Home.
IT'S a fine sunday morning. Magaan ang pakiramdam ko nang magmulat ako ng mga mata. The sweet smile curving on my lips na parang isa akong teenager na napansin ng kanyang crush. I had a great dream, sa panaginip ko ay umuwi raw si Calyx kagabi at niyakap ako habang natutulog.
Kinapa ko ang gilid ng kama and as usual, wala ang asawa ko pero hindi 'yun naging dahilan para mapawi ang mga ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko kasi totoong nangyari ang panaginip ko. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit sa panaginip ko lang nakasama ko muli na matulog ang asawa ko, masaya na ako. At least iba ang naging laman ng panaginip ko kumpara sa mga nagdaang gabi.
Nakangiti akong bumangon at isinuot ang roba na nakasabit sa gilid ng closet. Binuksan ko ang sliding door patungong veranda at sumalubong sa akin ang pang-umagang hangin na tinangay pa ang ilang hibla ng buhok ko na dahilan din para mapapikit ako at damhin ang hangin.
Anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa kakareview ng sales ng kompanya at sa pag-iisip ng magandang paraan kung paano makakabawi ang MEW company sa ibinabang sales nito.
Humawak ako sa railings ng veranda at pinagmasdan ang paangat palang na araw sa 'di-kalayuan. Sunday ngayon kaya puwedeng hindi ako pumasok sa trabaho at kung may importante man na gagawin tatawagan na lang ako ng secretary ko.
Bumaba ang tingin ko sa parking lot at nangunot ang noo ko dahil nakaparada ang sasakyan ng asawa ko! Nakarinig din ako ng ingay mula sa may pool kaya lumingon ako roon at kalaunan ay napakurap ako ng ilang beses dahil sa nakita kong lumalangoy si Calyx sa swimming pool.
Totoo ba itong nakikita ko?
Umuwi ang asawa ko?
Nandito siya ngayon?
Kinusot ko ang mga mata ko at tinitigan nang maigi ang matipunong lalaki na lumalangoy sa swimming pool.
Si Calyx nga!
Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa may pool area ng bahay para lalong makasiguro na ang asawa ko nga ang nakikita ko dahil baka nagha-hallucinate lang ako sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.
Hinihingal akong tumigil malapit sa may swimming pool at sakto namang umahon sa tubig ang asawa ko na tanging sweat short lang ang suot. Dinampot nito ang puting towel na nasa maliit na mesa kasama ang pitsel ng tubig at baso 'saka nagpunas ng kanyang basang buhok. Humakbang ako papalapit sa asawa ko hanggang sa nasa harapan na ako nito. Nanubig agad ang mga mata ko at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na hinahaplos ang basang malapad na dibdib ni Calyx.
Naninigurado sa nakikita ko.
Tumingala ako para hulihin ang mga mata ni Calyx but he just looked at me with his cold expression habang nagpupunas ng kanyang buhok. Hinaplos ko ang panga ni Calyx at lalo akong naging emosiyonal dahil sa hindi ako makapaniwala na nandito nga ang asawa ko, na umuwi siya!
"You're home," sambit ko habang marahan na hinahaplos ang mukha ng asawa ko.
Emosiyonal kong sinuri ang mukha ni Calyx, his thick eyebrow and dangerous brown eyes that I miss in every day, maging ang kanyang matulis na ilong na bumagay sa manipis at namumulang mga labi na sobrang miss ko nang halikan.
Hinuli ni Calyx ang mga kamay ko kaya naudlot ang tangka ko sanang paghalik sa kanya.
"What are you doing?" Malamig pa sa yelong aniya.
"I miss you..sobra..." Emosiyonal na usal ko.
Binitawan ni Calyx ang kamay ko bago ito tumagilid at nagsalin ng tubig sa baso 'saka uminom. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng adams apple niya habang inuubos ang laman ng baso. How can I stop myself of loving this man in front of me, my husband? Kung sa simpleng mga galaw lamang nito ay hinahaplos na ang puso ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Martyr Wife [COMPLETED] | EDITING
Ficción GeneralKailan nauubos ang pagmamahal? Kapag pagod na ba ang mga mata sa kaluluha o kapag wala nang maramdaman ang puso? Nawalan ng anak. Niloko ng asawa. 'Yan ang larawan ni Sabrina, na sa kabila ng kanyang matagumpay na buhay ay ang katotohanan naman na...