Chapter 20

51.2K 749 742
                                    

Decision.

HALOS takbuhin ko na ang hallway ng hospital pagkababa ko palang ng sasakyan at walang tigil sa pagpatak ang mga luha. Nangangatal din ang mga tuhod ko habang umaakyat sa third floor ng hospital.

"Aevan!"

Humahangos na pagtawag ko kay Aevan na agad akong sinalubong ng yakap habang umiiyak ito.

"Anong nangyari!? K-kumusta ang sitwasyon ni Khai? Is he okay?" Sunod-sunod na tanong ko kay Aevan at lalo namang lumakas ang paghikbi nito.

"Sagutin mo ako, Aevan..."

Nanghihinang sambit ko. Kumalas naman sa mga yakap si Aevan at mugto ang mga mata na tumingin sa akin.

"H-he's..."

"W-what?" Kinakabahan na tanong ko.

"H-he's a wake. G-gising na si Khai, ma'am Sabrina. Stable na ang na rin ang lagay niya. H-he made it!" Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Aevan.

"I told you, malakas si Khai kaya nagawa niyang gumising." Aniya ko.

"N-naiiyak lang ako dahil sa sobrang saya. Nakausap ko siya kanina pero saglit lang dahil sa nakatulog muli siya pagkalipat namin sa kanya dito sa observation room." Saad ni Aevan na pinupunasan na ang kanyang mga luha habang pa-upo kami sa bench sa labas ng kwarto kung saan na admit si Khai.

"Napanood ko kanina sa balita ang nangyari sa kompanya. Hindi ako makapaniwala na si Ms. Catherine pala ang may gawa ng lahat ng ito. Kumusta po kayo, ma'am Sabrina?" Huminga ako ng malalim bago napatitig sa sahig. Kapag iniisip ko ang mga nangyari, hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko bukod sa galit. "Huwag niyo na lang pong sagutin ma'am Sabrina, ang mahalaga po ngayon ay nakulong na ang tunay na may sala," ngumiti ako kay Aevan na hinawakan ang mga balikat ko bago nilingon ang pinto ng kwarto kung saan na admit si Khai bago ito muling nagsalita.

"Tumawag sa 'kin kanina si Mrs. Ricohermoso, ang ina ni Khai. Uuwi raw ito bukas ng pilipinas at sinabi rin niya sa 'kin na isasama niya na raw si Khai pagbalik niya sa France para doon na ito mag pagaling."

I felt the sadness on Aevan's voice. Bagaman may tuwa sa kanyang boses lamang pa rin ang kanyang lungkot kaya inabot ko ang mga kamay niya at pinisil iyon, to feel that I'm here for her. Alam ko naman na may pagtingin siya kay Khai kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.

"I l-like him--no I mean, I love him. M-mahal ko na si Khai, ma'am Sabrina..." Pag-amin ni Aevan sa akin kaya ngumiti ako at hinaplos ang bagsak nitong buhok.

"Malungkot ka kasi aalis si Khai, ganu'n ba?" Tumango naman si Aevan, "pansamantala lang naman ang pag-alis ni Khai at para rin iyon sa ikagagaling niya. Kaya dapat 'wag tayong malungkot, babalik din siya. Maniwala ka sa 'kin." Sambit ko.

"Alam ko po, ma'am Sabrina. Hindi ko lang alam kung kailan siya babalik at baka po pagbalik niya, may nagmamay-ari na sa kanya. Gusto kong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ito ang tamang panahon at hindi rin sa ganitong kalagayan niya." Aevan is a brave woman. Kaya alam ko na makakayanan niya ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Khai.

Khai is my ex-boyfriend before, at kung anuman ang meron kami noon ay parte na lamang iyon ng nakaraan. Mas gusto ko ang pagkakaibigan namin ngayon at mas gusto ko rin para sa kanya si Aevan na alam kong responsableng babae. Hinihiling ko ang kaligayahan nila at sana huwag silang matulad sa kinahantungan namin ni Calyx.

Isang mahabang katahimikan ang lumipas bago ako muling nagsalita. Ang desisyon na gagawin ko ay gusto kong malaman ni Aevan dahil siya ang higit na malapit sa akin. Ang tinuturing ko na ring pamilya.

I'm His Martyr Wife [COMPLETED] | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon