CHAPTER 25

138 18 0
                                    

Chanel's POV

"Oh dahan dahan sa pagsubo. Baka mapaso ka." John said habang kumakain din ng kwek kwek.

I slowed down and laughed.

"Hahaha! Na-miss ko tinda ni Manong eh."

"Hayaan mo araw-araw na kita papadalhan ng street food sa school nyo."

"Baka naman magka hepa na ako nyan?Hahaha!"

"Yeah but before that, wipe the sauce off your face. Here. Hahaha!" inabot nya sakin ung tissue nyang hawak na agad ko namang kinuha. I opened my compact mirror and wiped the stain.

"Para ka pa ring bata kumain. Tsk. Tsk." he teases.

"Bakit ba? Hahaha! Di naman nakabawas sa pagkatao ko." natawa naman sya sa sinabi ko at umiling na lang.

I don't know, kung iba ang kasama ko ngayon, mahihiya akong may dumi ako sa mukha. But with John, I feel so comfortable. After all these years, he's still my comfort.

Tumawa naman si Manong at tiningnan kaming dalwa.

"Ang tagal nyo nang dalwa 'no? Ilang taon na rin. Kelan ang kasal?"

Natigilan kaming dalwa ni John at nagkatinginan. Unti-unting nawala ang ngiti sa aming mga labi at nagpakiramdaman kaming dalwa.

"Matagal na po kaming break." John said. He's smiling but it didn't reach his eyes.

Mukhang nagulat si Manong at tiningnan ako na para bang hinihintay ang pagkumpirma ko.

I nodded as a confirmation.

"4 years na po." sagot ko.

Mukhang nadismaya si Manong at kita ang panghihinayang sa mukha nya.

Hindi lang naman sya ang nanghinayang...

"Ah ganon ba...akala ko naman, kayo pa rin. Pasensya." marahan nyang sabi.

"Nako. Okay lang po yun Manong. Maayos naman po kaming naghiwalay..." tiningnan ko si John bago ko ituloy ang sasabihin ko. "...magkaibigan pa rin naman po kami."

Hindi ko na nakita ang reaksyon ni John dahil agad akong lumingon palayo. Hindi ko alam kung tama bang sabihing magkaibigan kami, pero ang alam ko, maayos naman kaming dalwa ngayon.

"Mabuti naman kung ganon, kesa dun sa mga naghihiwalay na nagkakaron ng samaan ng loob, nagkakasiraan pa minsan na para bang di minahal ang isa't isa."

"Un nga po, hangga't maaari po, iniwasan naming mangyari yon. Pinag usapan naman po namin nang mabuti. Mutual decision naman po nangyari." sagot ko. Hindi ko na matingnan si John dahil kapansin pansin ang pananahimik nya.

"Pero eto ang maipapayo ko sa inyo ha. Sundin nyo ang tinitibok ng inyong puso, pero wag nyong kakalimutang gamitin ang pag iisip. Ang puso't isipan, balanse dapat yan. Hindi pwedeng isa lang ang iiral dyan."

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Manong. It's been an hour since we left his stall and we're sitting on the bench by the bay. Tanging hampas lang ng hangin at tunog ng mga dahon sa puno ang maririnig sa paligid.

"Avery." John called, finally breaking his silence.

I looked at him and he's staring at the bay.

"Do you think we made the right choice?"

Hindi ko magawang masagot ang tanong nya, dahil ang katanungan ring yon ang bumabalot sa isipan ko sa loob ng ilang taon.

Strangers in Disguise (The Dating Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon