CHAPTER 4

2 1 0
                                    

Chapter 4

Moving up

Gumising ako ng maaga para makapag ayos na dahil 8 am daw ang start ng ceremony kaya naman bumaba ako para kumain.

Naabutan ko si mama na nagaayos ng mga plato. Bumati ako sa kanya at umupo na sa upuan ko.

Nauna na akong kumain dahil kailangan ko pang maligo at magayos ng sarili.

Pagkatapos kong kumain ay nakita ko daddy na bumababa ng hagdan. Nakaligo na at handa ng kumain kaya bago ako umakyat ay binati ko muna.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko doon ay nag toothbrush na ako at sinuot ko na ang uniform namin.

Humarap ako sa tukador para ayusin ang aking sarili. Inuna kong ayusin ang buhok ko. Pinlantya ko lang ito para magmukhang maayos. Sinunod kong maglagay ng make up sa aking mukha. Simpleng make up lang ang ginawa ko dahil hindi naman party ang pupuntahan ko. Baka magmukha lang akong clown kapag ganoon ang ginawa ko. Nagspray na din ako ng perfume sa aking sarili.

Nang matapos ako ay bumaba na ako para makaalis na kami ni mama.

Pagkababa ko ay naabutan ko si mama na nakaupo sa couch sa sala at mukhang hinihintay na ako.

Nakita ako ni mama na pababa na kaya tumayo na din sya. Sabay na kaming lumabas ng bahay. Nasa kotse na sa si daddy kaya sumakay na rin kaming dalawa ni mama sa loob.

Nakarating kami sa school ni mama around 7:45am 

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si soren at ang kanyang ama. Hindi nya ako nakita kaya nauna na silang pumasok sa school. Ako naman ay hinihintay ko pa si mama na makakababa dahil mayroon pa syang sinabi kay daddy.

Bumaba na si mama kaya naman pumasok na kami sa loob at nakita kong halos lahat ng mga magmomoving up ay nandoon na. Wala pa rito ang mga grade 12 dahil mamayang hapon ang schedule ng graduation nila.

Umupo na kami ni mama sa bakanteng upuan doon. Si Soren ay nasa kabilang side ng mga upuan kaya malayo kami sakanya.

Napansin ko tumitingin sya sa paligid. Parang meron syang hinahanap. Nang mahagip nya ang mata ko ay agad syang  kumaway at ngumiti sa akin ganoon din ang ginawa.

Umayos na ako ng upo dahil nagsalita na ang principal sa harap. Hudyat na magsisimula na ang program. Pinatayo ulit kaming mga studyante para magmarch at nang natapos iyon ay bumalik ulit kami sa aming kanya kanyang upuan.

Nagsimula na ang progam. Meron ding mga guest na dito nag aral sa school namin para mag speech. Pagtapos noon ay sinimulan na ang pagtawag sa pangalan para makuha na ang aming nga awards

Naunang umakyat ng stage si Soren kaysa sa akin dahil naka alphabetical ang pagkakasunod sunod. Nakita kong ngumiti sya sa principal. Nakasunod lang sakanya ang tatay nya para alalayan sya. Nang matanggap nya ang kanyang award ay pumwesto silang dalawa ng tatay nya sa gitna ng stage para makapag papicture.

Natapos pa ang ibang studyante at ako naman ang tinawag sa stage. Tumayo ako at sumunod sa akin si mama. Pagkararing ko sa stage ay kinamayan ko ang adviser ko at sumunod naman sa principal ganoon din ang ginawa ni mama at tinanggap na ako award ko.

Pumwesto kaming dalawa ni mama sa gita ng stage para makapag papicture na rin.

Bumaba na kami ng stage nang matapos kaming picture-an. Dumiretso agad ako sa upuan ko dahil marami pang hindi tapos na ma award-an.

I saw Soren giving me thumbs up when im about to sit. I just smiled at him and nodded.

Natapos ang ceremony at nagdesisyon na kaming umalis ni mama dahil meron daw kaunting salo-salo sa bahay.

Habang naglalakad kami ay nasalubong namin si Soren at kanyang tatay.

"Oh Soren, halika at sumama kayo sa amin ng tatay mo. May salo-salo akong pinahanda sa bahay." Si mama na inaaya si Soren. Magkakilala sila dahil alam ni mama na magbestfriend kami.

" Ah hindi na po tita. Nakakahiya po. Atsaka meron din pong hinanda si mama sa bahay" nahihiyang ngumiti si Soren dahil sa kanyang pagtanggi.

"Sayang naman. Sige. Mauna na kami ni adi" si mama ulit.

Lumingon ako kay Soren para ngumiti at kumaway sa kanya ganoon din sya.

Nang makarating kami sa bahay ay meron nga talagang nakahandang pagkain para saakin.

Nandoon na rin si daddy at si Ace kaya kami nalang ni mama ang hinihintay.

Umakyat agad ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Bumaba rin ako kaagad para sabayan silang kumain.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita kong naguusap si mama at daddh tungkol sa kung anong business nila at ang kapatid ko naman ay kumakain lang.

Napatingin si mama nang makita nya akong umupo roon.

Mom cleared his throat before he start the conversation "we're planning to build a branch of our bake shop here. What do you think?"

Nginuya ko muna ang kinakain ko at nilunok bago magsalita "why not? Its okay and mas malapit din saatin"

Tumango lang sya. Nagtayo kasi ng bake shop sila mama sa ibang probinsya kaya ngayon ay nagdesisyon sila na mag tayo rin ng branh dito. Wala naman problema sa akin iyon dahil mas malapit sa amin at hindi na rin sila bumabyahe ng malayo para lang tignan ang lagay ng shop.

Sinabi rin nila na uumpisahan ng gawin ang shop ngayong bakasyon para mabilis din itong matapos.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para mag jogging. Nagsuot lang ako ng leggings. Ang pang itaas ko naman ay sports bra pinatungan ko rin ito ng jacket. Nagsuot na rin ako ng rubber shoes.

Habang nagjojogging ako ay nasalubong ko rin si Soren na nag jojoggingkaya napahinto ako. Huminto rin sya.

" Uy bagong buhay?" Biro ko sa kanya dahil hindi naman sya nagjojogging noon.

"Oo eh. Kailangan daw sabi nung manager nung sinalihan kong boyband" sagot nya. Tumango lang ako doon.

Sumabay na rin ako sakanya mag jogging para may kasama ako. Nang mapagod ay umupo muna kami sa isang bench sa may park. Kinuha ko yung tumbler ko para makainom ng tubig sya naman ay nagpupunas ng pawin.

"Akala ko ba ngayon ang training nyo" tanong ko sa kanya.

"Sa isang linggo pa daw magsstart. Kailangan ko pang bumyahe papuntang manila para doon. Tsaka magwork out daw muna kami ngayon para ready na raw kami sa training" paliwanag nya.

"Ah" sagot ko medyo nalungkot.

Isang linggo ko nalang pala sya makikita. Ibig sabihin nito ay buong bakasyon ko syang hindi makikita.
Mamimiss ko sya.

......

An: sorry for the grammatical error. I'm still learning.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon