Chapter 6
"Hoy, Bryle.''
Napabalik ako sa ulirat nang tapikin ako ni Ryne. Mahina akong umiling-iling.
"What happened to you ba?."
"Bakit?."
"Anong bakit, kanina pa kita kinakausap hindi ka pala nakikinig." Nagtatampong saad nito. Nakasimangot pa itong nakatingin sa akin.
"Ay pasensya ka na, may iniisip lang."
"So, what happened ba between you two?."
Napakunot noo ako kanya kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
"Hay naku, don't pretend na hindi mo alam kung sino ang tinutukoy ko?."
Napabuntong hininga ako sa kakulitan nito. Tinignan ko ito uli
"Spill"
Kinwento ko sa kanya ang nakaraan namin. Halo-halo ang reaksiyon nito habang nagki-kwento ako. Minsan, tumitili ito nang malakas dahilan upang magising ang diwa ng mga kaklase ko at tumingin ito sa amin.
"Shocking naman pala ang nangyari sa inyo ng Chrysus na yan e."
Madali kong tinakpan ang bibig nito.
"Silent ka nga, alam mo namang nasa unahan lang siya e. Nilalakasan mo pa." Sermon ko dito.
"Kasi naman, It's very shocking talaga. Wala talaga siyang reaksyon or any words na nagsplok from his mouth?."
Umiling lang ako.
"God ha, From the bottom of the earth and the highest peak of the sky. Talagang nakakainis na nakakathrill yang story niyo."
Natawa pa ako ng bahagya sa sinabi nito. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang bell, hudyat na break time na.
"Okay Class, Nice to meet you all and See you when I see you." Paalam ng professor namin.
Tumayo kaming lahat at nagpaalam sa kanya. Inayos ko na ang mga gamit ko at sinilid ito sa bag.
Medyo, nagugutom na rin kasi ako.
"Baks, Cafeteria tayo?."
Napatingin ako dito at tinignan ng masama.
"Bakit?."
"May pangalan kasi ako."
"Ay sorry naman, nadala lang. Ayaw mo nga pala matawag ng ganun." Nag peace sign pa ito sakin. "So, tara na?."
"Sige, nagugutom na din kasi ako."
"Ayos, excited na ako from the bottom of my heart na ipakilala sayo yung mga foods dun. I'm sure magugustuhan mo." Excited na batid nito.
"Akala ko ba first time mo dito?."
"Pumunta na kasi ako dun kanina, nagutom kasi ako haha." Natatawang sabi nito.
Sinuot na namin ang bag namin dahil kami nalang ang natira sa room kaya naglakad na kami agad palabas.
Paglabas namin ng room ay napalingon kami sa tumawag ng pangalan ko. Bigla akong nanginig at nanlaki ang mata kung sino ito.
"Kakain na ba kayo?." Malaking ngiti ang binigay niya sa amin.
Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Nakatitig lamang ako rito.Siniko ako ng mahina ni Ryne. Nabaling ako sa ulirat at tumingin rito. Sinenyasan niya ako na balingan ng atensyon ang nasa harap namin.
"h-ha?."
Nagtatalo ang pawis at kaba ko habang nakatingin sa kaya. He is so handsome. I can't believe na nakita ko siya ulit.
