CHAPTER 3

1 1 0
                                    

Chapter 3

Streetfoods

Nagulat ako sa sinabi ni Soren. Hindi ako makapaniwala na gusto nyang sumali sa mga ganoong bagay.

Nandito ulit kami ngayon sa mga bench ng school namin dahil gusto kong makausap ng maayos si Soren. Nakaupo sya sa harap ko at umiiwas ng tingin sa akin.

"Seryoso kaba jan?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya sa akin at umiwas ulit ng tingin.

Kaya pala medyo malalim ang iniisip nito noong mga nakaraang araw at siguro pinagiisipan nya pa kung sasali talaga sya.

"Pero nagaaral palang tayo" nagalala ako sa kanya.

"Kaya ko namang pagsabayin. Tsaka magbabakasyon na. Sisimulan na daw namin ang training pagkatapos na pagkatapos ng school year na ito" si Soren.

Naniniwala akong kaya ni Soren ang pagsali nya doon dahil magaling syang sumayaw at kumanta. Pero sa pag aaral nya ako nababahala dahil hindi rin sya pala aral at puro babae ang inaatupag.

"Ano? Ayos lang ba? Sa tingin mo makakapasok ako?" Nahihiya nyang tanong.

Pinagmasdan ko syang mabuti. Bukod sa magaling syang kumanta at sumayaw ay may itsura itong si Soren kaya nga ako nagkakagusto sa kanya e.

"Sa akin, pwede na. Ewan ko lang sa iba." Sagot ko sakanya

Napangiti sya sa sinabi ko kaya ngumiti rin ako. "Ikaw talaga" sabay gulo nya sa aking buhok.

Binitawan nya ako para maayos ko ang buhok ko. Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko ganoon din si Soren. Sabay na kaming lumabas ng school at ganoon parin inabangan nya ako ng tricycle.

Ganoon lang ang routine namin ni Soren araw araw. Daldalan tas abang ng tricycle.

Lumipas pa ang ilang araw. Natapos na din namin ang huling exam namin at isang linggo nalang bago ang aming moving up ceremony. Buong linggo ay ang pagpractise lang ng march namin ang pinagkaabalahan namin lahat na grade 10 student. Kasabay din naming nagpapractise ang nga senior high school dahil gagraduate na rin sila.

Isang araw bago ang moving up ceremony ay nagyaya si Soren na kumain ng streetfoods malapit sa school namim bilang pagcelebrate raw ng aming pagmomove up. Pumayag nalang ako dahil libre nya naman.

Pagkarating namin doon ay humanap agad kami ng pwedeng maupuan. Agad ding nakahanap si Soren ng upuan at pinaupo na ako roon. Nilagay nya lang ang gamit nya sa isang side ng upuan ang sabi nya ay sya na raw ang mag oorder ng pagkain namin.

Habang hinihintay maluto ang binili ni soren ay bumalik muna sya sa upuan namin.

"Sa susunod ikaw naman ang maglibre ah" si Soren. Umirap nalang ako ng pabiro sakanya bilang sagot.

Ang dalawang kamay ni Soren ay nasa lamesa at nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay ng mapansin ko ang paninitig nya.

"Bakit wala kang kasamang ibang babae nitong nga nakaraang linggo? Nagbabago ka na ba?" Tanong ko sa kanya sabay halakhak.

"Bakit hindi ka ba babae?" Ngisi nya saakin. Hindi nakasagot doon. Oo nga naman.

Hindi na ulit ako nagsalita muna noon. Umalis ulit si Soren para kuhanin ang pagkain namin na katatapis lang maluto.

Nilapag nya ang pagkain at kinuha ko ng ang para saakin at sinimulan ng kumain ganoon din ang ginawa nya.

Walang nagsalita sa amin habang kumakain kami kaya mabilis lang din naming natapos ang pagkain namin. Pagkaubos ko ng pag kain ay kinuha ko ang bottled water na binili nya para uminom. Nahirapan pa akong buksan ito.

"Akina" si Soren na nakalahad ang kamay. Nabigla ako doon at inabot nalang sa kanya ng bote ng tubig at hinayaan syang buksan iyon.

Walang kahirap hirap na binuksan ni Soren iyon at binigay ulit saakin.

"Thank you" sabay abot ko sa tubig.

Uminom na rin sya ng tubig nya at nagpunas ng bibig. Handa ng umalis.

Bago kami tuluyang umalis ay inabot nya muna ang bayad doon sa nagtitinda. Sobra ang binayad nya pero hindi nya na kinuha at hinila na ako sa abangan ng tricycle.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong naabutan doon kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko para makapag shower ng katawan.

Pagkatapos kong mag shower ay nagbihis agad ako. Habang sinusuklay ako ang buhok ko ay biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyo at nakitang may message si Soren.

Soren:

Thanks for today :)

Napangiti ako at nagtype ng irereply.

Me:

Ako dapat mag thank you. Libre mo kaya haha.

Binaba ko ulit ang cellphone ko at tinuloy na ang pagsusuklay sa buhok ko.
Tumunog ulit ang cellphone ko at kinuha ito.

Soren:

Welcome.

Hindi na ako nagreply doon at inubos ko ang oras ko sa panonood ng mga videos sa YouTube.

Nang mabagot ako ay bumaba ako para uminon ng tubig. Pagkababa ko ay naabutan ko si mama na nag aayos ng mga pinamili nyang grocery. Si daddy naman ay nasa labas at nagdidilig ng mga tanim na halaman

Nakita ko rin ang kapatid ko nag inaassemble nya ang laruan na binili para sa kanya. Nakita kong nahihirapan sya sa pagbuo kaya lumapit ako sa kanya para tulungan sya.

"Let me help you Ace." Sabi ko sa kanya at binigay nya naman kaagad sa akin.

Mahirap nga talaga iassemble ang laruan na iyon kaya medyo natagalan kami sa pagaayos.

Pagkatapos namin doon ay nagyaya na si mama na maghapunan kaya pumunta na kami sa kusina.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsalita si daddy

"Ang mama mo na lang ang sasama sayo bukas sa moving up mo. Hindi ako makakapunta dahil mayroon pa akong kailangang asikasuhin."  Tumango na lang ako kay dad bilang sagot.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa banyo para magtoothbrush. Pagkatapos ko roon ay humiga na ako sa kama ko makatulog na dahil bukas ng maga gaganapin ang ceremony.

......

EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon