Chapter 18 - Savior

144 3 0
                                    

Isabel's POV

When I woke up, I saw my friends staring at me.

"Isabel! Ano ba kasing ginagawa mo kanina? Bakit ka nalunod?!" Sigaw sakin ni Lav.

Nalunod? Ah! Hala! "Ah. Kase." Patay. Sasabihin ko bang napatulala ako sa katawan bg boyfriend ko?

"Di na bale. Ok ka na ba?" Tanong ni Red.

"Oo naman." Sabi ko kahit medyo masakit pa yung ulo ko.

"Buti naman." Sabi ni Oliver.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Sa clinic malapit sa hotel." Sagot ni Lloyd.

"Sino pala sumagip sakin?" Tanong ko bigla. Gusto ko naman magpasalamat no.

Natahimik sila. Sino ba kasi? Hay.

BOOGSH.

Napatingin kami sa pinto kung saan hingal na hingal si Charles.

"Isabel!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa kama. "Thank God you're awake. How do you feel?" Tanong niya na nag-aalala.

"Okay lang-"

"Are you fine? Do you feel dizzy? Are you hungry? I bought some food." Hay grabe naman to mag-alala.

Hinawakan ko nalang ang kamay niya at ngumiti. "Okay lang ako."

"Charles, magpahinga ka muna." Narinig naming sabi ni Maam Chely na kakapasok lang.

Tiningnan ako ni Charles at nagnod lang ako. Ngumiti lang siya at nilingon ako bago lumabas.

"Ang swerte mo kay Charles, bes." Sabi ni Trish. "Di pa yan nagpapahinga simula kanina. Siya nagbantay sayo."

Ha?! Kanina pa siya nagbabantay?! Tiningnan ko yung wall clock na malapit sa pinto at tiningnan ang oras.

O.O

Seven PM na pala?!

"Oo. Seven na." Sabi ni Seth. Mind reader ang peg? "Kaya nga bumili si Charles ng pagkain oh."

Binuksan naman ni Clar ang plastic na dala ni Charles. Tapos binigay sakin ang McDo chicken.

"Isabel oh. Kain na."

Ngumiti ako. "Mamaya nalang Clar. Wala ako sa mood."

"Isabel," Sabi ni Maam Chely. "Okay lang ba sayo na dito na matulog? Para may magbantay sayo."

"Nako maam. Wag na. Sa house 9 nalang. Ok lang naman dun eh."

"Sure?"

"Yes maam."

"Hay. Okay. Papupuntahin ko nalang si Ethan at Walter para sunduin ka."

"Okay po." Sagot ko.

Ilang minuto lang, dumating na ang housemates ko na sina Ethan, Tryde, Walter, Kobe, Ella at Eunice. Akala ko ba si Ethan at Walter lang?

"Sis! Okay ka na?!" Tanong ni Ella.

"Oo naman. Hahaha." Sabi ko at tumawa.

"Nako Isabel, tatabihan ka nalang namin mamaya!" Sabi ni Eunice.

"Oo nga! Nice idea!" Sabi ni Ella.

"Teka!" Sabi ni Clar. "Si Ethan nalang ang magbabantay sa kay Isabel! Close kaya sila!"

"Hello?!" Sabi ni Eunice na naghand gesture pa. "Boy and girl po?"

"Gosh! Wag kang magtataksil kay Prince Charles, Isabel ha!" Sabi ni Mav. Tumawa naman kami. Pero si Ethan iniikot ikot lang ang ballpen niya. Kinakabahan to. Kilala ko to si Ethan eh. Ano naman ang nagpapakaba sa kanya?

The Blue Academy: His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon