Chapter 25 - Friends

166 4 0
                                    

Isabel's POV

Day 3 

Sunday 

8: 30 am

Nasa bahay na kami. May game kami mamaya kasi last day na namin.

Kung itatanong niyo kung kamusta ako pagkatapos ng nangyari kahapon?

Okay lang ako.

Siguro itatanong niyo, paanong okay? Eh umalis ang boyfriend ko?

Ang ibig kong sabihin sa okay,

Masaya ako. Di ko kailangan maging katulad ng iba na nagmumukmok sa tabi. Alam kong ayaw ni Charles na malungkot ako kaya ineenjoy ko ang buhay ko ngayon.

Tutal magkaibigan naman kami eh.

"Isabel," Napalingon ako sa likod ko.

"Oh Ethan ikaw pala."

Umupo naman si Ethan sa tabi ko. Walang nagsalita samin. Siguro dahil matagal na ding di kami nag-uusap at kung mag-usap naman kami, nagsisigawan kami.

"Sorry." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sakin.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko.

"Ewan. Di ko alam. Kasi, parang nagiguilty ako na parang, ewan. Siguro dahil inaway kita. O kaya kasi di tayo bati. Siguro-"

"Ano ba Ethan. Oo. Gets ko na. Wala ka namang kasalanan eh. Ako nga yung may kasalanan eh." Sabi ko.

"Ha? Anong kasalanan?"

"Kasi napaka manhid ko para di maramdaman na mahal mo ko."

Namilog naman ang mga mata niya.

"Ah. I-Isabel, tungkol d-dun. Ah. Hehehehe."

Walang nagsalita samin. Di naman awkward.

"Aray!"

Sakit nun ah! Bakit ba kasi pinitik ni Ethan yung tenga ko!

"Masakit yun Ethan ah!"

"Ikaw kasi! Ang awkward! Di ka sumagot sa sinagot ko!"

"Eh wag kang manakit!"

Nagkatinginan kami. Tapos tumawa nalang kami.

Nung tapos na kami tumawa, nagsalita din ako.

"Uy, namiss kita Ethan ah. Bestfriend. Haha."

"Namiss din naman kita eh. Pero di na tayo katulad noon."

"Oo nga. Pero pwede naman tayong maging friends ulit diba?"

"Friends? Akala ko bestfriends na tayo?" Ethan

"Eh may malisya na sayo eh!"

"Oo na! Friends!" Tapos tumawa kami ulit.

"Masaya kayo ah."

Napalingon kami tapos nakita namin sina Ella, Eunice, Kobe, Tryde at Walter.

Inakbayan naman ako ni Ethan. "Bati na kami!"

"Yun oh!" Tryde

"Good!" Walter

"Buti naman!" Kobe

"That's good news!" Ella

"Party tayo! Haha!" Eunice

"Halina kayo! May games pa!" Sabi ko sabay tayo at lakad papasok.

* * * * * * *

4:00 pm

Patapos na ang mga games namin. Nasa last game na sana nung ipinatawag yung buong blue circle.

The Blue Academy: His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon