Chapter 12 - Allies

180 6 1
                                    

Princess's POV

From: Tricia

                                                 P, kita tayo. Back ng High School Building. Bilis!

Ha?! Ano ba tong si Tricia? May nangyari bang masama? Pauwi na kaya dapat ako.

Pumunta nalang ako sa sinabing lugar ni Tricia. Nang nakita ko siya, lumapit agad ako. "O Trish, bakit? May nangyari ba? Naaksidente?" Mukha kasi siyang malungkot na para bang may problema.

Yumuko siya. "Si ano kasi eh.....ano."

Kinabahan ako. "A-ano?"

"Sina Ethan at Isabel kasi eh."

"BAKIT? ANONG NANGYARI?!" Sigaw ko.

"Aah. P teka lang. Okay-"

"BAKIT? NABUNTIS NI ETHAN SI ISABEL?! NAKULONG SILA SA WASHING MACHINE?! NAWAWALA?! LUMUWAG ANG TURNILYO?!"

"GAGA!" Sigaw ni Tricia. "Anong nabuntis pinagsasabi mo? At nakulong? Sa washing machine pa ah! Di sila nawawala! At mas lalong di sila nabaliw!"

Nahiya naman ako dun. "E-eh bakit ba? Anong nangyari sa kanila?"

May itinuro siya sa di kalayuan. Nandun si Ethan at kasama si....MAVIE?! Kailan pa bumalik si Mav?! Tapos si ISABEL AT CHARLES?!

"Kilala mo ba yung kasama ni Ethan?" Tanong ni Tricia.

"Uh yeah. Siya si Mavie. Royalty rin siya noon. Pero nagtransfer. Nakabalik na pala siya dito?"

"Ah."

"Eh, ano ba yung problema? Eh magkasama lang naman sina Isabel at Charles, at sina Ethan at Mavie?"

"Eh yun nga eh. Separated sila!"

"Oh? Eh ano? Maka-ISATHAN naman tayo ah. Tapos diba friends lang naman sila diba?"

"Hindi naman ganyan eh. Sa tingin ko may gusto yang Mavie na yan kay Ethan." Parang nagpapanic na tong babaeng to oh.

"Trish, kilala ko si Mav. Kung may gusto yan kay Ethan, sasabihin niya no. O sige, sabihin na nating may gusto si Mav kay Ethan, e si Isabel naman ang gusto ni Ethan diba?"

"Yun na nga eh. Gusto ni Ethan si Isabel."

"Alam mo, confused na ko. So ano problema?"

"Eh si Charles may gusto rin kay Isabel eh."

"What? Hala! WE MUST MAKE A MOVE! AS IN NOW!" Sigaw ko.

"EH YUN NGA YUNG PROBLEMA EH!"

"Yung may gusto si Charles kay Isabel?"

"OO. Tapos magkagalit pa sina Ethan at Isabel. Kilala ko yang si Isabel eh. Di siya makikipagbati kung di naman niya kasalanan."

"Eh pagbatiin natin. See? Tapos We have all the time in the world para paglapitin sila."

"Pero kasi laging diyan si Charles na nagbabantay kay Isabel. Edi mag-aaway sila ni Ethan."

"Teka, eh bakit naman laging nakabantay si Charles?"

"Eh kasi.....Kasi"

"Ano?"

"NILILIGAWAN NA NI CHARLES SI ISABEL!"

O.O

"WHAT?! Kailan pa?"

"Before nung pag-announce ng Royalties."

"You mean, since last week pa?!"

"Um, yeah."

"Ba't di mo sinabi?"

"Eh nagpromise kasi ako kay Isabel eh. So P, ating dalawa lang to ah?"

"Sige sige. Pero paano natin iiimprove ang ISATHAN LOVE TEAM kung umeepal si Charles?"

"Nagpatulong ako."

"So yun ang sinabi mong ikaw ang bahala?!"

"Yeah. Gusto nga niyang hingin ang tulong mo kung papayag ka."

"Sige tutulong ako. Eh sino bang hiningan mo ng tulong?"

"Si JD Cuartes."

"Ano? Kay Cuartes ka nagpatulong?!" Sigaw nang isang lalake na nagtatago sa likod ng puno. Si Seth.

* * * * * * *

Seth's POV

"Seth?! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw sakin ni P.

"Malamang nagtatago habang nakikinig sa usapan niyo."

Ngumiti si Tricia ng nakakaloko. -__- "Paano ka naman nakapunta dito?"

Ha?! Anong sasabihin ko? Na sinundan ko si P kasi nag-aalala ako sa kanya? No way. Um. Siguro, nagtatago ako sa fans! Oo ganun!

"O Seth? Paano ka nga ba nakapunta dito?" Tanong ni P.

"Nagtatago ako sa fans ko eh!"

"Aba kulangot ka talaga! Bastos! Bakla! Sumisigaw sa babae!"

"FYI di ako sumisigaw damsel! Inemphasize ko lang!"

"At ani naman ang iiemphasize mo? Fans?"

"Oo. Gwapo ko kasi." Yan nakalimutan na nila na sinundan ko si P.

"Narinig ko yun." Sabay wink ni Tricia. Hala! Nasabi ko ba yun? Akala ko iniisip ko lang!

"Narinig what Trish?" Tanong ni P. Hay salamat at bingi tong bababeng to.

"Ah. Wala. Wala." Hay. Wait! "Eh kayo? Ba't kayo nagpatulong kay Cuartes?!"

"Kilala mo siya Seth?" -Tricia.

"Oo. Nakilala ko lang siya sa contest na sinalihan ko last year."

"Ganun? OA makareact di naman pala sobrang close."

"Eh pasensya na. Bakit ba kayo nagpatulong?"

Tinuro nila sina Ethan sa malayo. Magkasama sina Isabel at Charles. Masaya sila ah. Sa malayo naman sina Ethan at......MAVIE?!

" Ang sweet nina Ethan no? Selos ang iba diyan eh." Sabi ni P.

Oo. Nakakaselos lang eh. Si Mav kasi ex ko. Minahal ko yun eh. Yung tanging babae na sineryoso ko. Pero umalis siya eh. Haay.

"Hello JD?......Oo.......Dito si Seth eh. Nalaman niya.......Sige. Bye." Sabi ni Trish. "O maya na ang drama may gustong makita kayo."

* * * * * * *

"Hello Princess, hello Tricia. Kasama ka rin pala Fernandez?" Sabi ni JD pagdating namin sa McDo na sa tapat lang ng school.

"Hello cutie. Ikaw ba yung JD na sinasabi nilang dalawa?" Sabi ni P.

"Yep. Ako nga yun."

"Ano bang kailangan mo Cuartes?" Tanong ko.

"Tulong niyo. As you can see, may laro naman tong si Tricia-"

"Laro MO JD. Di akin. Nagpatulong lang ako no." Sabi ni Tricia.

"Okay. Okay. Well, I hate to admit pero kailangan ko kayo para sa ISATHAN whatever niyo na yan. Tsk. Ang hirap ng dalawang yun."

"Wow. First time." Sarcastic na sabi ni Tricia.

"So ang tanong, tutulong ba kayo?"

Yeah. Oo naman no. "Count me in."Sabi ko.

"Me too." -P

"So ready na ba kayo sa first mission natin?" Parang bata naman tong si Cuartes oh.

"Yes." sabi naming tatlo.

"Teka lang ha. Ano bang una nating gagawin?" Tanong ko.

Ngumiti si Cuartes.

"Kailangan malaman ng lahat na nanliligaw si Charles kay Isabel."

- - - - - - -

Heave-Ho! Hello! Musta guys? 

Comment 

Vote 

Fan pls.

:)

The Blue Academy: His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon