Chapter 3

25.5K 563 330
                                    

Former lover.

AROUND 11:00 am nang mag-aya si Khai na kumain sa labas. Hindi sana ako sasama sa kanya dahil sa tambak na paperworks na ginagawa ko sa opisina, kaso sabi niya diyan lang daw sa may malapit na restaurant kaya pinaunlakan ko na, bukod sa wala pang laman ang tiyan ko dahil sa hindi naman ako nakapag-almusal kaninang umaga sa pagmamadali para lang makahabol sa nakakadismayang urgent meeting na nangyari kanina.

"Kababalik ko lang dito sa pinas no'ng isang buwan. Pinakiusapan din ako ni mama na ako na raw muna ang pumalit kay papa bilang head of legal team ng company niyo," aniya ni Khai habang hinihintay ang order namin dito sa isang restaurant na isang sakay lang ang layo mula sa company building. "Si Uncle rin muna ang magpapatakbo ng Law Firm namin habang nagpapaggaling si papa sa France."

Hindi ko alam na anak pala siya ni Atty. Guman na matalik naman na kaibigan ng ama ni Calyx. Ang huli naming pagkikita nitong si Khai ay noong libing pa ni Ma'am Asuncion, I was sixteen that time. He's my highschool boyfriend at nakipag-break ako sa kanya dahil sa france siya mag-aaral ng college, ayaw ko nang magkalayong relasyon bukod pa sa hindi naman talaga ako seryoso sa relasyon namin noon, nadala lang ako sa tukso ng mga kaklase ko.

"Hey? You're spacing out. Kanina mo pa ako tinititigan. Pinagnanasaan mo na ba ako, babae?" Umikot ang mga mata ko at natawa naman si Khai bago lagyan ng pagkain ang plate ko.

"Ang hangin mo pa rin until now." Pasiring na saad ko.

"Ang ganda mo pa rin until now."

Tinaasan ko ito ng kilay at ngumisi naman ito, naalala rin siguro kung ano ang madalas niyang itawag sa 'kin dati.

Ugly baby.

"Parang dati lang diring-diri ka na lapitan ako noon ah. Nakalimutan mo na ata na pinahiya mo ako sa buong second year class dahil sa kalokohan mo."

"Huh? Wala akong maalala."

Maang-maangan nitong sabi ngunit natatawa.

"Ah, nakalimutan mo na nu'ng ni-lock mo ako sa comfort room ng mga lalaki noong second year tayo, pinagkalat mo pa na nambubuso ako!" Aniya ko at tumatawang umiling si Khai.

"Mga bata pa tayo no'n pero sige, sorry sa lahat ng kalokohan na ginawa ko sa 'yo dati."

"Tch. Too late to say sorry. Ang hindi ko lang makalimutan ay no'ng nilabag mo ang school rules para lang gamitin ang buong soccer field during exam at magconfess ka sa 'kin na gusto mo ako." It's not awkward for me na pag-usapan ang mga ganitong bagay dahil tapos naman na ito at may asawa na ako. I'm just reminiscing the old memories dahil ganu'n naman talaga noong high school.

"At hindi ko pinagsisisihan na ginamit ko ang speaker ng campus para lang sabihin sa 'yo na gusto kita, Sabrina." Nasamid ako. Agad kong inabot ang baso ng juice at mabilis na uminom. Ramdam ko rin ang mga titig ni Khai na kanina pa nakatingin sa mga labi ko.

TAHIMIK ang buong classroom dahil abala kami ng mga kaklase ko sa pagsagot ng final exam bago ang summer vacation. Ito na ang ikatlong taon ko sa highschool at pinag-i-igihan ko talaga ang pag-aaral bilang ganti kay Ma'am Asuncion, ang umampon sa 'kin na principal ng aming eskwelahan.

"Anong meron sa baba?" Aniya ng teacher namin sa mathematics at lumabas ito para dumungaw sa field.

"Ipasa niyo na!" Mahinang usal ko sa mga kaklase ko, tinutukoy ang namemorize kong formula sa math na isinulat ko sa maliit na kapiraso ng papel.

Mabilis namang kumilos ang kaklase ko habang nasa labas ang teacher namin at bago ito pumasok sa loob ay tapos na kaming lahat sa pagsagot.

Nagkaroon nang hiyawan sa baba kaya nagsitayuan ang mga kaklase ko kahit hindi pa tapos ang oras ng pagsusulit namin.

I'm His Martyr Wife [COMPLETED] | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon