CHAPTER 21

141 18 0
                                    

Chanel's POV

We are looking at each other's eyes and no one dared to look away, as if we're put into a spell that we're not allowed to move.

I can't believe what I'm seeing. I can't believe he's standing here, in front of me, just few meters away from me.

He changed a lot, the way he dress, his hair, he even grew a facial hair which made him look even more matured, but there's one thing that hasn't changed...

It's the look in his eyes.

It's still full of passion, warmth, and dreams, those that I loved about him years ago.

-----

8 years ago...

Nakatungo lang ako habang naglalakad dito sa hallway ng bago kong school. Wala pa akong kakilala. Kakalipat lang namin ng family ko dito sa Manila. Namimiss ko na agad mga kaibigan kong naiwan sa Pangasinan. Kung di lang dahil sa business nina Mommy at Daddy, hindi ako papayag na lumipat kami dito, pero kailangan namin dahil sabi nila, un ang makakabuti sa amin.

Sabi nila, best part of your life ay nasa high school. Madami ka raw kasi matutunan sa loob ng ilang taon.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may makabunggo sakin na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

"Sorry!" sigaw nung nakabunggo sakin at naglakad na palayo.

Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa paligid at ako ay nababalot na rin ng hiya. Agad kong hinanap kung san tumalsik ung salamin ko pero hindi ko makita.

"Sayo ba ito?" tiningnan ko ang naglahad sakin ng salamin ko at nakaluhod ang isa nyang tuhod para mapantayan ako.

"O-opo. Salamat." kinuha ko na ang salamin ko at sinuot. Don ko lang napansin ang itsura ng lalaking nasa unahan ko ngayon.

Mukhang matagal na syang estudyante dito at mas matanda sya sakin ng ilang taon. Makapal ang kanyang kilay, matangos rin ang ilong nya at may mapulang labi, pero ang pansin pansin sa lahat ay ang mata nya na tila puno ng buhay.

Mukhang nag aalala sya at inabot ang kanyang kamay.

"Tulungan na kita." kinuha ko na ang kamay nya at pinagpagan ang palda ko pagkatayo ko. Naku. Lagot na naman ako kay Mommy nito.

Hindi pa rin sya umaalis at parang may hinihintay sya.

"Freshmen?" tanong nya.

"Opo." natawa sya at pinakita sakin ang ID nya.

"Wag ka na mag 'po'. 4th year student ako dito. 15 years old pa lang ako." he smiled. "Ako nga pala si Evander John Costales, John for short."

"Ah---" naputol ang sasabihin ko nang mag ring ang bell. "S-sorry kelangan ko na umalis. Bye!" paalam ko at nagmadali nang tumakbo paakyat ng hagdan.

"Oy teka ano pangalan mo?!" rinig kong sigaw nya pero hindi ko na sya nasagot.

Hala lagot ako ayoko ma-late sa first day of class!

Pagkarating ko sa 3rd floor, sa unang room, hinanap ko ang pangalan ko sa listahan na agad ko namang nakita kaya pumasok na ako at naghanap ng mauupuan.

Umupo ako sa unahan dahil don na lang may bakante. Sakto namang dating ng adviser namin at inanyayahan kaming magpakilala isa isa sa unahan.

Strangers in Disguise (The Dating Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon