CHAPTER 2

4 1 0
                                    

Chapter 2

Babae

Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Kinusok ko muna ang mata ko bago bumangon at buksan ang pinto.

Pagkabukas ko ay si mama ang nakita ko roon.

"Anong oras na? Tapos na kaming kumain. Lumabas ka na dyan at kumain ka na doon sa baba." Tumango lang ako sa kanya at umalis na sya.

Sinarado ko ulit ang pintuan at tinanggal ko na ang uniform na nakasuot pa rin sa akin kahit nakatulog na ako. Dumiretso na ako sa shower para maghugas ng katawan at magbihis. Pagkatapos ko roon ay bumaba na ako para kumain.

Pagkababa ko ay nakita ko ang kapatid kong nanonood ng tv sa sala. Hindi nya ako nakita kaya hindi ko nalang sya pinansin. Pagkapunta ko sa kusina ay napagdesisyonan ko na sa kwarto nalang kumain.

Dala ang tray na may lamang pagkain paakyat na sana ako ng makita ko pa din ang kapatid ko doon sa sala pa rin at nanonood. Tinignan ko oras sa wall clock sa sala. Its almost 9pm and he's still watching cartoons here. Masyado pa syang bata para magpuyat. Dapat ay natutulog na sya sa kwarto nya.

Napailing ako at hindi nalang sya pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

Nang makapasok ay nilapag ko ang pagkain ko sa coffee table dito sa kwarto ko. Kinuha ko rin ang laptop ko at nilapag din sa coffee table. Naupo na ako at binuksan ang laptop para maglog in sa facebook.

Pagkalog-in ko ay may nakita akong tatlong mensahe roon. Galing iyon kay Gino ang Vice president ng classroom namin, Kay Soren at sa friend ko sa fb na hindi ko kakilala.

Inuna kong buksan ang kay Soren.

Soren Cabalar:

May sasabihin ako sayo bukas :)

Iyon lang ang mensahe nya pero hindi na ako nag reply doon. Sinunod kong buksan ang kay Gino

Gino Trinidad:

Bukas na raw deadline ng research.

Yun lang ang message nya. Nilog-out ko na ang facebook ko at sinara ang laptop. Mabuti nalang at tapos ko na ang research ko.

Kinuha ko ang expanded envelope kung saan nakalagay ang research para icheck iyon kung mayroon pang kulang. Pagkakita ko ay mayroon pa ngang kulang doon pero kaunti na lang.
Papasok nalang ako ng maaga bukas para roon nalang gawin ang kulang.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nilagay na ulit sa tray. Pagkababa ko ay patay na ang ilaw sa sala kaya wala na rito ang kapatid ko. Binuksan ko ang ilaw at nilagay na sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan. Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay nagpunas na ako ng kamay. Pinatay ko na ang ilaw at umakyat na sa kwarto ko.

Nangmakapasok ako sa kwarto ay dumiretso na ako sa banyo para makapag toothbrush. Pagkatapos ko roon ay humiga na ako sa higaan para makatulog na.

....

Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Shit. Kanina pa pala tumutunog ang ang cellphone ko at hindi ko man lang namalayan iyon.

Its 5:30 am. Naalala ko na maaga pa pala akong papasok ngayon dahil hindi ko pa tapos ang research kaya minadali ko na ang pagligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na at inayos ang sarili. Kinuha ko ang bag ko sa lapag. Hindi ko pa naayos kagabi. Nagmamadali akong bumaba at nakita ko si mama na nagaayos ng umagahan. Hindi na ako tumingin sa kanya at lumabas nalang.

"Adi kumain ka muna!" Narinig ko pang sigaw ni mama mula sa loob ng bahay. Hindi ko na pinansin iyon. Bibili nalang ako ng tinapay sa mga bakery malapit sa school. Hindi na rin ako nagpahatid kay daddy dahil alam kong kumakain pa lang sya. Nag commut nalang ako papuntang school dahil malapit lang naman.

Pagkarating ko ng school ay pumunta agad ako sa may bakery para bumili ng tinapay at juice. Pagkatapos kong bumili ay pumasok na ako sa loob ng campus.

"Aga mo ngayon miss president ah" nasalubong ko ang isa kong classmate na naka assign sa susi ng classroom kaya maaga rin sya. Nginitian ko na lang sya at dumiretso agad sa bench kung saan ako naka upo kahapon.

Habang ginagawa ko ang reseach ay sinabay ko na rin ang pagkain.

Ininom ko na ang natitira kong juice at niligpit ko na ang mga gamit ko para makapasok na sa room namin. Mabuti nalang at mabilis ko itong natapos dahil malapit na ring magsimula ang klase.

Paalis na sana ako nang makita ko si Soren na mayroon nanamang ibang kasamang babae. Si Zaira ang babae na kasama nya. Isang senior high student dito sa school namin. Napansin ko nitong mga nakaraang linggo ay mas mahilig sya sa mas matanda sa kanya. Hindi nya ako nakita kaya hindi nya ako tinawag. Sanay na ako rito kay Soren na paiba iba syang kasama na babae kaya Hindi ko nalang ito pinansin

Naglakad na ako papalayo at tinapon sa basurahan ang bottle na pinaginuman ko ng juice. Medyo nilaksan ko pa ang pagtapon para marinig ni Soren pero nung lumingon ako ay tutok na tutok pa rin sya kay Zaira. Sana all Zaira!.

Naglakad na lang ulit ako para makapunta na sa classroom at umupo na sa upuan na nakalaan para saakin.

Dumating na ang teacher namin pero wala pa rin si Soren dito. Napatingin ako sa pintuan ng biglang syang pumasok. Kumunot ang noo ng teacher namin at binaba pa ang sout na salamin para makita ng maayos si Soren.

"You're 10 minutes late Mr. Cabalar" sabi ng teacher namim.

"Sorry ma'am hindi na po mauulit" si Soren at dumiretso na sa upuan nya. Pagkaupo nya ay lumingon sya saakin at ngumiti. Hindi ko iyon pinansin. Naalala ko na may sasabihin pala sya sa akin pero mukhang nakalimutan nya na.

Natapos ang pangmagang kaklase namin at dumiretso na ako sa canteen para kumuha ng pananghalian. Pagkakuha ko ay humanap ako ng pwedeng maupuan dahil wala akong kasama ngayon. Si Soren ang lagi kong kasama pero mukhang busy sya ngayon sa babae nya.

Umupo nalang ako tabi ng isa kong kaklase na wala ring kasama.

"Hello" bati ko sa kanya. Ngumiti lang sya at nagtuloy lang sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay binalik ko ang plato sa canteen. Kinuha ko ang research ko sa loob ng classroom para i- submit iyon sa teacher namin. Pumunta pa ako sa office ng mga teacher para maibigay iyon dahil hanggang ngayong lunch lang ang pagsusubmit.

Nang maisubmit ko iyon ay bumalik na ako sa classroom dahil malapit na magsimula ang klase. Nakarating na ako sa classroom mabuti nalang at hindi nanaman late itong si Soren. Hindi nya ako napansing pumasok dahil naglalaro sya ng mobile game sa kanyang cellphone kasama ang iba pa naming kaklase na lalaki.

Dinismiss na kami ng teacher namin at tanging mga cleaners nalang ngayong araw ang natira sa room. Kinuha ko ang bag ko para umalis na ng school.

"Adi" napahinto ako ng tawagin ako ni Soren. Lumingon ako sakanya. Nandito pa pala sya akala ko mga cleaners nalang ang natira.

"Oh, Soren?" Sagot ko sa kanya.

"Seener ka na pala ngayon ah" tumawa sya. Hindi ko nakuha ang kanyang sinabi pero nagets ko rin ito kaagad.

"Ano pa bang irereply ko?"

"Ewan ko sayo" he shrugged

"Ano ba yung sasabihin mo?"

Hindi umimik si soren at hilaw ang ngiti sabay kamot pa nya sa batok nya.

"Ano?" Tanong ko.

"Ano kasi..." Pinagkrus ko ang aking kamay sa harap ng aking dibdib naiinip na ako kakahintay sa sasabihin nya.

"Sasali akong boyband"

......

An: sorry for the grammatical error

EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon