Spoken Poetry Entry No. 11
Title: Pagkakaibigan o Pag-Ibig
Author: lucky_patchPagkakaibigan O Pag-ibig
Gusto mo siya, may gusto siyang iba,
Para lang kayong mga tanga di'ba?
Bakit pinahihirapan niyo ang mga sarili niyo
Kung pwede naman maging kayo?Ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo
Na noon pa man ay iniingatan mo
Ngunit paano kung ganyan din pala siya
Pero ang totoo ikaw talaga ang mahal niya?Ano ba ang mas mahalaga talaga
Ang manatiling kaibigan niya o ang sabihin mong mahal mo siya?
Hanggang kailan ka ba magtitiis?
Kung ang puso mo ay parang nililitis?Nais mo ba siyang makitang kapiling ng iba
Habang ikaw ay nagpapakamartir bilang kaibigan niya?
O gugustuhin mong aminin sa kanya
Na ang nais mo ay higit pa sa pagiging kaibigan niya?
YOU ARE READING
Tinig na Isinatitik
RandomA compilation of spoken poetry that was written from the heart and based from experiences.