Chapter 18

46 11 62
                                    

Beatrice

Life has always been filled with changes. Given the opportunity of studying abroad, it's one of the best gift I ever received this year. It's a dream come true. On the flipped side, isa lang naman ang inaalala ko, si Theoden. I just hope that even without me, he'd still continue on improving himself.

Many would misinterpret me why Theo  needed to improve, dahil kahit saan banda naman tingnan, he's an awesome person. Pero kailangan n'ya lang talaga matuto sa mga bagay na hindi n'ya pa alam. Para hindi siya naman mapaglaruan ng kung sino.

“Oopsss Tris! Stop your car na, we're here na kaya,” JC loudly said.

I stopped the car quickly. Dahil sa deep thoughts ko, muntik ko ng malagpasan ang resort na pupuntahan namin.

“Finally--” I sighed.

“Ano ka ba Tris? Wala na naman sa self ang peg?” JC laughed. “Tara na Theo-- help mo ko sa mga things natin.”

I opened my car's door and I went out. I was welcomed by the scent of the salty water. The fresh air enliven my body and spirit. Iba talaga ang dalang buhay ng dagat. The sky was cloudless and the waves gently crashed the shore. The golden ray of sun slightly hurt my skin. But it's fine, I guess namiss na ng balat ko ang ganitong klaseng init.

“Hey guys! We're here!” someone shouted.

I took off my sunglasses and flipped my hair as I looked at the one speaking.

“Hey Loisse! You two got here first huh,” I walked towards them as I pulled up the peach sundress I wore.

“Sadyang mabilis lang talaga ako sa'yo Tris-- kaya naunahan kita,” she laughed sweetly.

“Sa sobrang bilis, muntik na akong atakihin sa puso,” Yosh held his chest.

“Hay naku Yoshi! Hindi ka pa ba sanay?” inakbayan siya ni Loisse. “Mag-diet ka na rin kasi paminsan-minsan, para healthy living ka naman.”

“Hoy Loisse! H'wag na h'wag mong papakialaman ang fats ko, inaano ka ba nito,” Yosh stayed away from Loisse.

“Halaa ka Loisse! Nagtampo ang baboy, baka mangayayat 'yan,” natatawang singit ni JC sa usapan.

“Isa ka pa! Kapag pumayat ako, who you kayo sa'kin!” he walked away stomping his foot. Napapailing na lang ako habang nakangiti. I'd probably miss this scene, I'd miss my friends.

“Tulala ka na naman Tris-- tara na sa cottage bilis!” halos tumakbo na palayo si JC. Sumunod naman sa kanya si Loisse, kaya naiwan kaming nakatunganga ni Theo.

I cleared my throat, “tara na Theo--” I said pero hindi ito sumagot. Instead naglakad na ito papunta sa cottage.

JC and Yosh started to set-up the food on our table. Si Loisse naman abala sa pag-iihaw ng kung ano-ano. Si Theo naman busy in picking up some woods na gagamitin ni Loisse. Afterwards, lumapit na siya kay Loisse.

As I looked at them, pakiramdam ko comfortable naman si Theo sa kanya. At least, habang wala ako nandiyan sina Loisse at Yosh to guide him. I knew he's old enough, but knowing him well, he needed our friends.

I took my camera at kinuhaan ko sila ng mga stolen pictures. Minsan, mas maganda 'yung mga natural shot, 'yung hindi mo alam na nakuhaan ka. Kasi mas kita ang totoong scene and emotions.

“Guys-- I'll take some photos muna sa beach huh, I'll be right back,” I said. Tumango naman sila, except for Theo. Hindi ko alam if nagtatampo ba siya sa'kin o ano?

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Ang sarap sa pakiramdam na nababasa ng tubig dagat ang mga paa ko. I took some shots and decided to pick some shells.

Grammatically YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon