Attacker.
KALAT na kalat sa buong kompanya ang nangyaring pagkapatalsik sa akin sa posisyon ko bilang presidente maging ang pagnanakaw ko 'raw' sa fund ng kompanya. Ang dating mga yumuyukong empleyado na nakakasalubong ko sa ground floor, ngayon halos taas noo na nila akong tingnan na parang isa akong high profile na corrupt, na daig ko pa ang mga magnanakaw sa gobyerno.
I can't blame them. Pagkatapos ba namang ipamalandakan kahapon sa bawat sulok ng kompanya nina Mrs. Claudia at Althea ang tungkol sa desisyon ng board at ni Calyx na tanggalin ako sa posisyon ko. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagbago ang pananaw sa akin ng mga empleyado, even the janitors and security guard look at me like I'm the biggest threats of this company.
Hindi ko malilinis ang pangalan ko dahil sa mga planadong ebidendisyang ibinabato sa akin. Chineck ko kaninang umaga ang mga bank account ko at sobrang laki na nga ng laman nito kumpara sa huling check ko rito, may tatlong bahay at lupa rin na nakapangalan sa akin!
Someone's attacking me behind my back. Magaling siya o sila. At sa lahat ng mga nangyari hindi ko pa rin makitaan ng mali si Mrs. Claudia, hindi ko rin maramdaman na may kinalaman siya rito. Si Althea? I don't know too. Walang alam si Althea sa mga ganitong bagay. Lalo naman si ate Cathy na wala namang pakialam sa kompanya, mas gusto nito ang magshopping o awayin sa telepono ang asawa niya para lang payagan siya nitong lumipad papuntang Italy.
Is it Calyx? Ganu'n na ba siya kadesperado na gantihan ako dahil sa pagkawala ng anak namin? God. Kung oo, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Ma'am, paano na po ako? Ako na lang po ang inaasahan ng mga kapatid ko. Tatlo pa po ang pinagaaral ko at may sakit pa ang papa ko..."
Mangiyak-ngiyak na aniya ni Aevan habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko dito sa opisina dahil sa magiging bakante na ito sa loob ng ilang araw bago makapili ang board of directors ng panibagong ihahalal na presidente ng MEW company.
Tinapik ko ang balikat ni Aevan. Alam ko na sobrang kailangan niya ng trabaho at ngayon na wala na akong kahit anong posisyon dito sa kompanya wala na rin siyang trabaho. Hindi rin siya puwedeng ilagay sa kahit anong department dahil nasa ilalim siya ng company investigation patungkol pa rin sa ninakaw ko raw na fund dahil sa siya ang secretary ko. Ganu'n ang inside rules ng MEW company.
"Don't worry. Ako lang ang aalis ng kompanya, maiiwan ka rito. You still have a job."
Pagpapagaan ko sa loob ni Aevan na kumunot naman ang noo.
"Pero ma'am Sab-" naputol ang sasabihin sana ni Aevan.
"Ito na ang mga hinihingi mong kopya ng record tungkol sa mga nag pull out na investor ng kompanya, Sab. Anong gagawin mo rito?" Turan ni Khai na kakapasok lang ng opisina ko.
Tinanggap ko ang itim na folder na galing kay Khai at isinama iyon sa iba pang folder na naglalaman ng mga mahahalagang bagay.
"Salamat dito," aniya ko kay Khai bago lapitan ang secretary kong si Aevan. "Khai, I want you to accept my former secretary Aevan as your personal secretary." Namilog ang mga mata ni Khai at gulat naman akong tiningnan ni Aevan na biglang namula ang pisngi pero agad nagsalubong ang mga kilay.
"W-what? Sab, hindi ko naman kailangan ng secretary. Hindi naman ako laging nandito sa MEW company, mas nag s-stay ako sa law firm namin. Nandito lang ako para sa mga legal advice." Mahabang paliwanag ni Khai na napahawak na sa baywang. Inaatake na naman ng pagkasupladito. Tsk!
"Ma'am Sabrina mas gugustuhin ko pang ilagay niyo na lang ako sa hanay ng mga security guard kaysa sa maging boss ko 'yan!"
Hysterical na naman na aniya ni Aevan.
BINABASA MO ANG
I'm His Martyr Wife [COMPLETED] | EDITING
General FictionKailan nauubos ang pagmamahal? Kapag pagod na ba ang mga mata sa kaluluha o kapag wala nang maramdaman ang puso? Nawalan ng anak. Niloko ng asawa. 'Yan ang larawan ni Sabrina, na sa kabila ng kanyang matagumpay na buhay ay ang katotohanan naman na...