Ethan's POV
Ilang buwan na din ang nakalipas. Mas naging malapit pa kaming magkakaibigan.
Pero busy din kami.
Kami nga ang blue circle diba?
Si Nat at Lloyd, bati na. Pero di na katulad ng dati, wala siyang girlfriend. Desidido kasi siyang makuha si Nat. Si Nat naman, ayun manhid padin. Walang kaaalam alam na mahal siya ng bestfriend niya.
Si Seth at P, well sila parin. Sinong mag-aakalang ang dating aso't pusa ang magkakatuluyan diba?
Si Clarence at Lav naman, close na. Kahit lagi silang nag-aaway kasi laging pinipilit ni Lav si Clar na mag-ayos.
Si Tricia naman, kasama na sa trio kasama ang magbestfriends na si Oli at Red.
At kami ni Isabel? Well-
"Mr. Ethan Sy."
"Yes maam Chely?"
"Wag ka nga mag daydream Ethan. Nilipat ko lang si Ms. Antonio sa seat sa harap mo, nagkaganyan ka na."
Nagsimula na naman ang tuksuhan. Lumingon lang si Isabel at ngumiti sa amin.
"Maam! Sila nalang kaya ang gawin nating muse at escort?" Tanong ni Tryde.
Um-oo naman ang lahat. Tapos tuksuhan ulet.
"Ano ba kayo, magkaibigan lang kami ni Ethan." Sabi ni Isabel.
Tama.
Magkaibigan lang kami ni Isabel.
Matagal ko din siyang niligawan pero in the end, nabasted din ako. Nung una, parang natakot na ako magmahal. Pero nalaman ko, first love ko pa lang naman si Isabel.
Di lang naman siya ang babae sa mundo.
Alam kong makakahanap din ako ng magmamahal sakin.
Sa ngayon, bestfriends kami. Patapos na ang first semester at masaya ako sa mga nangyari.
"Ethan, you're not listening."
"Sorry maam."
O sige.
Makikinig muna ako sa teacher kong to.
- - - - - - -
Yan! Tapos na to! Di ko alam kung nagandahan ba kayo sa story na to. Magulo eh.
Anyways, suportahan niyo naman ang iba ko pang stories! Haha.
goodguyinblue,
signing off.......
BINABASA MO ANG
The Blue Academy: His First Love
Ficção AdolescenteWelcome sa Blue Academy. Ang lugar ng mayayaman. Pero sa paaralang to, maraming nagaganap. Sa bawat sulok, may kanya kanyang kwento. Ang bawat kwento, may nadadamay na estudyante. Ang bawat estudyante, may tinatagong lihim. Sa bawat lihim, may aral...