Death Threat.
"SURPRISE!"
Ilang segundo pa bago luminaw ang paningin ko matapos tanggalin ni Calyx ang piring ko sa mata.
"Did you like it, Sab? Nirentahan ko itong buong amusement park para sa espisyal na araw na 'to para sa akin. Happy anniversary, honey!"
Abot langit ang ngiti ni Calyx habang ipinagmamalaki niya ang walang katau-taong amusement park bukod sa amin at sa mga nag o-operate nito. Isa-isang napuno ng makukulay na ilaw ang bawat rides kasunod ang pagputok ng fireworks.
"I love you, Sabrina! I really do! Mahal na mahal kita, honey!"
Hindi ko masyadong marinig ng malinaw ang sinasabi ni Calyx dahil sa ingay ng fireworks na pinapanood ko. Nagliliwanag ang madilim na langit dahil sa ibat-ibang kulay mula sa fireworks hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ni Calyx mula sa aking likod.
"Dumating na ang pinakahihintay kong araw, mahal ko. Damn! Two years kitang hinintay na makapagtapos ng pag-aaral kaya hinding-hindi na kita papakawalan pa."
Bulong ni Calyx mula sa likod at dahan-dahan itong humarap sa 'kin. Hinagilap niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon hanggang sa nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod si Calyx sa harapan ko at may kinuha ito sa kanyang bulsa hanggang sa mangilid na lang ang mga luha ko, isang engagement ring at hindi ako nagkakamali, mag-po-propose siya sa akin ngayon!
"Hindi ako nagsisisi noong araw na hinampas mo ako ng libro sa ulo sa loob ng library dahil sa akala mo sinisilipan kita. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun kung saan nakilala kita kahit halos i+sumpa mo ako dahil sa na banned tayo pareho sa library room ng university. Ang araw kung saan nahulog ang puso ko kahit halos makalbo mo na ako sa pagsabunot mo dahil sa sobrang inis mo sa 'kin..."
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang sinasariwa ni Calyx kung paano kami nagkakilala na may dalawang taon na ang nakakalipas.
"Kahit paulit-ulit mo akong tinataboy noon at hindi mo tinatanggap ang mga bulaklak na pinipitas ko pa sa garden ni mommy. Kahit sinipa mo ang maselang bahagi ko dahil sa ninakawan kita ng halik sa gitna nang gymnasium at maraming tao. At kahit dalawang beses mo akong nireject, ikaw, ikaw pa rin ang pinili ko...ikaw pa rin ang gusto ko at mahal na mahal ko. Ikaw pa rin ang gusto kong makasama habambuhay at pakasalan..." Mas lalo akong naluha dahil sa panunubig ng mga mata ni Calyx habang nakaluhod ito at hawak ang engagement ring.
"I love you so much, Sabrina. Ikaw lagi ang gusto kong makita tuwing umaga. Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. Now, can I ask your permission to be my wife? Will you marry me, Sabrina?"
Nanlalambot ang tuhod ko at parang magandang musika sa pandinig ko ang mga binitawang salita ng dalawang taon kong nobyo'ng si Calyx. Nanginginig ako tumango dahil sa sobrang tuwang nararamdaman.
"Yes, Calyx! Papakasalan kita!"
Walang alinlangan kong sagot sa gitna nang paghikbi dahil sa labis na tuwa. Ramdam ko ang saya ni Calyx dahil sa nanginginig din siya kaya nahirapan siyang isuot sa ring finger ko ang engagement ring na kumikinang at halatang mamahalin.
"Akin na akin ka na, Sabrina. Mahal na mahal na mahal kita..."
Sambit ni Calyx at naramdaman ko na lang ang pagsakop ng mga labi niya sa labi ko. Lumalalim ito habang tumatagal at nawawalan na ako ng hangin pero ayaw ko ring bitawan ang mga labi niya.
Nang maghiwalay ang mga labi namin, niyakap naman ako ni Calyx nang sobrang higpit at halos buhatin niya na nga ako. Pinangigigilan niya rin ang leeg ko at tinadtad ng halik ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Martyr Wife [COMPLETED] | EDITING
Ficção GeralKailan nauubos ang pagmamahal? Kapag pagod na ba ang mga mata sa kaluluha o kapag wala nang maramdaman ang puso? Nawalan ng anak. Niloko ng asawa. 'Yan ang larawan ni Sabrina, na sa kabila ng kanyang matagumpay na buhay ay ang katotohanan naman na...