Chapter 18

5.8K 382 381
                                    

'Astra Saige'


"Joke ba 'yan?" Kunot-noong tanong ni Dino sa kanila.

"Hindi, kay Zelle 'yan." Pasimpleng sagot ni Hoshi habang kumakain na dahil nagugutom na siya kakahintay sa iba para kumain. Nung makita siya ni Lucas ay kumain narin ito.

"Anong kay Zelle?" Kunot-noong tanong ni Baxter habang nanatiling nakatingin si Matthew kay Astra na panay ang tingin sa paligid dahil wala narin siyang naiintindihan. "My mother's name is not Zelle." Agad na sabi ni Astra at tiningnan si Zia.


"Of course, your adoptive mother's name is not Zelle."
Pasimpleng sabi ni Zia at tinapik na ang balikat ni Astra.


"Teka, paano mo nalaman? Ano pa bang alam mo?"
Tanong ni Jayden sa kanya at nilapitan na siya. Bumuntong-hininga nalang si Zia habang hawak-hawak parin ang balikat ni Astra. "Can we eat as I explain though? The food is getting cold," aniya at pumunta nalang sila sa dining area at kumain na maliban kina Matthew na naghihintay na magsalita si Zia.


"Sino nga pala si Zelle?"
Tanong ni Duke dahil parang ang dami na nilang kilala at nakakalimutan na nila ang mga pangalan at mukha ng mga 'to.


"Ka-fling ni Matthew dun sa UHT noon,"
sagot ni Walter pero kumunot lang ang noo ni Duke.


"Alin dun? Dami niyang ka-fling nun dahil broken hearted siya."
Wala sa sariling sagot ni Duke at agad na tumaas ang kilay ni Astra tsaka tiningnan si Matthew, thinking that he is a playboy at kung siya man ang ama nito ay malamang hindi niya rin alam na may anak siya.

Matthew immediately found out what Astra was thinking kaya agad niyang hinampas si Duke.


"You're making me look bad,"
aniya at tinakpan nalang ni Duke ang bibig niya.


"Tito Hoshi is right. Anak siya ni Tito Matthew kay Auntie Zelle,"
sabi ni Zia at nilagyan ng juice ang baso ni Astra.


"What? Since when?"
Tanong ni Xy. He recognized who Zelle was at naguguluhan rin silang lahat sa sitwasyon. And since this issue didn't include Zia on it, the Alpha family including Xy and Wilder could relate to what Zia was about to say pero sumingit na si Jayden.


"Simple lang naman ang sagot. Sekretong lumandi si Matt."
Tumawa kaagad sina Seth dahil sa sinabi ni Jayden.


"Ahh, naaalala ko nga. I was around eleven or twelve that time? Bigla-bigla nalang nawawala si Tito Matthew sa village."
Si Wilder na ang nagsabi sa gustong sabihin ni Zia 


"Ahh, you were baby making that time?"
Diretso tanong ni Walter kaya pinalo siya kaagad ni Keya. Sinapo nalang ni Matthew ang mukha niya.


"Seriously, Matt? Did you even know that you had a child with Zelle?"
Vernon asked him.

Hindi nakasagot si Matthew at sinulyapan nalang si Astra na nakatingin lang sa kanya. Her crimson hair and eyes resembled her mother's features so well.


"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ibang pamilya ang nagpalaki sa anak mo? Zelle gave her up for adoption."
Tumingin kaagad ang lahat kay Milo dahil sa sinabi nito tsaka nila tiningnan si Astra na tinitikman ang juice na binigay ni Zia sa kanya.

She's not even minding what they say about her.


"Hindi magagawa ni Zelle 'yun."
Singit ni Matthew sa usapan.


"E bakit nasa ibang pamilya 'yung bata? Do you even know where she is right now?"
Tanong ni Wolfie sa kanya.


"I don't know. I don't know."
Stressed na sagot ni Matthew at tiningnan muli si Astra na tinitikman na naman ang mga pagkain na si Matthew mismo ang nagluto.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon