Chapter 4

11 2 0
                                    

Chapter 4:Strange Feeling

Umuwi rin sila Misty kagabi, And it's Saturday!!!
Yeheyyy...
Bago pa man ako bumaba
Naghilamos muna ko
Then bumaba na ko

Pagkababa ko
Nakita ko si Ate Kate
"Ate"tawag ko
"Po?"tawag nya
"Si Bliss?"tanong ko
"Andoon sa Cage nya,miss ka na nya"sabi ni ate Kate at ngumiti
"I miss her too"sabi ko

"Kakain ka na ba?"tanong ni Ate Kate
"Mamaya nalng po ako kakain "sabi ko
Tumango na lamang si ate Kate
Kinuha ko ung susi ng cage ni Bliss sa kwarto ko

Agad akong dumiresto sa may Malapit sa Garden,
Andoon si Bliss eh

Nang makarating na ko don,
Agad ko syang nakita,

"Babyyyy"sabi ko
Nang makita nya ako,Agad syang tumahol at ginalaw galaw ang buntot

Meet my dog, her name si Bliss,
Since 10 years old ako andito na sya
Regalo saakin ni lolo bago sya pumunta sa paradise.
3 days after my birthday,my lolo died.

Binuksan ko ung cage nya
Pero Hindi pa rin sya umaalis doon
Umupo ako sa may floor
At inaantay syang pumunta saakin
Nanatili pa rin syang nakatingin saakin

"How are you?"malambing kong
tanong
"Come here baby,"sabi ko

Maya maya pay sumampa sya saakin
Tila niyayakap ako
Niyakap ko sya

"I miss you my baby"Sabi ko
"From now on, I'll be the one who'll feed you ok?"malambing kong sambit

Tumahol ito,
Agad akong tumayo at sinama sya pumasok sa bahay.

"Oh? pinakawalan mo na?"tanong ni ate kate
"Opo,tsaka kakain na din po kami"sabi ko
"Sige paghahanda ko kayo"sabi ni Ate Kate
"Ako na po ung kay Bliss"Sabi ko
"Sige,"sagot ni ate Kate at nagtungo na sa kusina

Ganon din ako,
Naka sunod lang saakin si Bliss,
Kinuha ko ung pagkainan nya't nilagyan ng dog food.

Nilagay ko sa dining table ang pagkainan nya't binuhat ko sya upang maka upo sya sa upuan,
Andoon na din ung pagkain ko

Umupo na ko sa tabi ni Bliss
Na ngayon ay kumakain na
Nakita ko na umupo si ate kate sa tapat ko

Nakangiti sya

Maya maya pa'y suminghot sya tila umiiyak sya
Kaya't napatingin ako sa kanya

"Halla?bakit ka umiiyak ate?"tanong ko
"Ngayon lang kase kita nakitang ngumiti"sabi nya
Napakunoo't noo ako sa sinabi nya
"Palagi namn po akong nakangiti eh"sabi ko
"Oo nga,pero kapag na rito ka na sa hapag kainan ay hindi mo na magawang ngumiti"sabi nya

Natigilan ako roon,
Totoo namn kase yon,
Sino kaya ung makakaya pang ngumiti kapag may nakahandang masasakit na salita?

Minsan,I mean Palagi nilang tinataon sa oras ng pagkain ang pa nenermon nila saakin,

"Ngumiti po ako Ate,hindi lang ho siguro ninyo napapansin hahaha"natatawang sambit ko
Pero nanatili lang na naka titig si ate Kate saakin

Nang matapos na kong kumain
Agad kong binuhat si Bliss at sinuotan ng tali

"Saan kayo pupunta?"tanong ni Ate Kate
"Lalabas Lang muna kami,maglilibot sa  subdivision"sabi ko
"Sige, ingat kayo"sabi ni Ate
Tumango ako

"Tara na Bliss"sabi ko

"You wanna play?"tanong ko
Meron kasing Playground dito eh
Tumahol lang sya't ginalaw nya ang buntot nya bilang sagot saking tanong

"Sige,tara"sabi ko
Nang makarating na kami roon
Ay kami lang ni Bliss ang naroroon

AstraWhere stories live. Discover now