BRYLE'S POV
Panibagong araw na naman.
May lakad kami ni Ella ngayon. Inaya ko siya kahapon na magmall kami ngayon dahil bibili ako ng School Supplies.
Bukas na ang pasukan namin. Nakatanggap ako ng Scholarship sa isang skwelahan na may kalayoan pero malalakad ko lang din naman. May parte sa'kin na naeexcite, pero mas nangingibabaw sa akin ang kaba. Sikat din ang Unibersidad na iyon sa lugar namin. Halos lahat ng studyante ay gustong makapasok roon. Kaso, Entrance Exams pa lamang ay mahirap na. 9.8% lamang ang passing rate sa Entrance Exam ng Unibersidad na iyon. Kaya naman ay napakagrateful ko dahil nabigyan ako ng opportunity na nakapasok roon.
Ano kaya ang mangyayari sakin bukas? Maganda naman siguro yung papasokan ko. Di naman sisikat yun kung hindi.
"Kuya, san tayo unang pupunta?." Tanong ni Ella nang papasok kami ng Mall.
"National Bookstore muna tayo. Bibili muna tayo ng gamit para bukas." Tumango naman ito.
Kumuha lang ako ng mga kailangan ko at nagtingin tingin ng libro. Dapat talaga maghanda ako. Ayaw kong mapahiya dun sa unang araw ko.
Maya-maya ay lumabas kami ng bookstore na may dalawang plastic bag na dala-dala.
Sunod naming pinuntahan ang bilihan ng mga bags. Binilhan ko na rin ng bag si Ella.
"Kuya, yun nalang sayo. Mababagay yan kahit anong suotin mo." Turo niya sa bag na nakasabit. Kinuha ko naman ito at tinignan.
Naked Color sakin tas Bright Color naman ang sa kanya.Nagtungo agad kami sa Counter at binayaran na namin. Halos umabot sa Dalawang libo ang Bag na nabili namin.
Nagjollibee muna kami dahil alas dose na ng tanghali. Kanina pa kumukulo sa gutom ang sikmura ng kasama ko. Pati na din ako parang nanghihina ako sa gutom.
Kaya pagdating namin sa Jollibee. Umorder kami ng tig-iisang Large Meals na may Spaghetti, Large Fries, Chicken at anim na Rice.
Pagdating ng order ay nagulat ako nang akmain kaagad ng kain ni Ella ang pagkain.
"Uy, magdahan dahan ka naman. Di pa nga nilalapag, kinakain mo na."Natatawang awat ko dito.
"Sorry kuya. Gutom na Gutom na kasi ako eh. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko." Sagot nito habang sumusubo ng pagkain.
"Edi magtira ka naman para sa'kin." saad ko dito.
Pagkatapos kumain ay namahinga muna kami saglit dahil sa busog.
Grabe, parang puputok na yung tiyan ko sa busog.Nang matapos kaming mamahinga, Agad naman kaming Umalis. Bumili muna kami ng sapatos na gagamitin ko bago kami sa Groceries.
"Kuya, pakibitbit muna saglit ah? Iihi muna ako, di ko na talaga kaya." Nagmamadaling saad nito sakin habang naglalakad na kami palabas.
Mabilis nitong binigay sakin ang binili niya at Nagmadaling tumakbo sa kung saan ang Cr. Muntik ko nang nabitawan ang mga Bitbit ko dahil sa pagmamadali niya.
"Hoy, wag mo akong iwan dito."saad ko.
Mabilis ko naman siyang sinundan. Halos di ko na makita ang daan dahil sa Dalawang paper bag na dala ko. Ang bibigat pa!
Sa pagmamadali ko ay di ko napansin na may nakasalubong ako. Nabangga ko ito at nabitawan ang mga dala ko. Napaupo ako sa Sahig.
"Ay, sorry. Di ko po sinasadya." Agad akong lumuhod para kunin ang mga nahulog kong gamit.
"It's alright. Here let me help you." Tinulungan niya akong kunin ang mga gamit na nahulog.
Pagtingin ko sa kanya ay para akong natuod sa kinaroroonan ko. Napakagwapo niya. Mapupula ang labi niya, Matangos ang ilong at Maamo ang Mukha. Para siyang anghel na bumaba sa langit para tulungan ako.
