Prologue

66 5 1
                                    

*Treasure's Group Chat
Treasure
Jihoon:
Nag meeting kaming SC kanina and request ni Dean na mag perform daw tayo sa Foundation Day.

Junkyu:
Ano ba yan, balak ko pa naman sana mag cut niyan.

Jihoon:
E'diba sabi mo nga gusto mo magkalove life ngayon? Ito na yun, magpasikat ka na sa fans mo.

Junkyu:
Oo nga 'no? Buti na lang talaga matalino ka, Ji!

Jihoon:
Di ah, sadyang maypagka bobo ka lang.

Jeongwoo:
WAHAHAHA payag ka non, hyung? Kung ako yan, iiyak ako niyan.
(😂 8 😡 1 )

Hyunsuk:
Treasure, after class magpapractice na tayo ha.

Jaehyuk:
Ba't ang aga naman?

Hyunsuk:
Payag ka ba na hindi the best ang iperform natin? Syempre it takes time para ma perfect ang performance.

Jeongwoo:
Awit, may tourna sana kami sa ML mamaya nina Haruto e.

Haruto:
Hayaan mo na lang na sina Zihao mag laro non.

Asahi:
Kailan foundation day?

Jaehyuk:
Tingnan mo 'to, parang di estudyante ng YG Acad amp.

Yedam:
@Jaehyuk 'wag mo ngang ma amp si Asahi 😕

Jeongwoo:
SUNTUKAN! SUNTUKAN!

Haruto:
Kung ikaw kaya suntukin ko, Jeongwoo?

Jeongwoo:
Ng pagmamahal? 😙✌🏻

Jihoon:
Next week na yung foundation day kaya kailangan na natin mag practice simula mamaya. Walang tatanggi dahil ang tumanggi, sa labas ng dorm mamaya matutulog.
(❤️ 6 👍🏻 4 😭 1)

...
AMORE

Pinagsisihan kong namatay akong sobrang bitter sa love kaya naman tuloy naging match maker ako bago pa ako tuluyang makapunta sa langit. Baka siguro kung hindi ako bitter, baka nasa langit na ako ngayon.

Nandito ako ngayon sa YG Academy. And I think may event ngayon dito? Nasa open field sila at may mga booths sa mga paligid. Nagkalat ang mga students ng YG Academy dito ag pati na rin ang mga student na mula sa ibang school. Hinahanap ko ngayon yung imamatch ko na sina Joy at Sungjae. Gusto kong gamiting yung phone ko para hanapin sila kaso madamot si Luvie app yan dito sa phone. Para lang din siyang si Siri or Google? Kaso mas madamot syang mag bigay ng sagot. Nakakabagot nga na nag-iisang app lang yung Luvie dito sa phone na binigay ni Valentina.

Nag-sasalita ata yung President ng school ngayon kaya parang nagkumpulan ang mga estudyante at visitors sa tapat ng stage.

Buti na lang pala hindi nila ako nakikita sa ngayon.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Sungjae. Tumunog na rin yung alarm ni Luvie saying na malapit lang yung target. Kinuha ko na yung glass bottle na naglalaman ng love potion at sinundan ng lakad si Sungjae. Napatingala ako at nakita ko yung isang building na nasa likod lang mismo ng stage kung saan nag bibigay ng speech yung president.

Tumakbo ako papunta sa taas para mas makita ko si Sungjae. Binuksan ko yung bote ng love potion. Buti na lang at nasa pinakaunahan si Sungjae kaya maaabot sya ng potion na 'to. Akmang uulain ko na yung potion nang biglang natapos ang speech ng president at naglakad sya sa stage kaya sinara ko kaagad yung bote.

Ang epal naman? Muntik ko nang maula sa presidente!

Nang makaalis na yung President ng YG Academy ay binuksan ko ulit ang bote para sana kay Sungjae pero nagulat ako nang biglang tumugtog ang speaker kaya naula ko ang love potion sa...

... SA GRUPO NG LALAKENG NAGPEPERFORM NGAYON SA STAGE!

Oh my God, ang tanga tanga naman Amore! Sobra sobra na akong nagpapanic dito kaya nanginginig na rin ang kamay ko sa kaba kaya ipinatong ko muna yung bote sa harang ng rooftop. Kailangan kong konsultahin si Luvie! Kukunin ko na sana yung cellphone ko na katabi lang ng bote kaya nasagi ko yung bote agad kong kinuha yun bago pa mahulog sa baba pero yung natitirang laman ng bote ay napunta sa grupo ng babaeng nanunuod sa audience.

Nasapo ko na lang yung noo ko dahil sa sobrang kabobohan ko!

"Ano nang gagawin ko nito?" Naiiyak kong sabi.

Neverland

Somewhere In Neverland | TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon