Spoken Poetry Entry No. 14
Title: Sawi o Panalo
Author: lucky_patch
Sawi o Panalo
Sawi nga ba ang tawag sa taong mag-isa
Na lumabas sa dating relasyon niya?O panalo ba ang dapat na tawag sa kanya
Dahil kinakaya niyang wala siyang kasama?Sawi ba siya kung siya'y nasasaktan
At umiiyak na parang walang planong tumahan?O panalo ba siya dahil nailalabas niya
Ang sama ng loob na kanyang dala-dala?Sawi ba siya kung manhid na ang kanyang puso?
Na nagmahal lang dati ng buong-buo?O panalo ba siya dahil kanyang nakakaya
Na hintayin ang taong tama para sa kanya?
YOU ARE READING
Tinig na Isinatitik
AléatoireA compilation of spoken poetry that was written from the heart and based from experiences.