Chapter 1 - New friend

894 16 6
                                    

Ethan's POV

"Hoy, Ethan! Long time no see men! Musta summer? May nadate ka bang chicks?" Ang aga aga ito naririnig ko kay Lloyd. Puro kasi babae pinagsasabi nito simula nung second year. Laging may girlfriend. Paano ba kasi, gusto niyang paselosin si bespren Nat niya pero itong si Nathalie naman, manhid. Bestfriend nya lang raw si Lloyd. Tapos, etong si Lloyd di makaamin kasi baka masira daw yung friendship nila lalo na at magkababata pa naman daw sila.

"Loko ka Lloyd!" Sabi ko. "Ikaw ba? Nakailan ka ngayong summer? Apat? Lima?" Loko kong tanong sa kanya.

Natawa siya pero alam kong fake yun. bestfriends kaya kami since first year. Isang barkada kami eh. "Di ka maniniwala tol! Naka pito ako!!! Pero wa epek parin eh! Tsk."

"Ganun kadami? Langya ka Lloyd! Babaero ka talaga!"

"Bagal niyo kasi eh! Ikaw Ethan? Ba't wala ka pang girlfriend?"

Napasimangot ako dun. Eto na. Lalabas na naman ang pagiging makata ko. Basta sa pag-ibig, good adviser ako eh. Di pa naman ako na inlove. "Alam mo Lloyd, ang pag-ibig, di minamadali. Oo masarap na may girlfriend diba? Pero isipin mo ang mararamdaman nila kung liligawan mo tapos di mo naman talaga totoong mahal. Masakit yun. Parang darts rin yang pag-ibig na yan eh. Limitado lang ang tira mo. Paano kung dumating ang pagkakataon na madali lang maka bullseye pero ubos na pala yung tira mo? Edi sayang. Ganun din sa pag-ibig na yan. Paano kung dumating na si right girl pero taken ka na pala? Edi wala na."

May narinig akong palakpakan. "Bravo! Bravo! Ang galing mo Ethan! Haha." Sarkastikong sabi ni Seth. "Ay. Oo nga pala. andun ang barkada sa tambayan ha. May bago tayong bregs! Type ata ni Nat eh." Biro niya kay Lloyd ma pokerface pero kitang kita na galit na galit. "Haha. Joke lang Lloyd parekoy! Clarence pangalan niya. pakilala na kayo!"

Nagbuntong hininga si Lloyd. "So di pa siya kilala ng lahat?"

"Huh? No way men! Kakilala siya ni Oliver. Papunta na nga lahat dun eh para makilala yun."

"Haay. Akala ko.. I mean. Ahh." Sabi ni Lloyd.

"Yeah. Akala ko rin." Sagot ko. "Pero baka malay mo diba? Sabi ko sabay ngiti ng nakakaasar.

"SHATTAP!" Sigaw ni Lloyd. "Halika na kayo! Baka maunahan ako eh!" Natawa na lang kami ni Seth dun.

* * * * * * *

"HALLEEEERRRRR GUYS! I MISS YA ALL" Sigaw ni Princess. Bigla namang nairita si Seth.

"Princess." Di narinig ni Princess si Seth. "Ahem... PRINCESS MARASIGAN GANDA MO!!!" Sigaw ni Seth.

"Wow! Thanks Seth ha! Anong nakain mo this summer at bumait ka sakin dear??????"

"Bait mo mukha mong nakakasuka"

"Hoy Seth Joseph Fernandez! Atleast maganda ako! Kahit kailan, MAGANDA AKO! Kahit anong sabihin mo, MAGANDA AKO! At wag mo kong awayin kasi MAGANDA AKO! EH IKAW? GWAPO KA BA?"

"OO naman! Campus Crush ng Campus kaya kausap mo!"

"WOW! Ang hangin naman pala dito!"

"Kasi I'm so cool!"

"Cool-in mo mukha mo impakto ka!"

"AHEM!" Sigaw ni Red. Natawa nalang kami ni Lloyd. Kasama ni Red sina Lavender Marie at si Nathalie. Si Lloyd? Nagpakatino ang lolo niyo mga bregs! Si Nathalie na kaya yan! HAHAHAHA.

"Lloyd? Di mo man lang ba sila aawatin?" Sabi ni Lavender. Nanigas si Lloyd sa kinatatayuan niya, tapos inawat sina Seth at Princess na patuloy paring nagbabangayan. Si Lloyd talaga, pasikat lagi kay Nat.

The Blue Academy: His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon