Chapter 38

5.2K 299 205
                                    

'Game in the Snow'


"Lumalamig na." Mahinang sabi ni Lucas at huminga sa hangin para makita ang usok dahil sa lamig ng paligid. "Obvious ba?" Sinamaan kaagad ni Lucas ng tingin si Audin na suot-suot ang malaking jacket ni Blu. Blu, on the side, snickered at them.


"Oh, anong feeling na bumabalik sa 'yo 'yang kasungitan mo? Sarap ba?"
tanong ni Archer kaya umirap nalang si Lucas at ginulo na ang buhok niya na humahaba na naman.


"Babae ka ba? Ba't ang bilis humaba ng buhok mo?"
Kunot-noong tanong ni Ash sa kanya.


"You know, Lucas, you're going to turn into a girl if you keep adding earrings to your collection."
Singit ni Reed sa usapan kaya tumingin na si Lucas sa kanilang lahat. "Anong problema niyo ngayon? Ba't ako pinupunterya niyo?" Sunod-sunod niyang tanong sa mga kasama niya.


"Wala, pogi mo kasi."
Pabirong sabi ni Xy na nakaupo lang dun sa gilid. They were all huddled up together because of the cold.


"If I know, you're all just messing with me to cover the fact that Wilder's gone."
Walang pag-aalinlangan niyang sabi kaya sabay siyang sinipa nina Xy at Ash sa pwet. Lucas groaned and kicked the snow towards them.


Dahil dun ay sumali narin si Audin sa pagbabato ng snow sa kanila at dun na nagsimula ang batuhan nila. Thinking about their situation, it was crazy. Wilder just died, Shinshi and Atlas are still locked in the cabin at may Blue Night pa silang haharapin.

And yet here they are, having a snowball fight at Mount Olympus. What peculiar creatures they are.


Hindi sana sasali si Xy sa kanila dahil inaalala niya pa ang kalagayan ni Dolly nang may snowball na tumama sa mukha niya. Natigilan silang lahat at tiningnan si Ash na nakangiti habang nagpapagpag ng kamay.


"Tatanda ka ng maaga niyan, Wen."
Mapanuksong sabi nito kaya dahan-dahang pinagpag ni Xy ang yelo sa mukha niya tumingin sa kanilang lahat. He was smiling at first pero bigla nalang nag-iba ang tingin niya at isa-isa nang nagbagsakan ang kulay pulang kidlat sa paligid niya.

He raised both hands and laughed in the evillest way.


"You want to play? Let's play."
The Midnight Angels trembled in fear because it felt like the spawn of Hades was speaking to them. Titigil na sana silang lahat pero biglang lumipad si Archer harap nila at binuhusan ng snow si Xy.


"Come on, guys. It's six versus one,"
aniya at dun na bumuo ng napakalaking snowball sina Reed at Lucas at sabay itong tinapon kay Xy. Bigla ring tumakbo sina Audin at Blu sabay tapon ng snow kay Xy mula sa iba't-ibang direksiyon.

Ash threw snowballs casually pero napansin niya ang masamang balak ni Archer. Binabalot niya kasi ang bato ng snow bago ito ibabato kay Xy.


"Hoy! Foul 'yan!"
Sigaw niya kay Archer na sumisipol-sipol lang at nag-aktong wala siyang narinig. All of their attacks were stopped by Xy. Nakatingin lang siya sa kanila at dahan-dahang ngumiti.


"Tapos na kayo?"
tanong niya kaya sandaling nagkatinginan ang Midnight Angels.


"Good. My turn."
Pagkasabing-pagkasabi nun ni Xy ay agad na tumilapon sina Reed dahil sa mga snowball na tumama sa kanila. Natamaan pa ang mukha ni Lucas kaya agad siyang sumigaw dahil sa inis. Blu caught a snowball that was heading his way pero tinamaan narin siya sa mukha gaya nang nangyari kay Lucas.

Archer and Ash immediately flew away pero tinamaan sila ng kidlat habang tumatawa lang si Xy. He was having way too much fun hurting his teammates.


"What the hell, Wen?! Snowball fight 'to! Ba't may kidlat?!"
Inis na tanong ni Ash pero nagkibit-balikat lang si Xy at tumigil na nung gumagapang na si Audin sa snow at hawak-hawak ang sikmura niya.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon