Memory Lane 3

15 2 4
                                    

Memory Lane 3 : Pretty Skies
November 30, 2017
Japan

"And that's Kanemoto for three!" Sabi nung commentator habang nanunuod kami ng basketball.

We all screamed because of happiness! Grabe talaga 'tong Tigers, masyado talagang ginagalingan! Mahiro is the team captain pero well... Kanemoto Yoshinori talaga ang favorite player ko!

"White Tiiigers! We always gonna rise, roar! White Tiiigers!"

"Basta talaga si Kanemoto yung may hawak ng bola sa final minutes, sure win 'yan!" Sabi ni Meisha habang hawak yung yellow and white long balloons. "Pag nag collab rin sila ni Hidaka, grabe 'yun! Walang-wala ang Blue Knights sa galing ng White Tigers natin," Puri naman ni Kieko.

"Be humble, guys!" Natatawang sabi ko habang winawagayway yung yellow and white long balloons na hawak ko. Pasok ba naman kami sa semi-finals?

Pabawas ng pabawas yung tao sa basketball court, umaalis na kasi yung mga taga East High—yung supporter ng Blue Knights. Yung ibang students naman ng school namin ay tumakbo papunta sa players para magpapicture.

Nakita ko namang naka Yellow na may black linings na jersey si Yoshi, sa likod no'n ang apilyedo niyang Kanemoto at sa baba no'n ay may number 23. Pawisan ang itim niyang buhok na nakaundercut. Lord, talagang nag-laan ka ng time na gumawa ng isang gwapong nilalang na tulad niya.

"Tara na, Miss Pres! Papicture tayo sa White Tigers!" Pag-aaya ni Meisha kaya nawala yung tingin ko kay Yoshinori. Jusko! Hindi ba nahihiya 'to?!

"Ano ba, nakakahiya!" Sabi ko at humawak pa sa railings ng bleachers para hindi nila ako mahila papunta do'n sa players. Napaka haggard ko kaya ngayon! Feeling ko mas fresh pa yung players na nag-laro kaysa sa 'kin!

Natawa si Keiko habang pilit na hinihila ako. "Parang baliw 'to," sabi niya. Tumalikod siya sakin at humarap sa kung nasa'n ang players. "Kanemoto Yoshinori, 23! Gusto raw magpapicture ni Miss Pres!" Nanlaki ang mga maya ko dahil sa sinigaw ni Keiko. Narinig ko namang nag-aasaran ang mga players dahil do'n.

Napabitaw ako sa railings at agad na binatukan si Keiko. "Gaga ka! Ba't mo sinigaw 'yun!?" Natataranta kong sabi. Nakita kong may hawak na water bottle si Yoshi habang nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa 'kin. Nakakahiya talaga! "Sorry na, gusto ko rin magpapicture kay Kanemoto eh, hehe," Hehe mo mukha mo!

"E 'di sana sinabi mong ikaw yung gustong mag papicture! Hindi ako!"

Ginulo ni Meisha ang buhok ko. "Okay lang 'yan! Kanina mo pa rin naman tinititigan si Kanemoto kaya mas okay na 'yung may picture kayo."

Tinutulak na ni Watanabe si Yoshi papunta dito. "Haruto, mamaya ka talaga sa 'kin!" Narinig kong sabi ni Yoshi. "Wahahaha! Ayaw mo no'n, Yoshi-kun? Picture with crushie~" pang-aasar ni Watanabe. 'Tong batang 'to! Kung di lang din 'to magaling mag basketball, e!

Siniko ako ni Meisha. "Crushie raw, oh. Yie~" Lord, gusto ko na lang po umuwi.

"Sinong crushie?" Tanong ni Hidaka... Mahiro. Hawak pa rin ni Yoshi yung water bottle niya at inakbayan si Watanabe. "Wala 'yon, Cap! Inaasar ko lang si Yoshi-kun!"

Tinulak-tulak na rin ako ni Keiko papunta do'n sa gawi nina Hidaka, Watanabe, at Kanemoto. Naramdaman ko naman ang pagtingin nilang tatlo sa'kin kaya napatingin na rin ako sakanila. Jusme, bakit po namumula yung leeg ni Yoshi? Dahil ba sa pagod? Keiko kasi imbes na mag-pahinga na 'yung tao, e!

Somewhere In Neverland | TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon