CHAPTER 1

9 1 1
                                    

Chapter 1

Feelings

"adi!!!!!!!!" Napasapo ako sa ulo ko ng marinig ko nanaman ang kanyan napakalas na tawag sa pangalan ko.

Kaya nga ako nandito sa mga bench ng school para hindi maistorbo. Panira talaga to. hindi ko nalang iyon pinansin dahil hindi ako makapagfocus dito sa research na ginagawa ko.

4th grading na ngayon kami sa grade 10 at kaunting push nalang ay makakapag moving up na kami.

"Ay di man lang lumingon, seryoso tayo jan ah?" Si Soren "Goods ka pa ba?" Sabay halakhak nya.

"Pwede ba Soren, tigil tigilan mo nga ako at tumulong ka dito hindi yung patawa tawa ka lang jan. Gusto mo wag kita ilista rito?" Banta ko sakanya dahil sa sobrang inis ko sa kaingayan nya. Bakit kasi sya pa ang binigay partner sa akin. Alam ko na wala syang matutulong.

"Ito naman di mabiro. Eto na nga tutulong na!" Wow sya pa galit ngayon.

Nilagay nya sa lamesa ang bag nya at umupo sa harap ko para makatulong na.

Malapit ko ng matapos itong research pero napansin kong walang ginagawa si Soren at nakatitig lang sakin.

"Amputa, tititig ka na lang ba dyan o baka gusto mong tumulong?" Hindi sya nag salita. Parang lutang.

"Huy!" Bigla syang natauhan ng sigawan ko sya.

Kinuskos nya muna ang mata nya bago sya tumingin sa ibang direksyon.

"Ano?!" Pagalit ko sa kanya. "Nananaginip ka yatang gising?" Hindi pa rin sya sumagot at dumukdok nalang sa lamesa.

Hinayaan ko na lang syang ganoon dahil mukhang may problema. Tinapos ko nalang lahat ng research namin para makauwi na.

Nang matapos ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Paalis na sana ako pero nakita ko si Soren na nakadukdok pa rin.

Kinabahan ako bigla. Tinawag ko ang pangalan nya pero di na nya pa rin inaangat ang kanyang ulo. Patay na ba to?.

Lumapit ako sa kanya para yugyugin
sya pero bago ko pa naman magawa ay bigla na syang nagangat ng tingin sabay kusot sa mata.

Nakita nya akong nakatayo na kaya agad nya ding niligpit ang mga gamit nya at tumayo na rin.

Nakalabas na kami ng school ay Hindi pa rin sya nag sasalita kaya nagtataka na ako.

"Alam mo Soren dapat ikaw yung tinatanong e. Goods ka pa ba?" Nagtaas ako ng kilay.

Ngayon lang natahimik itong si Soren. Napakaingay nito lagi. Hindi ako sanay na tahimik sya.

Lumingon sya sakin pero hindi pa rin sumasagot sa mga tanong ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa sobrang katahimikan nya. Nakita nya ang ekspresyon ko. Nagulat ako nang biglang sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi.

"Hala. Baliw ka na yata" lalo akong nagtaka dahil sa ipinapakita nya ngayon sa akin. Kanina lang ay parang wala syang bunganga at ngayon naman ay ngingisi na para bang may masamang binabalak.

"Ang cute mo kapag makulit ka" mas lalong lumaki ang ngisi nya at inakbayan ako.

Naginit ang mukha ko sa sinabi nya. Hindi ko inakala na babanat sya.

Matagal na kaming magbestfriend nitong si Soren pero hindi best friend ang tingin ko sakanya. Yes, since we first met I have a crush on him and I don't know if the feeling is mutual.

Kilala si Soren sa school namin bilang playboy. Kada isang linggo ay iba ang babaeng kasama nya. Para lang syang nagpapalit ng damit sa ginagawa nya. Hindi ko nalang sya pinakikialaman dahil baka masira ang pagkakaibigan namin. Minsan ay ako pa ang nag aayos ng date nila ng babae. Masakit sa akin na makita syang may ibang babae na kasama dahil kahit ako ay may tinatagong pagtingin sa kanya.

Habang nagaabang kami ng tricycle sa labas ng school ay naka akbay pa rin sya sa akin. Hindi sya umiimik at naghihintay lang na may dumaang tricycle.

"Bakit ba ang tahimik mo kanina?" Na awkward-an na ako sa katahimikan nya kaya nagtanong ako.

"Diba sabi mo tigilan kita. Naiingayan ka sakin e." Hindi sya lumingon

"Sobra naman yang katahimikan mo. Okay lang naman sa akin na maingay ka pero wag sobra. Lagi ka nalang sumosobra. Tss" sabay irap ko sakanya kahit hindi naman nya nakikita

"Yes master. Noted!" Sabay tawa nya. Inalis ko ang braso nyang nakaakbay sa akin dahil nabibigatan na ako.

Hindi na ulit ako nagsalita at nabalot nanaman kami ng katahimikan. Mga sasakyan lang na dumadaan at mga ibon lang ang tanging naririnig kaya naman nagulat ako ng biglang may bumusinang tricycle.

"Boss sakay?!" Sabay kaway ng tricycle driver sa amin. Ngumiti lang si Soren at tumango bilang sagot sa driver.

"Sakay na" si Soren sabay lahad nya sa loob ng tricycle. Sumakay na ako at kinawayan sya bilang paalam. Magkaiba kami ng direksyon ni Soren kaya ako lang magisa ang sumakay.

Umandar na ang tricycle at umalis na. Kinawayan ko ulit si Soren kumaway din sya pabalik. Tumigil na ako sa pagkaway ng hindi ko na sya matanaw.

Pagkarating sa bahay ay binigay ko na sa driver ang bayad at pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nagbabasa ng magazine sa sala. Dumiretso ako sa kanya para makahalik sa pisngi.

"How's school?" Tanong ni mama

"Fine" tipid na sagot ko at umakyat na sa aking kwarto. Bumagsak ako sa higaan ko. Tinanggal ko ang butones ng aking blouse para mas presko. Habang nakahiga ako ay inalala ko ang nangyari kanina. Kahit simpleng salita lang iyon ay kilig na kilig na ako. Pano pa kaya kapag parehas na kami ng nararamdaman. Pagkatapos ko magmunimuni ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

......

An: sorry for the grammatical error

EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon