P ng pagkain. Nandun lahat except Seth. Si P troubled parin sa nangyari. Magsisimula na sana akong kumain nung may nagsalitang babae mula sa likod ko.

"Hi guys. Late na ba kami?" Sabi ni Tricia. WTH? Andito rin si Isabel? Naku! Makakakain pa kaya ako nito?

"Ano ka ba sis. Di no." Sagot ni Lav. Tumayo na rin si Oliver at nagkatinginan sila ni Tricia at nagngitian. Seriously? What's going on? "Um bregs. Si Tricia at Isabel new kabarkada na natin ha."

"Talaga? Wow. Minsan lang to. Sa sinabi ni Tricia minsan lang umaccept ng new members ang pinakasikat na barkada." Sabat ni Isabel.

"Like ko na tong new sis natin. Ang ganda na, mabait pa." Oo Nat. Maganda at mabait. Kaya nga crush ko eh. "Diba Ethan?" Oh? Bakit nakatingin tong si Nat sakin. Lloyd friends tayo ha!

"Aah. Ha? Ah. Oo." Napako naman ako sa kinauupuan ko nung nakita ko so Isabel. Lahat kasi sila nagsitayuan at nakipagshake hands eh. Nung nagsipagupuan sila, pinaupo nila si Isabwl sakin Alam niyo ba yung reason nila? Mas close daw kami ni Isabel. Wow! Parang di naman ah. "Hello Isabel." Bati ko nung umupo siya. Ngumiti lang naman siya. Kumain na kami at siyempre maingay lahat except me. Good boy ako no. Si Isabel nandiyan eh. Hahaha.

The Blue Academy: His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon