Chapter 17

48 11 39
                                    

Theoden

"Oh-- Theo? Ayos ka lang ba?" nagulat ako nang biglang may magsalita. Sa pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Ms. Loisse. Nakaupo na pala siya sa katabing upuan. Pero hindi ko na napansin ang pagdating n'ya, dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ah-- ikaw pala Ms. Loisse," napayuko ako ulit.

"Nasaan sila Tris at JC? Lunch time na ah-- bakit wala pa sila rito?" tanong nito.

"B-baka hindi na sila sumabay sa'tin," napabuntong-hininga ako. "A-ano kasi-- nagalit sa'kin si Ms. Tris noong isang araw."

"Why? What happened?" nakakunot-noo na tanong ni Ms. Loisse.

"Nagalit siya sa'kin dahil tinulungan ko si Wesly sa panliligaw nito sa kanya," napasandal ako sa upuan.

"Sorry to hear that Theo-- I can't understand Tris nowadays, akala ko kasi gusto n'ya si Welsy, so anong ikinagagalit n'ya dun?" hinawakan n'ya ako sa balikat. "Don't worry Theo-- kakausapin ko na lang si Tris, we'll fix this."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Ms. Loisse. Wala naman kasi akong ibang gusto, kung hindi ang bumalik sa dati ang samahan namin. Kasalanan ko naman talaga 'to eh, dahil sinabihan na ako ni Ms. Tris na h'wag siyang ipilit kay Wesly. Pero ginagawa ko pa rin ang gusto nito.

“Hey guys! Nasaan sila Tris, JC, at Yosh?” tanong ng kararating lang na si Wesly.

“Ahmm-- upo ka muna Wes, we need to talk,” si Ms. Loisse na ang sumagot.

“You look sad-- what's wrong?” palipat-lipat ang tingin nito sa'kin ay kay Ms. Loisse.

“It's about Tris-- actually kaya nga siguro wala sila rito ngayon,” napabuntong-hininga si Ms. Loisse. “Nagalit daw kasi siya kay Theo, dahil tumulong 'to sa panliligaw mo sa kanya.”

“Ano? I can't get it-- bakit naman siya magagalit?” napakamot ng ulo si Wesly. “Sorry for what happened Theo-- h'wag kang mag-alala, kakausapin ko na lang si Tris.”

Tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos, pumasok na rin kami sa mga klase namin. Buong araw na hindi nagpakita sa'kin si Ms. Tris. Ni hindi ko nga siya napansin sa buong university. Hindi ko alam kung absent lang ba siya o nagtatago siya sa'kin.

“Yosh? Mabuti at nakita kita-- nagkita na ba kayo nila Ms. Tris at JC?” hinarangan ko si Yosh sa paglalakad kaya napatigil ito. Napatingin lang siya sakin na parang walang reaksyon ang mukha.

“Hindi mo ba alam? Akala ko kasi alam mo na,” nagtatakang sabi nito.

“Alam ang ano? H-hindi kita maintindihan,” tanong ko rin sa kanya. “Nasaan ba sila? Bakit buong araw silang di pumapasok?”

“Abala kasi sila sa pag-aayos ng mga papers nila,” napabuntong-hininga ito. “Si Tris, JC, at Prescila kasi ang napili para maging short term exchange students sa Singapore.”

“A-ano 'yun? Aalis ba sila?”

“Oo-- next semester doon na muna sila sa loob ng three months, don't worry babalik din naman sila bago matapos ang second sem.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Yosh. Wala naman kasing nabanggit sa'kin si Ms. Tris tungkol dito. Sabagay, sino at ano lang ba ako sa buhay n'ya para magbahagi siya ng kwento n'ya sa'kin.

Aalis pala siya, paano na ako? Sa kanya lang naman ako komportable na at sumasandal sa buhay ko rito sa siyudad. Umuwi na lang kaya ako sa probinsya?

Nagulat naman ako nang bigla akong inakbayan ni Yosh habang tinatapik ang balikat ko.

“H'wag kang mag-alala, nandito naman ako eh,” ngumiti ito. “Akong bahala sa'yo habang wala sina Tris.”

“S-salamat Yosh--” magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti pa ako nang makita ko na si Ms. Tris ang nag-text sa'kin. Pero biglang nawala ang mga ngiti ko, nang mabasa ko ang mensahe n'ya. Di na raw siya makakapunta sa bahay bukas. Mag-usap na lang daw kami sa Lunes.

Grammatically YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon