CHAPTER 34

134 19 0
                                    

Chanel's POV

"How's it going, Miss President?" Louis asked na kararating lang sa library. I'm picking some books for our midterms.

"I'm not your president anymore." I laughed.

"Yeah but to me, you're still the best president. I think you hold that special place in our hearts."

I smiled when I heard that.

We are now in our 2nd sem and thrills us all na isang buwan na lang, gragraduate na kami.

Finally, kami naman ang tatanggap ng diploma sa stage, ang diploma na apat na taon naming pinaghirapan.

Louis stands beside me habang naniningin din ng libro. I guess parehas kaming naghahapit ngayon.

"Grabe 'no. Parang kelan lang, abala tayo sa student council, ngayon, abala na tayo sa pag aaral para makagraduate." nakangiti kong sabi.

Just like me, Louis quitted the SC. Parehas na namin prinioritize ang pag aaral, mahirap na, graduating kami kaya wala dapat failed subjects or else, di namin mapapasukan ang dream schools namin.

"Oo nga eh. Ambilis ng panahon. Akalain mo yon, gragraduate na tayo."

"Then another four years uli." we both sighed and laughed afterwards.

"We better top the board exams then see each other in court." he said with his head up high.

"Well you better not lose over me." I said and punched him on his shoulders.

"Aray! Mapanakit ka talaga."

Tumawa na lang ako at naglakad na papuntang table.

I studied all day dahil bukas ang whole day exam namin. Para ngang walang awa ang school namin at isang bagsakan ang exam, di man lang ginawang dalwang araw.

On the other hand, at least mabilis syang matatapos so yeah, okay na rin.

Buong araw lang akong nasa library at hindi ko namalayan na magsasara na pala sila kaya sinitsitan na ako ng librarian. Kahit ayoko sanang i-take home ung mga libro, kinuha ko na dahil wala naman akong choice, di ko pa tapos silang basahin lahat.

Maling mali na hindi ko dinala ung kotse ko dahil sa kalagayan ko ngayon, mukha akong kinawawang estudyante na ginawang assistant ng teacher noong high school sa sobrang dami kong bitbit.

Nangangawit na ang braso ko kaya ibinaba ko muna sa bench ung mga dala kong libro at reviewer. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng gate sa building ng pinanggalingan ko.

"Need a hand?" I looked up to see who spoke and my heart starts to race when I saw him.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"You're not answering my messages so I asked Charl. She said you're studying for midterms so I assumed you're staying late."

"Ganon ba ako ka-predictable?" I chuckled.

"Hahaha! Nah. I just know you, that's why."

Napailing na lang ako at kukunin ko na sana ung mga libro pero inunahan na nya akong dalhin yon.

"This is pretty heavy for you." puna nya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Heavy din kasi ung content." I joked, pero half meant. Hahaha!

"May dala ka bang sasakyan?"

"Wala. I'll commute na lang sana."

"Hatid na kita."

Strangers in Disguise (The Dating Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon