Chapter 1

298 12 1
                                    

Still Into You
Chapter 1

Beep! Beep!

Yan ang mga tunog na Maririnig mo sa Paligid. Palikas na ako ng Manila para dun ako mag aral. Mags-stay ako sa Auntie ko. Ito naman kasing si Mama Pinipilit ako Dun.

Ako nga Pala si Bryle Velasco, Gay pero di nagpapabully sa kahit sino. Patpatin din ako.Dancer ako sa School namin, may kasikatan din dahil sa Talent ko, syempre Honor Student din ako, pasok sa Top 10.

Panganay Ako Sa Magkakapatid, Pareho kaming mga Babae, Charot! Dalawang Babae tsaka isang Lalaki at ako yun.

[FLASHBACK]

"Ma, di na ba magbabago ang isip mo?." Tanong ko kay Mama habang nakaupo sa silya na hawak hawak ang Cellphone.

"Nak, wag ka nang Makulit, para naman Sayo yan." Sagot niya.

"Pwede namang dito ako Mag-aral diba."Sabi ko.

"Oo nga, pero Iba sa Manila anak.Para din masanay ka kung saan kaman pupunta. Tsaka ayaw mo nun? Makapagtravel-travel ka dun"-Mama.

"Eh kasi naman eh."sabi ko habang Nakabusangot.

"Sige na Matulog kana.Maaga ka pa bukas."Saad nito.

"Sige Bye, Goodnight, Iloveyou."Sabi ko.

"Sige bye Goodnight.Ingat ka dun ah.Itext mo'ko kung nakarating kana doon." Saad nito Bago Binaba ang Tawag.

Close Kami ni Mama, mabait sya sa'kin. Kung magagalit man siya,di niya pinapaabot ng isang araw yung galit niya. Nagkakasundo talaga kami ni Mama.Sinusuportahan niya ako lagi.Nasa Abroad nga Pala si Mama, Four Years na siya doon.

Kabaliktaran naman kay Papa. Hindi siya tulad kay Mama na palaging Naglalambing sa amin. Lalo na sa akin. Kasi daw baka maging spoil brat kami at laging umaasa sa iba.Paminsan minsan dinadala niya kami sa dagat pero madalang lang yun dahil sa pagmamaneho niya ng jeep araw-araw.

Kinabukasan.

Ngayon ang Alis ko, kaya naman Umaga akong nagising para ihanda ang Sarili ko sa Paglikas ko.

Naeexcite ako,Syempre may lungkot din.

"Kuya, Babye."wika ng Bunso kong kapatid.

"Kuya Bye."Sabay Kaway sa Kamay ng isa ko pang kapatid.

Nagmano ako kay Papa bago ako sumakay sa sasakyan. Ganyan lang talaga ang set-up namin, walang halik sa noo o sa pisngi.Normal lang sa amin.

Kumaway din ako pero di ako masyadong tumitingin sa kanila para di ako maiyak.

[END OF FLASHBACK]

Ilang Oras bago ako nakarating sa Manila. Maganda nga Dito, ang Tataas ng mga Building.Yayamanin talaga ang hitsura ng paligid.

Pagkababa ko, Kinuha din ni Manong Driver yung Dalawang Maleta ko.

"Salamat po, Ito po yung Bayad."Sabay Abot ng Bayad.

"Mag ingat ka iho."Saad naman nito.

Ngumiti at Tumango na lamang Ako.

Palakad lakad ako Habang hinahanap ang Bahay nina Auntie Maria.
Kanina pa ako pasikot-sikot.Madami ng Nakatingin sakin, Nahihiya na ako.

Jusko, saan ba kasi ang bahay nila? Pabalik-balik lang ako dito eh.

Dumiretso ako ng lakad hanggang may mga taong nag-uusap usap.

Hindi ko na kaya, ang sakit na ng paa ko.

Lumapit ako dito tsaka nagsalita.

"Mga manong Magandang Umaga po, Magtatanong lang po sana ako." Saad ko.Nakatingin lang Sakin Ang mga to. "San po dito yung Bahay ni Auntie Maria?."

Still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon