Chapter 20

37 10 67
                                    

Theoden

Ilang araw na ba ang nakalipas? Isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na alam. Ang tanging alam ko lang, ay pumapasok ako sa university dahil kailangan.

Hindi na gaya ng dati, parang biglang naging tahimik ang lahat. Katahimikan na may dalang kalungkutan.

“Uy Theo! Sabay na tayo papuntang cafeteria,” inakbayan ako ni Yoshimo. “Oh? Bat nakalukot 'yang mukha mo?”

“W-Wala, tara na--”

“May namimiss ka lang eh-- h'wag kang mag-alala, babalik din siya,” natatawa nitong sabi.

“Anong pinagsasabi mo?” napakamot ako ng ulo.

“Sus! Deny ka pa eh-- miss mo lang si Tris,” naglakad ito palayo. “Aminin mo na kasi.”

Sumunod na lang ako sa kanya at nang marating namin ang cafeteria, nadatnan namin na nakaupo na sa nakasayan naming mesa sina Ms. Loisse at Wesly.

“Hey guys! Finally you're here na!” kumaway si Ms. Loisse. “Have a seat Theo, Yoshi.”

“Uy Wes! Nandito ka pala--” nakangiting sabi ni Yoshimo.

“Of course! Because today it's my treat!” masayang sagot nito.

“Talaga? Ayos 'yan! Pero ano bang okasyon?” nakakunot noo na tanong ni Yosh.

Napangiti si Wesly, “uhmm-- bago kasi umalis si Tris-- nagka-ayos na kami, kaya I think, I deserve to celebrate.”

Nagka-ayos na sila ni Ms. Tris? Paano?  Hindi ko na naman alam. Sabagay, noong last day n'ya sa Pilipinas, hindi naman kami magkasama.

“Talaga? Ah-- mabuti naman kung ganun,” gaya ko, nawala rin ang mga ngiti sa mukha ni Yosh.

“Teka? Bakit parang hindi kayo masayang dalawa?” nakataas ang isang kilay ni Ms. Loisse habang palipat-lipat ang tingin nito sa'kin at kay Yosh.

“Hindi-- masaya kami, diba Theo?” napakurap ng mata si Yosh.

“Oo naman-- 'yun nga ang gusto kong mangyari eh,” sinubukan kung ngumiti.

“Kaya sige na Yosh-- order anything you want at sagot ko,” kumindat pa si Wesly. Mabilis namang tumayo si Yosh at nag-order.

“Oh Theo-- look at this,” may binuksan na video sa cellphone n'ya si Ms. Loisse. “This is the video I took from Tris and Wesly last time, panoorin mo.”

Kitang-kita ko ng iaabot ni Wesly ang bulaklak kay Tris at ang pagyakap nito. Hinawakan din n'ya ang kamay ni Ms. Tris at niyakap ulit. Nagka-ayos na nga sila. Dapat maging masaya na lang ako para sa pinsan ko, pero bakit ako nasasaktan?

“Eto na ang pagkain-- teka ano 'yan?” tanong ni Yosh.

“Ah wala 'to-- sige na kumain na tayo,”  nakangiting sabi ni Ms. Loisse.

Pagkatapos namin kumain, pumasok na kami sa mga klase namin. Buong maghapon akong nanghina. Ganun ba talaga si Ms. Tris? Pabago-bago ng isip? Ang sabi n'ya sa'kin, wala ng aasahan pa si Wesly sa kanya.

“Ano Theo? Sama ka sa'min?” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ms. Loisse.  “Tara na-- diba sa'kin ka binilin ni Tris?”

Hinawakan n'ya ako sa braso habang nakangiti. Kung iisiping mabuti, para akong bata na ipinagbilin ni Ms. Tris. Parang wala pa rin siyang tiwala sa'kin. Ganun ba talaga ako kahina sa paningin n'ya?

“Sige Ms. Loisse-- saan ba tayo pupunta?” sinubukan kong ngumiti.

“Basta sumama ka na lang sa'min,” marahan nito akong hinila. Sumakay kami sa kotse ni Wesly. Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanila.

Grammatically YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon